S.A 15: What am I to you?

589 13 0
                                    

"Pa..paano? ...." unang bigkas ko ng mga salita.


Nginitian niya ako. "Don't be so surprised, Al. I'm not a ghost."

Hindi ako nakapag salita. Kahit na tama ang hinala ko, napaka imposible paring makitang buhay si Kimneshra.

Ilang taon na bang nakalipas simula nung may nangyaring di inaasahan dito sa Special Academy?

Graduating na kami nong mga panahon na yun ng biglang may nabalitaan nalang kaming namatay ang isang kaklase namin.

Si Kimneshra Azul.

"Bakit ka nandito? Alam ba ng principal na bu..buhay ka pa?" Tanong ko pero nginisihan niya lang ako.

Ibang-iba na siya. Hindi na siya yung Kimneshra noon.

Yung mga mata niya, di ko maintindihan pero parang galit na parang malungkot.

"Buhay pa pala ang taong pumatay ni Kenchard?" Pabalik na tanong niya. Di man lang sinagot ang tanong ko tsaka siya tumawa ng mahina kaya napakunot ako ng noo at nakahanda na ang kamay at mata ko sa balak niyang gawin.


Hindi basta-bastang babae si Kimneshra. Kaklase ko siya noon.
Actually, kaklase namin siya ni Naru noon.

Di man niya pinapakita ang kanyang kakayahan pero ibang klase ang taglay niya.

Napaka unique at siya nalang ang natitira sa angkan niyang humahawak sa special na meron siya.


Dapat hindi niya ako mahawakan sa ulo o kundi sa dibdib.




"Hindi ako pumunta dito para makipag-away." Sambit niya ng seryoso sakin.



"Plano mo bang maghiganti?" 




She looked at me. Ayan na naman ng mga mata niyang di ko mawari kung ano ang pinpakita niyang emosyon. "Kailangan kong makapasok sa Laboratory ni Sir Vincent." Sagot niya at sa ikalawang beses, di na naman niya sinagot ang tanong ko.



"Sir Vicent? Diba galing ka na don? Eh dib....." napahinto ako sa pagsasalita ng may maalala ako. 


Kitang kita ko kaseng galing siya sa Laboratory kanina.

Kilala naman siya ni Sir Vicent. Don't tell me...



Tinignan ko siya ng matalim. "Anong ginawa mo kay Sir Vincent?!" Pinaharap ko na sa kanya ang palad ko at anytime pwede ko siyang gamitan ng special ko pero ni kahit na gulat o pangamba, wala akong makita sa mukha niya.



"Hindi ko sinasadya...Hindi ko sinasadya..." dalawang beses na bulomg niya na rinig ko naman.


*Boommsshh!!*



Special Academy-Uncovering Secrets (SEASON 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon