[7] Je suis en vie [EDITED]

994 28 4
                                    

Zophia's POV


"Nurse Cha, kamusta po sya?" Tanong ni Spencer sa school nurse.


"Okay na sya. Buti at nadala nyo agad sya rito kung hindi, maraming dugo ang nawala sa kanya." Sagot naman ni nurse Cha.


Muli akong napa-tingin sa babaeng natutulog sa clinic bed. Si Paula. Nalala ko nanaman kanina yung lalaking nadaanan namin habang papunta kami sa rooftop. Nag mamadali sya. Hindi ko ito namukhaan dahil nakahood sya.


Kinuha ko ang bag ko sa may pinto at na pakunot ang noo ng may nakita akong sobre doon.


'Je suis en vie' ang nakasulat sa labas. Ewan ko ba kung bakit pero bigla akong kinabahan.


Binalik ko nalang muli ito sa bag at lumapit ulit kay Paula.


"Zophia, dala mo ba yung libro?" Biglang tanong ni Tristan.


"Oo." Ani ko at kinuha ito sa bag.


Nang makuha ko ito, binuklat namin ang kabilang pahina pag katapos ng class picture noong 1992.


"You can run. But you can't hide." Mahina kong basa sa taas ng pahina.



"Para naman itong ridle book. Daming kaek-ekan." Inis na sabi ni Alexa.


"Shut up." Spencer hissed.






"Mmmmm..." Napa tingin kami kay Paula na umungol.






PAULA's POV





"Mamamatay kakayo! Mamamatay kayo!" Sabi ng isang babaeng hindi ko maaninag ang mukha.



"Hindi kami mamamatay! Lalaban kami!" Sigaw ko. Papalapit naman sya nang papalapit.


Nang makalapit sya ang labo ng mukha nya. Nakita ko rin na may hawak syang kutsilyo.



"Goodbye, Paula." Naka ngiti nitong sambit at isasaksak na sa akin ang kutsilyong hawak niya—



"PAULA!!" Agad akong napa bangon nang may sumigaw ng pangalan ko.



Panaginip. Isang masamang panaginip. Iyon rin ang panaginip ko kagabi kaya ako balisa kanina at—



Napatingin ako sa tagiliran ko at nakita kong may benda na iyon. Inikot ko naman ang tingin ko at napag tanto ko na nasa clinic pala ako.



"Anong nang-yari kanina at mag papaka matay ka ha?" Sabi ni Alexa.



Bigla ko nanamang naalala.



--Flashback--


Lumabas na ako ng library dahil alam kong tatanungin lang nila ako ng tatanungin kung bakit ako balisa. Ayoko namang mag salita dahil baka mapatay nya ako— kami.



Napa hinto ako nang may nakita akong anino na sumusunod sa akin. Isina-walang bahala ko iyon dahil nasa school ako. Baka parehas lang kami ng pupuntahan.


Pero ng tumakbo ako tumakbo rin sya.



Hinahabol ka nga Paula!!


Nag tago ako sa ilalim ng hagdan pero sa kamalasan ay nahuli niya ako. Hinila nya ako paatas ng hagdan. Nag pumiglas ako ngunit sinaksak nya ako sa tagiliran kaya't hindi ko na nakayanang pumiglas.


Maya maya'y nalaman ko na nasa rooftop na kami. Ihahagis nya ba ako? Papatayin nya rin ba ako tulad ng ginawa nya sa bestfriend ko?



"Tatalon ka? O, Papatayin ko sila?" Sabi nya nang iwan nya ako sa may riles ng rooftop.



Tatalon ba ako? O papatayin nya sila?



Hindi. Ayoko ng may mamatay pang iba.

Huwag kang magpa-ikot sa mga sinasabi niya, Paula.


Ngunit.. paano kung nasa panganib na sila ngayon at ang tanging paraan upang maisalba sila ay ang tumalon ako?


Tumayo ako gamit ang natitirang lakas ko. Lumapit ako sa may gilid ng rooftop at tatalon na sana nang...



"Paula 'wag!" Hinila ako ni Zophia.



"Mali. Mali." Tanging nasambit ko. Mali na niligtas nila ako. Papatayin nya sila.


Bago ako nawalan ng malay nakita kong ngumisi sya. Walang hiya sya! Kasabwat pala sya!


--End Of Flashback--



Tiningnan ko muna sya bago sumagot.



"Bangag lang talaga siguro ako kanina kaya ganoon." Malamig kong sagot.



"O, tapos sinaksak mo ang sarili mo kasi bangag ka kanina, ganon?" Sarkastiko namang sabi ni Victoria.



Hindi na ako umimik. Ayokong magsalita sa harap nya walang hiya sya.


___________________________________________________

Thanks for reading C3HS.

Dedicated to: alexandyria Thanks for the follow!

Class 3-H's Secret (Editing)Where stories live. Discover now