Chapter 4: Missing [EDITED]

1.2K 33 5
                                    

Zophia's POV


"Pa-papaanong namatay si Yumi?" Nauutal na sabi ni Paula. Humahagugol na sya ngayon.



"Kaya ako nandito hija para tanungin ka. May mga kaaway ba ang kaibigan mo na alam mong kayang gawin ito sa kanya?" Sambit ni Chief Cargo.



Natahimik si Paula.


"Wala naman po syang kaaway dahil wala naman po halos pumapansin kay Ayumi." Sagot ni Paula.



Bumalik ulit kami sa canteen at mag kakasama parin kami. Hindi pa ata nalalaman ng iba naming kaklase.



"Chief nawawala po ang bangkay." Biglang dating ng isang pulis.


Napa-kunot ang noo 'ko. Ano? Nawawala ang bangkay ni Yumi? Paano-



"Paanong nawala? Iniwan ko kayo rito." Sagot ni Chief.


Nag iba naman ang expression ng isang pulis. Naging nag tataka.



"Huh? Eh Chief pinapunta mo kami sa room ng 3-A ah." Sagot nya. Nag taka naman kami.


Bago kami umalis kanina nagpaalam sakanila si Chief Cargo.



"Sabi saamin ng isang babae kanina pinapapunta nyo kami sa room ng 3-A kaya pumunta kami, kaso wala naman kayo roon" dagdag pa nito.



Nag katinginan naman kami nila Victoria, Spencer, Stacey, Tristan, Alexa, Ash, Drea, Paula at ako. Pare-parehas na nag tataka.



"Nakilala nyo ba yung babae?" tanong ni Chief.


"Hindi, Chief. Naka hood sya at naka takip ng panyo ang bibig nya. Tanging mata lang ang kita." Sagot ng pulis.




Bobo. Bakit nila 'yun sinunod kung ganoon? Halata namang hindi kapani-paniwala kung ganoon.



"O, sige Craige. Bumalik na kayo roon." Ani Chief.


Umalis naman na si Sir Craige. Muli kaming nag katinginang mag ka-kaklase. Bakas pa rin ang pag tataka. Lalo na ang bestfriend ni Yumi na si Paula.



"Babalik ako bukas upang mag hanap ng iba pang clue. Bumalik na kayo sa room nyo." sabi saamin ni Chief.



Habang nag lalakad kami sa hallway rinig na rinig ang mga bulungan ng tao.




"Ano ba yan. Baka isa sa kanila ang killer mapatay pa tayo. Tsk."



"Oo nga. Ganyan ba ang mga Model Students?"



"Alam nyo, kung wala kayong masasabing matino, mag si alisan na kayo sa harap namin." Matigas kong sambit na dahilan kaya nag si alisan sila.


Nakarating kami sa room at lahat ng kaklase namin ay naka-tingin saamin.



"Mabuti pang wag na muna nating sabihin sa kanila." Ani Alexa.



"Ano namang gusto ng killer sa katawan ni Yumi?" Nag tatakang tanong ni Paula.


Napa-buntong hininga naman si Tristan.


"Mas maiging mag si uwian na muna tayo. Bukas na natin 'to ayusin." Suhestyon ni Drea.


Pinauwi na kasi ang mga estudyante dahil sa nangyari.



Unknown's POV


"Kawawa ka naman Yumi. Ang tahi-tahimik mo. No doubt na may mag tataka kung bakit ka pinatay. Wala kang kaaway e." Sabi ko at ngumisi.


"Wala ka ngang kaaway, ngunit mayroon ka namang pinang-hahawakang sikreto."



Zophia's POV


"Ate, kamusta ang school mo?" Bungad saakin ng nakababatang kapatid kong si Zandra.


"O, Zophia bakit ang aga mo?" Sabi naman ni Mama na galing sa kusina.


Sasabihin ko ba?


'You better keep it a secret'


"Maaga lang po kami pina-uwi, Ma. School issue lang po." Palusot ko. Hindi naman na nag tanong si Mama.


"Zandra wala ka bang assignment?" Tanong ko sa kapatid ko.


"Wala ate." Sagot naman nya.



Binuksan naman ni Mama ang T.V at nandun na agad ang nangyari sa school.


"Isang bangkay nawawala. Napag alaman na ang batang iyon ay nagngangalang Ayumi Aloveros ang anak ng nag mamay-ari ng sikat na Airlines sa Pilipinas." Ani reporter.



Mayaman pala si Yumi.


"Anak." Napa lingon ako kay Mama ng tawagin nya ako.


"Alam ba nila?" Seryoso nyang tanong. Umiling ako.



Hindi na nila kailangang malaman.


___________________________________________________________________________



A/N: Follow Jinssstal my official account. And also check out my other stories there. :)

Class 3-H's Secret (Editing)Where stories live. Discover now