Chapter 5

8.5K 139 1
                                    

Hapon na nang matapos sa pamimili sina Leila, Glenn at Gerry. Napagod siya. Hindi dahil sa paglalakad at pakikipaggitgitan sa mga tao sa paligid kundi sa stress ng dalawang lalaking kasama niya. Animo may silent competition na nangyayari sa pagitan ng dalawa. Lalo na si Gerry na nag-astang bata. Sukat ba namang inaagawan agad si Glenn ng trabaho? Tulad na lang kanina. Gustong bayaran ni Glenn ang binili nila. Umayaw siya at pinigilan ang paghugot nito ng pera sa wallet nito. Abala siya sa pagpipigil sa kamay ni Glenn kaya naman hindi niya napansin na binayaran na pala ni Gerry ang pinamili nila. Pinagalitan pa siya nito dahil nagpapacute daw siya kay Glenn habang pinipigilan ito. Na sa tingin niya ay pawang kasinungalingan lang.

"Do you wanna eat first before going home?" tanong ni Glenn habang nilalagay nila sa compartment ang lahat ng pinamili nila.

"Huwag na. May pagkain naman panigurado sa bahay." Naunahan na siya ni Gerry na sumagot.

Hindi naman nakapagkomento pa si Glenn. Maging siya ay hindi rin alam kung ano ang isasagot. Nahihiya siyang tumanggi kay Glenn sa lahat ng ginawa nito para sa kanya. Pero iniisip niya din si Gerry. Kasama kaya ito sa imbitasyon ni Glenn. Malamang. Pero hindi niya kayang espelengin si Gerry dahil kaagad itong tumanggi.

"Kukunin ko lang ang motor ko." Paalam nito sa kanila.

"I think he's jealous." Kaagad ay sabi ni Glenn nang makaalis si Gerry.

Mabilis na binalingan niya ang binata. "Jealous? Bakit naman siya magseselos?"

"Because he likes you."

Natawa siya. "Malabong mangyari yun. Diba nga, sila dati ni Aya?"

"Naisip ko din yan dati. But then considering all his actions today..." pinili nitong huwag ng ituloy ang sasabihin.

"Pero—"

"Maaaring mahal pa ni Aya si Gerry. Pero mukhang hindi na ganoon si Gerry sa kanya. And if there's one reason that's stopping him from telling you this, that would probably your sister."

Hindi siya nakakibo. Pilit niyang iniintindi lahat ng sinasabi ng binata.

Bakit ba inaalala mo? Hindi mo naman siya sasagutin sakali mang manligaw siya diba? Ex siya ng kapatid mo. Not to mention na mas matanda ka ng dalawang taon sa kanya. Anang isang parte ng isip niya.

"Bakit mo sinasabi ang lahat ng yan sakin?"

Humarap ito sa kanya at mataman siyang tinitigan. "Lalaki din ako Lei. So I should know." Masuyo siya nitong nginitian. "Gusto kita. At hindi nakakapagtaka kung bakit gusto ka din niya. Actually, mas nakakaawa nga siya. He can't really tell you what he feels unlike me."

"Glenn—"

"Lei..." naputol ang gusto niya pa sanang sabihin nang dumating ang ngayon ay nakamotor ng si Gerry. "Sakay ka na dito."

Hindi siya agad nakasagot. Okupado pa ang isip niya sa lahat ng isiniwalat ni Glenn. Totoo nga kayang may gusto sa kanya si Gerry? Kaya ba mas pinili nitong samahan siya ngayon at iwan ang kapatid niya? At papano na ang kapatid niya na hanggang ngayon ay mahal pa din ang binata?

"I think mas magiging komportable siya kung sa kotse ko sasakay, p're." si Glenn. Hindi nanahimik.

"Sayo na siya sumakay kanina diba?" ayun na naman ang salubong na kilay ni Gerry.

Nagsalubong din ang kilay niya dahil sa sagot nito. "Kailangan bang kwentahin kung ilang beses akong sumakay sayo at sa kotse ni Glenn?"

Hindi sa gusto niyang sumakay sa motor nito. Wala siyang problema doon at hindi siya namimili ng sasakyan. Kaya lang, kailangan bang ngayon pa makipagkompetensiya si Gerry sa binata kung kelan abala ang isip niya sa pag-aanalisa? Sa bagay na iyon siya napipikon. Kung alam lang nito ang ginawa ni Glenn para dito, baka pinasalamatan pa nito ang binata.

The Right Mr. G (COMPLETED)Where stories live. Discover now