Chapter 4

144 4 0
                                    

            

TATAHIP-TAHIP ANG DIBDIB NIYA SA MALIIT NA APARADOR. Taguan na naman! Hindi siya kumikilos, tiis sa nararamdamang mga gumagapang sa kanyang paanan. Pigil na pigil niya ang kaniyang paghinga, kung maaaring itigil niya maging ang lagabog ng dibdib niya ay gagawin niya.

Parang sasabog ang puso niya sa kaba. Tigib ng mga katanungan ang isipan niya, nalilito, nahihilo kung paanong umabot na naman siya sa ganitong sitwasyon.

"Paano niya ako nahanap?" bulong niya sa kanyang sarili. Lahat ng klase ng pag-iingat ay ginawa niya. Hindi siya nagkulang sa pagkukubli. Anong nangyari?

Tanging ang mga siwang sa pinto ng aparador ang nagsilbing liwanag niya. Doon niya ibinatay kung may papalapit na mga yabag. Abot-abot ang dasal niya na sana ay hindi siya matunton ng Demonyo!

May bumalong na anino sa paanan ng aparador. Tinakpan niya ang kanyang mga bibig. Ang mga luha sanhi ng takot ay basta na lamang bumabalong sa kanyang mga mata. Nakabibingi ang bawat patak ng luha! Pakiramdam niya ay mararamdaman ito ng Demonyo!

Umingit ang sahig, nakatayo lang sa harap ng aparador ang Demonyo. Napuno ng takot at pagkagimbal ang kanyang mga mata. Ilang pulgada na lang ang layo nito sa kanya! Kapag naisipan nitong buksan ang pinto ng aparador ay wala na siyang magagawa!

"Tsk tsk tsk! Taguan na naman! Tang ina talaga! Kahit saan ka pa sumuot hahanapin kita! Tingin mo ba makakatakas ka sa kin?! Pinapahirapan mo ko!"

Bawat langitngit ng sahig ay nagdudulot ng di masukat na sindak sa buong pagkatao niya. "Diyos ko, wag po Kayong pumayag na mahanap niya ako!" taimtim na dalangin niya. Sa isip niya, sa puso niya, nagtatanong siya kung kakayanin ba ng Diyos na mangyari ang ganitong sitwasyon sa isang taong katulad niya.

"Baka nga. Baka nga walang Diyos. Kasi kung totoo siya, hinding hindi siya makakapayag na mangyari ito sa anak niya. Anak mo ko! Bakit mo hinahayaan na mangyari to?! Parang awa niyo na!"

Walang tigil ang pagtangis ng kaluluwa niya. Umiiyak, nagmamaka-awa, naninikluhod, nagsusumamo. Sana huwag siyang makita ng Demonyo!

"Boss! May nakakita daw sa kanya kanina, maagang umalis, nagmamadali pa! Isang bag lang daw ang dala! Baka may nakapag-timbre na nahanap mo na sya kaya tumakas na!"

Isang tinig ito na hindi niya kilala. "Maniwala ka sa kanya!" impit na hiling niya. "Wala na ko dito! Umalis ka na!" Kung may Diyos na nakikinig sa kanya, siguradong maririnig nito ang bawat samo niya.

"Puking ina, natunugan na naman tayo! Nakatakas na naman!" Nahimigan niya ang panghihinayang nito. Wari niya'y sawa na rin ito sa paghabol sa kanya.

Sana nga! Sana nga!

Muling lumangitngit ang sahig. Nagmamadali ang mga yabag na umalis ang kausap ng Demonyo. Ipinapanalangin niya na sana ay sumunod na ang kampon ng dilim at iwan na siya. Pero bigla itong humarap sa aparador.

"Huli ka!!!!" Binuksan nito ang aparador, at napunit ang katahimikan sa lakas ng tili niya!





THEIR PLAN DIDN'T WORK. Bwisit na bwisit si Antonio sa kinalabasan ng raket nila sa isla. Kasalanan din naman niya, he lost focus. Damn that hot midget who calls herself Chay! Naturingang achay, kung makaasta eh daig pa ang amo. Kahit self-deprecating ang asta nito, halata namang hindi ito talagang katulong.

Her snooping isn't because she's loyal to Vanessa, her boss. Talagang intrimitida lang ang babae, misyon ata sa buhay ang makialam at makisawsaw sa lahat ng kaganapan sa mundo. And yet, she's fucking sexy as hell!

CROOKS-TO-GO Book 2Antonio: The Deceitful CrookWhere stories live. Discover now