Chapter 9

8.1K 143 3
                                    

Nang mga sumunod na araw ay hindi lang si Gerry ang iniiwasan ni Leila kundi maging sa kapatid niyang si Aya. Kulang na lang ay tumira siya ng hospital sa palagiang pag-oovertime. Gusto niyang pagod na pagod na siya pagdating ng bahay nang sa ganun ay hindi na magkaroon ng pagkakataon pa ang kapatid na lapitan siya. Nararamdaman kasi niyang alam na nito ang tungkol sa nangyari sa kanila sa party at gusto siyang kausapin. Pero hindi niya pa kayang pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Gerry. Nahihiya siya sa kapatid. Dahil kahit hindi niya man sinagot ang binata, isipin niya pa lang na minamahal niya ng lihim ang lalaking mahal nito ay sapat na para makaramdam siya ng guilt.

Oo. Iyon ang isang bagay na pilit niyang itinatanggi noon na ngayon ay inaamin niya na. Mahal niya noon pa man ang binata. Pero alam niyang hindi tama dahil bukod sa isang estudyante pa lang ito noon, mas bata ito at sa kanya at mahal ito ng kapatid niya. Si Aya ang mas karapat-dapat sa lalaki. Kaya lagi na lang ay may reservations sa panig niya sa tuwing lumalapit siya sa binata. Dahil nag-iingat siyang huwag lumagpas sa invisible line na nilagay niya sa pagitan nila ng binata. Pinili niyang ibaling ang atensiyon kay Frank. Sa pagbabakasakaling mailipat niya sa binata ang nararamdaman para kay Gerry. Ang buong akala niya ay nagtagumpay siya. Pero isang titig lang pala mula sa binata ang kailangan para muling mabuhay ang lahat ng kinimkim niyang damdamin para dito.

And then things got even out of hand when she looked him in the eye and saw something similar to her. Mas lalo niya itong iniwasan para sa kapakanan ng kapatid niya. Akala niya ay magtatagumpay siya ulit na kalimutan at iwasan iyon pero nahirapan na siya sa pagkakataong ito. It's true that she liked Glenn. Pero hindi sapat ang paghanga niya dito para palitan si Gerry sa puso niya. Siguro ay dahil sa hindi niya na kaya pang itago ang ilang taon niya ng kinikimkim na nararamdaman. Tama nga ang kuya niya. Kahit gaano pa katahimik ang isang utot, mangangamoy at mangangamoy pa rin iyon. Ganun pala iyon ano? Kapag lalo mong pinipigilan ang sarili, mas lalo mo lang pinapalapit ang damdamin mo sa bagay na pilit mong iniiwasan. At ganoon nga ang nangyari sa kanya.

She was trying her best to continue her usual life. Pumapasok pa rin siya sa hospital. Hindi na nga lang siya palaging natutulog dahil madalas ay mas gusto pa ng mata niya ang umiyak kesa ang pumikit. Pumipikit lang naman siya kapag pumapasok ang pamilya niya sa kwarto niya para silipin siya. Katulad na lang ngayon.

Nagmamadaling pinahid niya ang basang mukha ng kumot at saka dali-daling pumikit nang marinig niya ang mahihinang katok sa pintuan. Kasunod niyon ay ang dahan-dahang pagbukas at marahang paglapit ng kung sinuman sa kanya. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa bandang tiyan niya.

"Alam kong gising ka pa, ate." Si Aya.

Hindi pa rin siya tuminag.

"Hindi mo pa napupunasan ng maayos ang luha mo oh." Pinahid nito ang kanang pisngi niya. Pagkatapos ay pumalatak ito. "Kahit kailan talaga hindi ka magaling na artista."

Wala na siyang nagawa kundi ang imulat ang mga mata. Sa tulong ng maliwanag na buwan na sumisilip sa bintana niya, nakita niya ang nakangiting mukha ng kapatid niya. May lungkot sa mga mata nito habang nakatanghod sa kanya. At alam niyang siya ang dahilan ng mga iyon. Hindi niya man tinugon ang pag-ibig ni Gerry, nakakakonsensiya pa ding isipin na dahil sa kanya ay nasasaktan ngayon ang kapatid niya.

"M-May problema ka ba?" kahit nakokonsensiya ay nag-aalala pa din siya sa kapatid.

Pero sa halip na umiyak tulad niya ay pagak lang itong tumawa. "Ako pa ngayon ang tinatanong mo ng ganyan eh ikaw 'tong naabutan kong umiiyak?"

Napipilan siya.

"Usog ka nga dun." May halong lambing na utos nito. Umusog naman siya ng kaunti para makahiga ang dalaga sa tabi niya. Gawain talaga iyon ng dalaga sa kwarto niya. Lalo na kapag naglalambing ito at gustong makipagbonding sa knya. Tumagilid ito, ginawang unan ang isang siko at humarap sa kanya. "Wala ka bang ikukwento sakin?"

The Right Mr. G (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz