Chapter 3

182 6 2
                                    




NASA ISANG SULOK SA KWARTO ANG MUSMOS, nakamasid lamang sa nagaganap sa paligid. Puno ang kwarto ng nakakahilong amoy. Nagsasaya ang Demonyong walang mukha at ang kanyang mga kapwa demonyo. Malakas ang dagundong ng maingay na musika, walang maintindihan ang musmos sa mga liriko.

Sa dakong gilid ng kwarto ay paisa-isa o padala-dalawang nag-uumpukan ang mga demonyo, nagsisindi ng mga palarang gumugulong, gumigiyang, at nagdudulot sa mga ito ng di maipaliwanag na kaligayahan. Nagsisigawan, nagtatawanan, naghihiyawan.

"Lilipad na koooo!!!" sigaw ng Demonyo. Nanlilisik na naman ang pulang mga mata nito.

Di kalayuan sa kanila ay nakayukyok sa sahig ang Anghel. Tulala, di kumikilos, blangko ang mga mata. Punit punit din ang kulay puti nitong kasuotan. Anong ginawa nila sa Anghel?!

Lumapit dito ang kasamahan ng Demonyo. Malaking demonyo ito, may mga marka sa braso at sa likod. Biniyabit ng demonyo ang Anghel, isinukbit ang mga binti nito sa kanyang balikat at saka umindayog. Nakita kong impit na umiigik ang Anghel, ngunit ni hindi nanlalaban, hindi nagpoprotesta. Ano kayang ginagawa niya sa Anghel?

"Tol ako naman!" sambit ng isa pang demonyo.

"Sandali tol malapit na koooo! Aaahhh!" Paanas na sigaw ng malaking demonyo.

Tumatawang tumayo ito mula sa pagkakaluhod, basta na lang binitawan ang Anghel. "It's your turn to shine! Madulas na yan!" sabi nito sa demonyong lumapit.

Hinaklit ng pangalawang demonyo ang Anghel at idinapa naman ito. Saka ito kumubabaw sa Anghel na nakadipa pa ang mga braso sa sahig. Nangunyapit ang demonyo sa mga balikat ng Anghel, at umindayog na parang hinete. Pabalang, walang habas, sakyod na sakyod ang bawat unday nito na animo'y tinatarakan ng patalim ang Anghel.

Maya-maya pa ay napahiyaw ito na para bang sarap na sarap sa pagpapahirap sa napakabait na Anghel. Tirik ang nag-aapoy na mga mata, pabagsak itong dumagan sa Anghel at saka humagikhik na parang sinasapian ng mga maligno. Ng mga kapwa demonyo.

Nagpalit-palit sa pakikipaglaro ang mga demonyo sa Anghel. Iba-ibang laro ang kanilang ginawa, parang ang Anghel palagi ang taya.

Nang napansin nilang hindi nakikipaglaro ang Anghel ay binigwasan ito ng Demonyo. "Tangina para kong tumitira ng bangkay ah! Gising!" Pinagsasampal nito ang maamong mukha ng Anghel ngunit wala talaga itong reaksyon. Animo'y lutang ito na basta lamang nakatitig sa kawalan. "High na high ah! Sarap ba?!" pang-uuyam nito.

"Tol, nakatikim ka na ba ng bata? Ayun oh!" Turo ng isang demonyo sa kanya.

"Gago baka mamatay yan!" sabi ng Demonyo ngunit nakangisi ang bunganga nitong puno ng matatalim na pangil.

"Mabilis lang! Bitin pa ko eh!" sagot dito ng demonyo na palapit na sa kanya.

"Tarantado ka talaga! Maliit pa yan! Baka himatayin!" anas nito, humahalakhak sa birong ito lang ang nakakaintindi. "Saka na yan, pag medyo malaki na! Pagtiyagaan mo muna to!" Itinuro ng Demonyo ang Anghel. "Pahithitin mo na lang muna yan!"

Inabutan sya ng palara. Pinagulong gulong ito. Lumipad na ang kamalayan ng musmos. Sa lugar kung saan hindi sya nakakaramdam ng hapdi at sakit. Sa langit.








MATAPOS ANG UNEVENTFUL BREAKFAST SCENARIO ay nag-ayos na sina Antonio at Fatima. Mahaba-habang lakaran at akyatan din ang daan na kailangang tahakin para marating ang kweba. Buti na lang at sanay na sanay sa mahabang takbuhan at ehersisyo ang lalaki.

"Miss Fatz, ako na magbitbit n'yang dala mo. Ano ba kasi 'yan?" Tukoy niya sa bitbit ng dalaga. Sling bag ito na kumakalansing sa tuwing mapapauga sa paglalakad.

CROOKS-TO-GO Book 2Antonio: The Deceitful CrookWhere stories live. Discover now