Chapter 2

12K 186 0
                                    

Naabutan ni Leila ang mga kasamahan niyang nurse sa canteen na nag-uumpukan sa isang mesa at tila seryoso sa pakikinig sa babaeng napapagitnaan ng mga ito. Kilala niya ang babaeng iyon. Si Aling Ofelia. Nasa mid-thirties na ito at tagabantay ng isa sa mga pasyente sa floor nila. Madalas nilang makakwentuhan ang ginang. Tatlong linggo na kasi ang mga itong nakaconfine sa hospital at kahit na magaling na ang pasyente ng mga ito, hindi pa rin madischarge-discharge dahil kulang ang perang pambayad sa hospital.

"Talaga po? Eh may dapat po ba kong gawin para makatulong?" tanong ni Aya.

Oo. Sa kasamaang palad, nasa umpukan ding iyon ang kapatid niya at mukhang ito ang nakasalang dahil seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatitig kay Aling Ofelia. Kagagaling lang nito ng office ayon na rin sa suot nitong office uniform at dumaan lamang sa kanya dahil sa utos ng ina nila. Pupunta ang mga ito ng Zambales para sa final meeting ng kanilang grand reunion. Isa ang pamilya nila sa committee ng reunion at kailangang nandoon sila. Pero dahil nga hindi madali para sa kanya ang kumuha ng leave at magiging mahirap sa parte niya kung sasama pa siya, tanging si Aya, ang mama niya at ang Kuya Elmer niya ang pupunta ngayon. Babalik din agad ang mga ito bukas ng hapon.

Napailing siya. Alam niya na kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga ito. Nagpapahula na naman ang mga kasamahan niya kay Aling Ofelia. Nabanggit minsan ng huli na iyon ang pinagkakakitaan nito. Pero hindi tulad ng iba na nasa may quiapo at naghihintay ng customer, tanging mga kilala lang ni aling Ofelia ang hinuhulaan nito. At sa nakikita niya, mukhang willing na magpahula ang mga kasamahan niya.

"Malapit ng matapos ang break ah." singit niya sa mga ito bago pa man makasagot si Aling Ofelia. "Hindi pa ba kayo aakyat?"

Sabay-sabay na tiningnan siya ng lahat.

"Ate!" lumiwanag ang mukha ng kapatid niya nang makita siya. "Naabutan ko silang nagpapahula kaya nakisali na din ako. May kilala ka palang nanghuhula hindi mo man lang sinasabi."

Madalas sa hospital ang kapatid niya kaya kilala na rin ito ng mga kasamahan niya. Kaya hindi ito nangiming sumali sa umpukan.

"Tumigil ka nga diyan." Naniniwala ang kapatid niya sa mga hula-hula. Siya naman ay hindi pa sigurado kung maniniwala o hindi. Fifty-fifty yata. Gaya ng fifty-fifty din ang paniniwala niya sa pagitan ng "destiny" at "choice ng tao." O pwede ding depende sa sasabihin ng manghuhula sa kanya. Kung maganda, eh di maniwala. Kung hindi, isipin lamang na isa iyong kalokohan. "Oh, eto na ang hinihingi ni Tita Alice." Inabot niya sa kapatid ang isang supot ng tatlong bag ng dextrose na pawang may mga bawas na. Iyon ang mga tira ng mga discharged patient nila at hindi na inuuwi pa. Kadalasan ay hinihingi na lang nila iyon ng patago. Hindi iyon bawal pero hindi rin naman inirerekomenda ng hospital. Iyon ang dahilan kung bakit dumaan sa kanya ang kapatid. Nagpahabol kasi ng request ang Tita Alice niya. Humihingi ng dextrose na dadalhin sa Zambales para sa mga alagang orchids nito. Mainam daw kasi iyon para sa mga nasabing halaman.

"Ikaw Lei, ayaw mong magpahula?" tanong ng isa sa kanila.

She grinned. "Huwag na."

"Oo nga!" sabi ng isa pa. "Alam mo bang nagkatotoo yung isang hula ni Aling Ofelia kay Mildred?"

"O?" aniya sa tonong nagulat pero hindi naniniwala. Lumingon siya kay Mildred. Ilan naman ang hindi nagkatotoo sa mga iyon? ngali-ngaling idugtong niya. Hindi rin naman kaila sa kanila na hindi lahat ng hula ni Aling Ofelia ay nagkakatotoo. Tsamba-tsambahan lang kumbaga.

Sunud-sunod na tumango si Mildred. Ang lapad ng ngiti. "Ano na? Pahula ka na! May five minutes pa naman tayo."

"Oo nga naman, ate!" segunda naman ng kapatid niya.

The Right Mr. G (COMPLETED)Where stories live. Discover now