Chapter 3: Deja Vu [EDITED]

1.3K 42 0
                                    

Drea's POV


Nangyayari nanaman. Tanginang killer naman yan! Ano bang gusto nya saamin? At bakit section 3-H lang ang nakakaranas nito?


Shit lang.


Zophia's POV


Nag lalakad kami ngayon ni Drea papuntang canteen. 9:30 na kaya break time na. Nasa likuran naman namin sila Victoria.


Sa itsura nila, parang walang nangyari. Parang normal school day lang.


"Hi Ma'am Victoria!" Sigaw nung isang babae. Hindi naman ito pinansin ni Victoria.


Lumiko kami ni Drea. Napahinto kami ng sumigaw si Victoria.


"ANO BA?! HINDI KA NA NGA PINANSIN KANINA, NAG PAPAPANSIN KA PA! ALIS NGA!" Sigaw nya sa babaeng nasa harap nya. Yung nag 'Hi' sa kanya kanina.



"Ganyan talaga 'yan. Hindi lang yan ang ugali nyan." Bulong ni Drea at lumingon na uli sa pupuntahan namin.



Model Students. How Ironic. Nasa Model Section ang mga Model Students na mas malala pa sa hayop ang ugali.


No wonder sa 3-H ako napunta.


"ANO NANAMAN?!"rinig kong sigaw ni Ashtone pag ka pasok namin sa loob ng canteen.


"A-ano p-po. Kasi..."natatakot naman na sabi nung babae.



"ANO?!"iritang sabi ni Ash.



"Told 'ya." Sambit ni Drea sa tabi ko.




3rd person's POV


Sa isang liblib na lugar na matatagpuan sa loob ng campus, naroon ang isang magandang babae. Nakaupo sya sa damuhan at nag mumuni-muni.



"Mag isa ka nanaman." Ani ng biglang dumating na lalaki.


"Anong kailangan mo?"sabi ng dalaga na nakangisi.


A smirk was formed on the boys lips "Deja vu."



Zophia's POV


*RING RING*


"Drea tara na." Sambit ko kay Drea pero para syang walang narinig kaya hinila ko sya.



Hindi patinag kaya naman tiningnan ko ang tinitingnan nya at bigla akong napa bitaw sa kanya.



Nag simulang mag sigawan ang mga tao na malapit sa tinitingnan namin.


Bangkay.


Bangkay ng isa sa aming mga kaklase.



"Mas malala ito. Akala ko hindi na ulit 'to mang yayari." Biglang sambit ni Drea.


Anong mas malala? Anong hindi na ulit mangyayari? Anong nangyayari?


Nag tipon tipon naman kaming mag kakaklase sa isang gilid. Kakaunti lang kami. Ang iba kasi hindi lumabas ng room.


Naandito lang si Victoria, Spencer, Stacey, Alexa, Ashtone, Tristan, Ako at si Drea.


"Bakit inuulit pa ito? Akala ko ba tapos na?" Bulong ni Stacey sa kambal nya.


"Ako ba ang killer para malaman ko kung bakit? Tss. Malay 'ko. Pare parehas lang tayong walang alam, Stacey." Sambit naman ni Spencer.





"Shut up." Victoria hissed nang mapansing may papalapit saamin na pulis.





"Hi, Ako si Chief Cargo. Mag tatanong lang sana ako sa inyong mga kaklase nya," sambit nya. Muli akong napatingin sa bangkay.



Bangkay ni Yumi. Kilala ko sya kasi parati syang tinatawag ng mga teacher. Bookworm na tahimik. Bakit naman kaya sya pinatay?



"Ano po yun Chief?" Seryosong tanong ni Tristan.


"May kakaiba bang nangyari bago sya nakitang patay dito?" Tanong nito. Nag ka-tinginan kami.



Naalala ko yung sinabi ni Victoria kanina. Na subukan naming ikalat ang sikretong yun at hindi na kami sisikatan ng araw.


"Wala po." Sagot ni Victoria.



"May kilala ba kayong may galit sa batang yun na pwedeng gumawa nito sa kanya?" Tanong ulit ni Chief Cargo.



"Tahimik na estudyante po si Yumi. Kaya nga po sya kasama sa model section. I-isa lamang po ang kaibigan nya. Si Paula." Sambit naman ni Spencer.



Para ako ditong tanga na nakikinig lang sa kanila. Wala naman akong alam. Bago lang ako sa section na 'to.



"Pumasok ba ang Paula na iyon?" Tanong ni Chief. Tumango si Stacey.




——————


"Paula Trillos!" Sigaw ni Alexa ng makarating kami sa classroom kasama si Chief.



"Yes Miss VP?" Naka-ngiti nitong sabi.




Namatay na ang kaibigan naka ngiti pa.


"Gusto kang kausapin ni Chief Cargo tungkol kay Yumi." Sabi ni Drea.



Nawala naman ang ngiti nya. Wag mong sabihin na hindi nya pa alam na namatay ang kaibigan nya?



"Ano pong nangyari kay Yumi?" Halos lahat kami nagulat sa reaksyon nya.



"Hindi mo alam?"sabi ni Stacey.



"Alam nya Stacey. Kaya nga nag tanong e. Kasi alam nya." Sagot ni Spencer.



"Tumigil nga kayo." Saway ni Tristan.



"Patay na ang kaibigan mo, Paula." Sabi ni Victoria.



Unti unting nagtubig ang mata nya. Alam ko na ang feeling ng mawalan ng kaibigan. The difference is---- nevermind. Ayan ka nanaman Zophia.


"Patay na si Yumi." Dagdag pa ni Drea.



_______


Hi! Please follow Jinssstal my official and using account.

Thanks for reading!

Class 3-H's Secret (Editing)Where stories live. Discover now