[8] I'm alive [EDITED]

956 24 0
                                    

ZOPHIA's POV

Nang makarating ako sa bahay naalala ko bigla yung sobre sa bag ko. Ano kaya yun? At anong laman non? At sino ang nag lagay noon dun?


Bubuksan ko na ba? Bigla nanaman akong kinabahan. Bakit ba ako kinakabahan? Sobre lang yan Zophia. You've encountered worst than an envelope.


Kaya binuksan ko.

'Je suis en vei Zophia.

-Ria'

Huh? Sinong Ria? At anong Je suis en vei? Google nga.


'I'm alive' iyan naka lagay doon.



I'm alive Zopia -Ria. Alive? Ria? Ang gulo. Sino ba kasi 'to at anong ipinahihiwatig nya?



"Zophia may bisita ka." Biglang nag salita si Mama sa pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako doon.


Bisita? Sino namang bibisita sa akin? At sa ganitong oras pa? Tinago ko yung sobre sa maliit kong kahon at inilagay iyon sa ilalim ng kama ko. Bumaba na ako.


"Tristan?" Nag tataka kong sambit. Si Tristan nandito? Anong ginagawa nito dito?


"Zophia, si Paula." Nag aalala nyang sabi.


"Anong nangyari kay Paula?" Nag tataka kong tanong.


"Nasa hospital sya." Sambit nya. Hospital? Bakit?


"Natagpuan syang walang malay ng mama nya sa kwarto nya at may nakuha silang sobre. Nandun na sila Drea." Sabi pa nya.


"Sige hintayin mo 'ko dyan." Sabi ko at pumunta sa kusina. Naka bihis naman ako ng ayos, e, kaya hindi ko na kailangan bumalik sa kwarto ko.



"Ma, alis lang po ako." Paalam ko kay Mama. Naging seryoso ang mukha nya.



"Mag ingat ka anak." Tanging sambit nya.


"Ma, I've encounter worst of this. Sige po, alis na kami." Sagot ko at humalik sa pisngi nya.


After 20 minutes nakarating kami sa Ali Hospital. Ang hospital na pag mamay-ari nila Victoria.


"There you are." Sambit ni Victoria.


Agad na may binigay sa akin si Drea na sobre. Kulay pula sya na may burda na itim.


"Nahanap 'yan ng Mama ni Paula sa kama nya kung saan nakita nilang walang malay si Paula." Sabi ni Alexa. Napapansin ko this past few days, nawi-wirduhan na ako kay Alexa.


Binuksan ko ang sobre.


"Two can keep a secret if one of them is dead.

-Ria"


Ria nanaman. Sino ba 'tong Ria na 'to.


"Kamusta na si Paula?" Tanong ko.


"Ayon, sabi ng doktor, nahilo raw. Medyo marami raw ang nawalang dugo sa kanya." Sagot ni Stacey.



"Teka. Teka. Paano nyo nalaman na nandito si Paula?" Tanong ko.


"May nag text. Unknown number pero nakalagay 'Kawawang Paula, nasa hospital ng Ali. Puntahan nyo na, baka mamaya wala na syang hininga. -Ria,'" sabi ni Spencer.



Bakit ako hindi tinext at sinundo ako ni Tristan. Napa tingin tuloy ako sa kanya.


Pinakita nya saakin yung text sa kanya.


'Dalhin mo ang iyong Zophia sa Ali Hospital bago pa mawalan ng hininga si Paula. -Ria' naka lagay.



"Ano bang gusto nila kay Paula?" Sabi ni Alexa na naiirita na. Parang... parang peke.



Mag sasalita sana si Stacey ng may lumabas na doktor at lumapit saamin.


"Are you the patient's family?" Tanong nito.



"No, Doc. Friends. There's the family." Sagot ni Victoria at tinuro yung magulang ni Paula sa kabilang dulo.


"Doc, kamusta po si Paula?" Nag aalalang tanong ng nanay ni Paula. Mugto na ang mata at halatang galing sa iyak.



"Your daughter is fine as of now Mrs. Trillos. She just need a rest. Paano po ba nakuha ng anak nyo ang saksak sa tagiliran nya?" Tanong ng Doktor.



Oo nga. Paano nga ba? Tumingin saamin ang magulang ni Paula hatalang nag tatanong.



"Wala ho syang binabanggit saamin. Pasensya na ho." Sabi ko.




"Hindi rin ho namin alam, Doc." Sabi ng tatay ni Paula.


"Okay po. Kailangan lang po mag pahinga ng anak ninyo. Bukas ho ay pwede na syang umuwi. Mauna na ho ako." Sabi ng doktor at umalis na.



Paano nga ba nakuha ni Paula ang saksak na iyon? Parang... parang may tinatago saamin si Paula e. Pati nung tinanong namin sya na bakit sya mag papakamatay sagot nya bangag sya? Ano yun, gaguhan?


Dahil nga gabi na ay napag pasyahan naming dito na lamang mag palipas ng gabi.


______________________________________________________


Thanks for reading this chapter! Mwuahugs!


-Jinssstal

Class 3-H's Secret (Editing)Where stories live. Discover now