[13] Hide And Seek [EDITED]

876 25 0
                                    

ZOPHIA's POV


"Did I scare you?"


Agad akong napalingon sa nag salita.


"Walang 'ya ka Tristan! Tinakot mo 'ko!" Sigaw ko at umalis doon.


Rinig ko naman ang tawa nya. Bwisit. Ikaw ba naman takutin ng ganoon?


"Oy, sorry na." Sabi nya at tumatawa pa rin.



Wait! Tawa? Tumatawa? Aba, palakpakan, marunong na syang tumawa!


"Ba't naman sa bintana ka pa pumasok? Uso naman pinto." Sabi ko ng maalala ko yung kaluskos.


"Huh? Anong bintana? Sa pinto ako dumaan no!" Sabi nya.


"Kung hindi ikaw. Edi, sino yung kumaluskos sa bintana kanina?" Sabi ko.


Napatingin ako sa bintana. Unti unti kaming lumapit doon at...


"Meow.. meow.." Nag katinginana kami ni Tristan.


"Pusa lang nama pala eh." Sabi nya at umupo sa couch.


"Ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko.


"Napa daan lang ako, eh, naka salubong ko mama mo kanina. Sabi nya bantayan raw kita dahil mag isa ka lang." Sabi nya.


Walang tiwala ina ko sakin?


"So, dito ka tutulog, ganon?" Tanong ko sa kanya.


"Ganon na nga," sagot naman nya.


(Moment of SILENCE)


"So," panimula nya. "Sabi nga pala ni Victoria na---" naputol ang sinasabi nya ng tumunog ang cellphone ko.


Tiningnan ko ito at si Paula pala tumatawag.


"Hello, Paula?" Bungad ko. Ini-loud speak ko ito.


"ZOPHIA! TULONG! HINAHABOL NILA AKO!" Agad kaming nag katinginan ni Tristan.


"Nasan ka?!" Sabi ni Tristan.


"TRISTAN? NASA GUBAT AKO SA LIKOD NG BAHAY NAMIN!" Sabi nya.


Agad naming tinawagan sila Victoria. Hindi naman sinasagot nila Ash at Alexa pero pinabayaan namin. Nagkita kita kami sa labas ng bahay namin.


"Sino daw humahabol kay Paula?" Alalang tanong ni Drea.


"Wala syang nabanggit. Tanging sabi nya lamang ay nasa gubat sya sa likod ng bahay nila. May nakaka alam ba ng bahay ni Paula dito?" Tanong ko.


"Ako," sabi ni Spencer.


Hindi na kami nag sayang ng oras at pumunta na sa bahay nila Paula.


"PAULA?!" Hinanap namin si Paula sa gubat.


"AAAHH!" Irit ni Victoria kaya napa tingin kami sa kanya.


"May baril." Sabi ni Tristan.



Baril? Paula nasaan ka na ba?!


"PAULA!"


"PAULA!!!!!"


"PAU-- *BOOM* AHH!" Nakita nalang namin si Stacey na nakaupo at hawak hawak ang kanyang brasong may umaagos na dugo.


Agad namin syang nilapitan. Binaril. Binaril si Stacey.


Nakita namin na nag aapoy na sa galit ang mga mata ni Spencer at hahabulin na yung killer ng pigilan namin sya.


"Walang magagawa ang pag habol mo Spencer! Maigi pang dalhin nalang natin si Stacey sa hospital." Sabi ni Victoria.


"P-paano s-si P-Paula?"sabi ni Stacey.


"Kami ng mag hahanap kay Paula. Dalhin nyo na si Stacey sa hospital." Sabi ko.


Umalis na sila dahil marami ng nawawalang dugo kay Stacey. Lalo kaming nag-ingat. Nasa paligid lang sila.


"Huhuhu..." Napatingin ako kay Tristan ng makarinig ako ng hagulhol na mahina.


"Paula..." mahina kong sabi.


"Paula..." ulit ni Tristan.


"Paula!" Sigaw ko ng makita namin sya.


Duguan ang binti nya at braso. Halatang pinahirapan. Ang tanong, bakit pinatakbo pa nila si Paula? Para papuntahin nya kami rito? Para mapatay nya kaming lahat ng sabay sabay?


Planado..





VICTORIA's POV


"Mag-ingat ka Spencer. Baka may matapakan ka dyan." SABI ko habang nag lalakad kami palabas ng gubat.


"U-uhmmm..." Napatingin kami kay Stacey na umungol.


Kailangan na naming mag madali! Marami ng dugong nawawala sa kanya!


"Victoria..."


Napatigil kami sa pag lalakad ng may bumulong ng pangalan ko.


Tumingin kami sa paligid.


Walang tao.


"Spencer..."


Ayan nanaman.


Diretso lang sa pag lakad.


"Stacey..."


Lakad lang.


"Alendrea..."



"Takbo!"sigaw ni Spencer.


Sa bilis ng pangyayari, nakalabas kami ng gubat at nakarating sa Ali Hospital. Pare-parehas na kaming may tama ng baril.


Si Stacey sa braso, si Spencer sa tagiliran ako sa binti at si Drea sa likod.


Maya maya'y may dumating..


"Zophia!" Sigaw ko sa saya. Akala ko may nangyaring masama sakanila.


"Si Paula?" Tanong ni Spencer.


Umiwas ng tingin si Zophia samantalang si Tristan ay naka tingin ng seryoso saamin.


"Nasa E.R."




__________________________________

Class 3-H's Secret (Editing)Where stories live. Discover now