Chapter 9

149 8 13
                                    

Madilim pa ay nagising na ang musmos. Ni hindi pa sumisinag ang araw sa munting bintana nila. Kinapa niya sa kanyang tabi ang Anghel, at napabalikwas nang maramdamang wala ito sa kinahihigaan.

"Good morning? Nasaan kaya ang Anghel? Ah.. baka gusto niyang makipaglaro ng tagu-taguan!" Pupungas-pungas na anas ng musmos.

Madalas silang maglaro ng Anghel sa mailt na pwesto nilang iyon sa silong ng bahay ng Demonyo. Kung minsan ay habulan, yun nga lang napakahirap makipaghabulan sa maliit na lugar. Kaya madalas ay tagu-taguan dahil magaling siyang sumoksok sa kahit saang sulok, lalo na kapag naririnig na niya ang yabag ng mga paa ng Demonyo kapag pababa na ito sa silong.

Tumayo siya sa banig na higaan, tiniklop nang maayos ang manipis na kumot at banig, at pinagpatong ang mga ito kasama ang manipis ding unan. At saka patiyad na naglakad at dahan-dahang pinagana ang malilinaw na mata sa may kadiliman pang lugar.

"Saan kaya nagtatago ang Anghel?" Hmmm... Dito kaya? Wala. Eh dito? Wala din. "Aba, ginagalingan mo ah." Hindi man lang umabot sa limang minuto ang kanyang "paghahanap" ay nasiguro na niyang wala ang Anghel. Nagtataka man ang murang kaisipan ay sinubukan pa rin niyang hanapin ang inaakalang nakikipaglaro sa kanya. Nagbabaka-sakali na may lihim pang maitatago ang kapirasong paraiso nila ng Anghel. Pero nabigo ang musmos.

Wala na ang Anghel.

"Sinundo ka na ba ni Papa Jesus, Anghel?" Laging ikinukwento ng Anghel sa kanya ang tungkol kay Papa Jesus. Balang araw ay sasagipin Niya tayo sa Demonyo, at makakalaya tayo sa impyernong ito. Iyon ang laging sinasabi sa kanya ng Anghel sa tuwing matutulog sila.

Madalas, parang ayaw na niyang maniwala na sasagipin talaga sila ni Papa Jesus kasi parang niloloko lang siya ng Anghel. Naririnig kasi niya itong umiiyak kapag akala nito ay tulog na siya. Kung may Diyos, kung totoong may Diyos, paano mo natitiis na mangyari ito sa amin ng anak ko? Hindi mo ba kami mahal? Ilang beses nitong nasabi iyon habang tumatangis na nakayakap sa kanya.

"Pero sinagip na Niya ang Anghel ngayon! Totong may Papa Jesus! Kaso bakit hindi ako kasama? Bakit iniwan ako ng Anghel?" inosenteng tanong na wala na atang kasagutan.

Napaluha na lang ang musmos sa sulok na kanyang kinauupuan. Para pahirin ito nang mabilis nang marinig na may nagbukas ng pinto papunta sa silong.

Ang Anghel? Bumalik nga ba ang Anghel?

Unti-unting sumilay ang dalawang pares ng sapatos na pababa sa hagdan. Ang Demonyo! Lalo niyang isiniksik ang kanyang sarili sa sulok. Baka saktan na naman ako ng Demonyo! Hindi niya namalayan na kusang tumakip ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib, na animo'y kakayanin ng mga ito na sanggahan ang kung anumang pananakit na siguradong tatama na naman sa kanya.

May kasama ang Demonyo. Isang... babae? Nakabestida ito ng asul, kulot ang mahabang buhok, malumanay ang mukha, at nakatingin sa kanya na wari mo'y puno ng gulat, awa at pagkamangha.

"Kamusta ka?" wika ng babae. Iniabot nito ang mga kamay sa kanya, at iginiya siya para tumayo.

"Wow, astig sa pag-arte ah! Feel na feel mo talaga yang bago mong role? King ina!" singhal ng Demonyo. Hinaklit nito ang kanyang braso, at ihinarap siya sa babae. "Oh, bago mong nanay. Si Lita!"

Kung anong higpit ng pagkakahawak nito sa munti niyang braso, ay siya namang banayad ng paghaplos sa kanya ni Lita. Nahihintakutan man ay lumakas ang loob niyang magtanong.

"Nasaan ang Anghel?"

"Anghel? Bwakang inang yan, anghel pa daw. Ayan si Lita! Anghel din yan! Idol nyan si Angel Aquino." At humagikhik na naman ito na parang kinikiliti ng sanlaksang demonyo. Bago biglang nanlisik ang mga mata at inilapit ang mukha sa kanya. Isang hataw sa mukha. Dalawa. Tatlo. Apat. "Ikaw ang demonyong bata ka!" At isang hataw pa. "Akalain mo yun..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CROOKS-TO-GO Book 2Antonio: The Deceitful CrookWhere stories live. Discover now