S.A 28: Awake

491 14 0
                                    

*KIMSHRIA FHION KABE's PoV*


"Umuna ka nalang muna dun, Kim. Bibili lang ako ng makakain natin." sabi ni Best friend Yana sakin. Tinignan ko naman ang lalakeng nasa likuran niya na naghihintay sa kanya. Ang gwapo naman ng kuya ni Yana!! Kaso ang mysterious lang!! Isa pa! wala talagang duda na magkapatid silang dalawa, paminsan lang ngumingiti eh! 


"Eh ang gwapo mong Kuya Yael?" tanong ko. Pinaikutan niya ako ng kanyang eyeballs. Grabeh talaga tong best friend ko! Ang maldita! Hindi pa ako pinansin at iniwan lang sa ere!!


Bigla naman akong tinignan nung Kuya ni Yana na si Yael Alexir. Wahhhh! Bakit ba ang gwapo ng nilalang natoh! Ang tangos-tangos ng ilong! Pero matangos din naman ang kuya Kenshrio ko noh! Pati si Niven! 

Speaking of Niven, asan kaya yun ngayon? Ang sabi niya sandali lang siya. 


"Sasamahan ko lang si Yana, Kimshria. May pag-uusapan din kami." straight na sabi niya. Napatango nalang ako tsaka ngumiti. "Sige po. Hintayin ko nalang kayo sa clinic." sagot ko tsaka kumaway sa Kuya ni Yana. Wahhh! Makasing gulang lang silang dalawa ni Kuya Kenshrio! Kahit hindi palaging nakangiti ang gwapo! Hehehe. 


Kinamot ko nalang ang ulo ko at mag-isang pumunta patungo sa clinic ni Sir Vincent, ang papa ni Nesth at kung saan natutulog si Jerzon.




*MATHEW ROMANO's PoV*


Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harapan ko habang nag-aayos ng kanyang buhok. Naka fitted black sleeves. Fitted black shiny leggings at Black boots.


Bumuntong hininga ako at sumandal sa pintoan ng kwarto niya. "Kimneshra, hindi na ba magbabago yang isipan mo?" seryosong tanong ko sa kanya.


Nang matapos siyang mag-ayos ng buhok niya na itinali niya lang ng paitaas (Pony tail), nagsuot siya agad ng Black gloves tsaka niya ako tinignan. "Kailangan ko. Nakakasiguro akong alam na ni Ramises na buhay pa ako." seryoso niya ring sagot sakin.



"Pero delikado Kimneshra. Marami ng tauhan si Ramises ngayon. Dahil sa kahibangan niya sayo, mas lalong gusto ka niyang mapunta sa kanya lalo na't wala na si Kenchard." nakita ko kung paano nag-iba ang kanyang mukha. 


Sa tagal ko ng sinasamahan si Kimneshra sa paghahanap ng mga anak niya eh alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin niya malimot-limot si Kenchard-sensei. 


Kilala ko silang dalawa dahil ang ate kong si Ate Seleste at si Kenchard-sensei ay magkaibigan noon. 

Nakilala ko rin si Kimneshra nung araw na ginambala ni Ramises ang buong Highschool campus ng Special Academy, ewan ko ba kung bakit siya parin ang pinamahala sa campus ngayon. Sabagay, marami naman siyang Nelxias (Pera).

Special Academy-Uncovering Secrets (SEASON 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon