Chapter 1

275 6 0
                                    

GALIT NA GALIT SI HARING ARAW, sunog na ang balikat ni Fatima. "Kadami naman kasing dahon ng lecheng puno na to!" singhal nya sa Fire Tree. Maganda sana ang puno. Parang umaapoy lalo na kapag sumibol ang mga mumunting bulaklak na kulay orange. Kaso, impyerno naman ang paglilinis!

Sa tuwing sasapit ang panahon ng Amihan, bonggang bongga sa kulay ang Isla de Bulugan. Ang islang makapangyarihan para sa mga mahilig mag-yari-an. "Shet naman, ang bastos ng islang to!"

Walang magawa si Fatima kundi kausapin ang sarili. Dahil literal na bartolina ang peg nya sa isla. Kundi ba naman talagang kahayup-hayupan ang amo nyang balyena, este si Vanessa pala, sukat ba namang itinapon sya nito sa islang ang kasama lang ay mga biik, inahin at baboy na mahilig magkalat ng lahi!

At least, sagana sya sa bacon! At young pork!

May lalaking katiwala naman sya dating kasama sa Isla, pero nung minsang mag-date sa kabilang dulo ng isla kasama ang jowa nitong manang, nagkamabutihan! Isang date lang, iniuwi na agad si Manong at doon na sa balur ni Manang tumira. Akalain mo ba naman kasing makakabuo pa si Manong at si Manang, eh pareho nang lagpas kwarenta! Ay talaga nga atang makapangyarihan ang Isla de Bulugan.

Ang sabi pa ni Manang, parang nahipnotismo daw sya nung matitigan ang mahiwagang baboy. Parang hinihikayat sya na magpalahi sa kasamang lalaki.

"If I know, tigang lang si Manang. Nagkataon na fertile, menopause baby ang kinalabasan!"

Kaya ayun, lingguhan na lang kung bumisita ang katiwala. Pumupunta ito sa isla, kasama ang pamangkin at nanghuhuli ng ilang baboy na kakatayin. Ang ilang kilo ay maiiwan sa kanya para supply sa mansyon ng balyena, at ang karamihan ay dadalhin sa Anilao para ibagsak sa palengke. Kumikitang kabuhayan! Unlimited pa ang supply ng baboy sa isla, dahil kung hindi rin naman nila babawasan ang mga hayop ay mapupuno ang isla.

Noong una ay naggawa pa sila ng ulbo -- pigpens -- para sana kulungan ng mga baboy. Pero namayat ang mga inahin, kakaunti ang inaanak na biik at nangamamatay pa. Kaya ang ulbo ay naging pakainan na lang. Basta sila nag-iiwan ng feeds at kusa nang nanginginain ang mga future tocino at bacon-to-be.

Dati ay walang nangangahas na gumalaw sa mga pagala-galang baboy at biik sa isla. Pero simula nang mabili ito ni Vanessa, naisip nitong kontrolin ang populasyon ng mga baboy sa isla. "They will populate the island! The island will smell awful!" sabi pa nito dati.

Sang-ayon din naman sya. Eh sino ba naman sya para magreklamo sa bottomless liempo?! At isa pa, ayaw niyang magpaka-farmer sa isla. Kaso di naman nya kakayaning mamili sa palengke araw-araw. Alangan namang magsagwan sya papunta sa kabilang isla?! Kaya mabuti nang may pork chop at baby back ribs syang supply linggo-linggo.

Boring lang talaga. Kahit pala nasa paraiso ka na, kung solo mo naman, wala ring ganda.

"Better bored, than dead." Kinilabutan si Fatima sa naalalang salita ni Vanessa.

Kinuha ng dalaga ang cellphone at nagpipindot doon. Mabuti na lang at kabisado nya ang mga pwesto kung saan malakas ang signal.

"Makapag-Everwing na nga lang!"

Busy na ang utak nya kakaiwas sa mga paniki at kakasalo sa mga coins nang may narinig syang bangka na paparating.

Hindi schedule ni Manong ng pagbisita, at sigurado syang sa Isla de Bulugan papalapit ang bangka kaya naman naintriga si Fatima. Wala ring sinabi ang balyena nyang amo na darating ito, o may bisita itong papunta, kaya curious na talaga sya kung sino ang dayo. Baka naman mga deboto ni Sta. Clara na hindi magka-anak at nagsawa nang mag-alay ng itlog at sumayaw sa Ubando, kaya doon na dumayo.

Dahil malapit lang ang pwesto nya sa dalampasigan ay pasimple nyang sinilip ang bangkang paparating.

Da who?!

CROOKS-TO-GO Book 2Antonio: The Deceitful CrookWhere stories live. Discover now