Chapter 7

8K 134 0
                                    

Papadilim na nang makarating ng Zambales sina Leila at Gerry. Naabutan nilang abala ang lahat sa pag-aayos ng venue sa labas ng ancestral house nila. Halos lahat ng kamag-anak niya ay naroon na at nagtutulung-tulong maliban na lang sa ibang nasa ibang bansa na bukas pa ang dating. Nasa isang sulok ang mga Tito niya at nagtatawanan habang itinatayo ang tent. Ang mga Tita niya naman ay nasa isang tabi at inaayos ang mga bulaklak. Namataan niya si Aya sa ginagawang stage kasama ang iba niya pang pinsan na siyang nakatoka sa pag-aayos niyon. Ang mga bulilit naman ay nasa paligid lang at naghahabulan. Anupa't isang masayang pamilya ang makikita sa buong paligid. Iyon ang isa sa mga magagandang bagay na ipinagmamalaki ni Leila sa angkan nila. Hindi uso sa kanila ang pagiging maramot. Lahat ay tulung-tulong kaya naman madami ang naiinggit sa tuwing nagtitipun-tipon sila.

"Wow!" laglag-pangang bulalas ni Gerry habang nililibot ng tanaw ang buong paligid.

"I know." iyon lang ang tangi niyang nasagot sa binata dahil maging siya ay parang gusto ding malaglag ang panga sa nakikitang bayanihan sa paligid.

"Ate Lei!" si Aya ang unang nakakita sa kanya. "Ma! Andito na si ate!" sigaw nito. Noon niya lang nakita ang ina niya na nasa umpukan din pala ng mga Tita niya. Nagkandahaba ang leeg nito sa paghahanap sa kanya.

"Anak!" nakangiting sigaw nito at saka sila pinapalapit doon.

"Doon tayo." yaya niya sa binata. Sumunod naman ito sa kanya at umagapay sa paglalakad niya.

Ang paglalakad papunta sa mga kamag-anak niya ay napakadaling bagay lamang. Ang hindi madali ay iyong mataman siyang tinitingnan ng mga Tita niya na para bang nasa isang miscrocope sila ni Gerry at inoobserbahan. Hindi tuloy siya makapaglakad ng maayos at makatingin sa mga ito ng diretso.

"Bakit kaya sila nakatingin satin?" bulong sa kanya ng binata sa may punong-tenga niya. Nagsitayuan lahat ng balahibo niya sa batok dahil sa ginawa nito.

"H-Hindi ko rin alam eh. B-Baka hindi ka nila nakilala." Nakuha niya pang isagot dito sa kabila ng pagtahip ng dibdib niya.

"Sa gwapo kong 'to?"

Kahit papano ay nakabawas sa ilang niya ang pagbibirong iyon ng binata. Nang makarating sa mga Tita niya ay kaagad siyang nagmano at humalik siya sa pisngi ng ina. Isa-isa niya ring hinalikan sa pisngi ang mga Tita niya. Ramdam niyang patuloy pa rin ang kakaibang tingin ng mga ito kay Gerry.

"Kumusta ang byahe?" anang Mama niya.

"Okay lang naman po."

"Kumain na ba kayo?"

Tumango siya. Kumain na sila sa isang carenderia'ng nadaanan nila papunta dito.

"Good evening po." Magalang na bati ng binata sa lahat matapos itong makapagmano sa Mama niya. He flashed his usual charming smile.

"Hindi mo naman sinasabi Cora na dadalhin niyo pala ang future manugang ni Leila." hindi nakatiis na tanong ng isa sa mga Tita niya.

Natawa ang ina niya. "Naku, kung sana nga ay mamanugangin ko ang batang iyan. Laking tuwa ko lang pag nagkataon."

"Tita naman, si Gerry po yan. Iyong kaibigan ni Aya." paalala niya sa mga ito.

Hindi makapaniwalang sinuri ng maigi ng mga Tita niya ang binata.

"Ikaw ba iyong binatang nasa hospital lagi noon?" ang Tita Alice niya.

Nakangiting tumango si Gerry. "Ako na nga po iyon."

The Right Mr. G (COMPLETED)Where stories live. Discover now