S.A 9: Snow White and the Prince Part 3

614 13 1
                                    

Tumakas ang dalaga sa kaharian ng Rigeyla. Walang ibang dala kundi ang kanyang sarili at ang kanyang maikli na ngayon na buhok.

Maikli man ito pero katangi-tangi parin ang kagandahan.


Hindi niya alam kung saan siya madala ng kanyang mga paa basta sa isipan niya lang ay kailangan makalayo siya sa mga taong ang gusto lang ay ang kanyang buhok.


Di niya namalayang napadpad na pala siya sa kagubatan. Kumulog pa at uulan pa yata. Buti na lamang at may nakita siyang abandonadong bahay kubo at dun muna siya makikisilong.



"Tao po?" Acting ni Kimshria pero walang sumagot kaya pumasok siya sa maliit na bahay kubo.

Nagpalakad-lakad siya baka sakaling may makita siyang pwedeng matulugan.



Lumalakas pa ang buhos ng ulan at tila nanginginig na ang katawan ni Miaka sa lamig.



Bigla naman siyang nagulat ng may nalaglag ng kung ano sa di kalayuan niya. Daga lang pala.

Pero nung tumingin siya sa likod niya eh isang matulis na bagay ang dumikit sa gitna ng leeg niya.


Isang espada.



"Sino ka?!" Tinig ng isang lalake ang narinig ni Kimshria.

Tinignan niya ito ng maigi.



Nakasuot ito ng pormal na kasuotan na puro puti. Bagay na bagay sa buhok niyang medyo blonde.



"Hindi ako masama! Nakikisilong lang ako dito!" Nanginginig na sagot ni Kimshria.


"Sino ka? Bakit ka nandito sa gitna ng kagubatan?" Tanong ni Lindel at umacting na inilayo na ang kanyang props na espada.



Nung tanungin iyon ni Lindel ay halos humiyaw ang mga babae sa audience dahil kinikilig sila sa boses na kanilang iniidolong lalake na umaacting sa harap nila.



"Ako nga pala si Miaka. Taga Rigeyla ako." 



Sinamaan ng tingin si Kimshria ni Lindel. "Rigeyla? Sa malayong dako yang lugar na tinutukoy mo. Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang delikado dito sa kagubatan?" Inis na tono ng boses ni Lindel kaya napalunok ng bahagya si Kimshria.


"Paumanhin na po pero di ko rin ginustong mapadpad dito. Tumakas lang kase ako dahil may humahabol sakin." Sabi ni Kimshria ni Lindel at ipinagpatuloy ang pag kwento sa binata tungkol sa nangyari kanina.


Nang matapos magkwento si Kimshria ay napatingin si Lindel sa auburn na buhok nito.

Makikitang hindi ito pormal na pag-gupit pati na rin ang mga maliit na galos sa pisngi at sa braso nito kaya nasisiguro niyang hindi talaga nagsisinungaling ang babaeng nasa harapan niya.


Special Academy-Uncovering Secrets (SEASON 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon