S.A 23: Past- Barkada Part 2

520 9 0
                                    

"Naru! Al! andito na pala kayo! Ang aga niyo naman ata?" salubong na sabi ni Lamyca samin, nakasunod naman niya ang kasintahan niya at barkada naming si Enver. 


"Ang babagal niyo kase!" sagot naman ni Naru sa tabi ko. Nilingon ko pa siya dahil ang lapad-lapad ng ngiti niya. San kaya niya nakuha yang energy niya? Palagi nalang nakangiti and lakas pa ng boses. 


"Huy Al! Ikaw ah! May pagtingin ka na pala sakin ah! Kung makatitig, ang lagkit! HAHAHA!" tukso niya sakin bigla sabay akbay. Natawa naman si Enver sa kanyang sinabi. 


"Ha?" sambit ko. 


"Natulala ata si Al sa ka-gwapohan mo Naru! Hindi na nakapagsalita oh!" habol pa na tukso ni Lamyca sakin. 


"Wag niyo namang pagtulungan yang si Al. Alam mo naman yan, tahimik." sabat naman ni Enver sa kanila. 

Tinaasan siya ng kilay ni Lamyca. Away na naman ang naamoy ko.  

"Nagkatuwaan lang naman! Ang KJ mo talaga Enver ah! Wag mo kong simulan!" malditang sabi ni Lamyca kay Enver na nakaturo pa nito.


Ngumiti naman ng pilit si Enver. "Lamyca..hindi naman sa..." hindi pinatapos ni Lamyca si Enver dahil pinutol niya agad ang sasabihin sana nito. "Tsk! Wag mo kong kausapin!" 


"Lamyca naman. Sinasabi ko lang nama...." hindi na naman pinatapos ni Lamyca ang gustong sabihin sana ni Enver dahil pinutol na naman niya ito for the second time.


"Wag mo nga kase akong kausapin! Tsk! Nakakainis ah!" narinig ko nalang bumuntong hininga si Enver at umupo sa nakalatag na picnic mat sa bermuda. 



"Hoy guys!! Andito na pala kayo!!" sigaw ni Kimneshra saming apat na kumaway-kaway pa. Nakasunod sa kanya ang dalawa pang barkada naming sina Kenchard-sensei at Sir Ramises.


Nang makalapit sila samin, napansin kong parang ang lamig ng aura sa pagitan nina Kenchard-sensei at ni Sir Ramises.  Nag-away ba sila?


"Ang ganda talaga ni Kimneshra noh?" nalingon ako kay Naru ng binulong niya yun saken. Maganda naman talaga si Kimneshra. Simple lang pero namumukod-tangi ang kagandahan niya. At kahit medyo boyish ang ugali niya, siya ang dahilan kung bakit mayroon akong mga taaong masasabi kong, kaibigan.


"Kaso, Mukhang huli na ako. May dalawa ng nakapila. Ano pa bang laban ko?" sunod pang bulong niya sakin. 


"Anong ibig mong sabihin, Naru?" tanong ko.

Tinuro niya yung dalawang lalakeng nasa likuran ni Kimneshra na naglalakad papalapit samin. "Nakita mo yang si Chard-sensei at Principal Ram?" tinignan ko naman yung tinuro niya tsaka napatango. 

"Oo. Bakit? Anong meron sa kanila?"



Special Academy-Uncovering Secrets (SEASON 2) ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora