Chapter 4

9.8K 165 0
                                    

"Oh, eto na pala si Lei eh. Tamang-tama." Nakangising sabi ng Kuya Elmer niya nang makita siyang papasok ng bahay. Katatapos lang ng duty niya at ang mga ito kaagad ang naabutan niya sa sala. Tila may pinagkakaabalahan dahil na rin sa mga papel na nasa center table. Iyon na yata ang resulta ng pinagmeetingan ng mga ito sa Zambales.

"Si Mama?" hanap niya kaagad.

"Nasa taas. Nagpapahinga. Napagod sa byahe eh." Si Aya ang sumagot.

"Kadarating niyo lang ba?"

Tumango ang mga ito.

"Kumusta ang meeting?"

Dinampot ng Kuya niya ang isang papel at saka ibinigay sa kanya. "Ayan na ang assignment mo. Yung mga bibilhin mo, pwede mong bilhin na lang next week. Pero yung video—"

"Ba't ang dami naman ata?" reklamo niya.

Pinandilatan siya ni Aya. "Ano bang madami? Mahaba lang yan dahil ayan ang bibilhin mo para sa games natin. Ang madugo lang naman dyan ay yung video presentation."

"Teka teka..." palag niya. "Pati video presentation, sakin?" turo niya sa sarili. Ang pamilya nila ang nakatoka sa games at video presentation.

"Natural no!" si Aya. Ngumisi naman sa kanya ang kuya niya. Iyong tipong wala siyang choice kundi ang pumayag na lang. "Mauuna kaya kami sa Zambales next week. Tutulong pa kami doon at ikaw naman ay gabi na darating. Hindi ka na mapapagod kaya wala kang choice kundi tanggapin yan."

Naningkit ang mga mata niya. Lumapad naman ang ngisi ng kuya niya habang si Aya ay nagpupumilit na maging seryoso ang mukha. Ginugulangan siya ng dalawa. Alam niya dahil iyon talaga ang gawain nilang tatlo sa isa't isa. "Una-unahan at utakan lang yan." Iyon ang katuwaang motto nilang tatlo. Para silang mga baliw sa totoo lang. Sa hinaba-haba ng argumento nila, sa huli ay hinahayaan pa din nilang gulangan nila ang isa't isa.

Tulad na lang ngayon. Kahit anong reklamo niya, alam niyang susundin niya rin ang mga ito sa huli. After all, may punto naman talaga ang dalawa. Siya itong wala pang ginagawa para sa reunion, nakatatlong balik na ang dalawa ng Zambales at sa darating na reunion ay mauuna ang mga ito para tumulong sa paghahanda ng pagkain at bahay sa Zambales. Bagama't kumuha pa din sila ng caterer sa kaibigan ng Tita Alice niya, ang mga pagkain naman niyon ay sa kanila manggagaling. Request iyon mismo ng grandparents nila dahil na rin sa halos lahat ng Tito't Tita niya ang magaling magluluto. Isa pa, paraan na din daw iyon para magbonding-bonding ang pamilya nila. Alam niyang madugo ang gawaing iyon kaya siguro nga ay dapat lang na siya ang gumawa ng mga nasa listahan.

"Isang bilihan lang naman yan sa Divisoria. At ikaw ang creative sa ating tatlo kaya sayo na namin ipinagkakatiwala yan. Alam naming kayang-kaya mo na yan." singit ng Kuya niya. Itinaas-baba nito ang dalawang kilay.

"Nambola ka pa. Ang sabihin mo, tamad lang talaga kayo!"

Tuluyan ng tumawa ng malakas ang dalawa.

Nagdabog siya. Hindi alintana na naka-nurse uniform pa siya. "Kainis naman kayo eh. Hindi ako marunong gumawa ng video!" tumaas na ang boses niya. Kasalanan niya ba kung sa kanilang tatlo ay siya itong komplikado ang trabaho?

"Problema ba yun? Anong ginagawa ng Mr. G mo?"

Nanindig ang balahibo niya sa batok nang banggitin ng kapatid ang "Mr. G" niya. "Si Glenn?"

"Siyempre!" sagot nito. "Sino pa bang pwedeng maging Mr. G mo? si Gerry?"

"Ano ba yang Mr G-Mr G na yan at kayo lang nakakaintindi." Ang kuya niya. Malapit ng mayamot dahil hindi nakakasakay sa usapan nilang magkapatid.

The Right Mr. G (COMPLETED)Where stories live. Discover now