S.A 11: Black Room

590 15 0
                                    

*UNO's PoV*



"Uno! Ibigay mo raw toh kay Al." Sabi ni Doz saken at inabot ang isang sobre na may nakatatak na letrang A sa gitna na kulay itim pero parang dugo.


Kinuha ko naman ito at tinignan ang sobre. "Ano naman toh?" Curious na tanong ko.


Dumampot muna ng fries si Doz at isinibo ito sa kanyang bibig. Tsk ang takaw-takaw talaga ng isang toh. "Wag ka ng magtanong! Ibigay mo nalang. Una na ako ah. Kita nalang tayo sa Office ni Principal Ramises." Sabi pa niya tsaka iniwan ako.



Tinignan ko ulit ang sulat na hawak ko tsaka humayo para hanapin si Al.




-BLACK ROOM-



*Knock! Knock!*


Dalawang beses na katok ko bago ko pinihit pabukas ang pinto.


Pagkapasok ko ay di na ako nagulat sa itsura ng kwartong ito.


Puro itim ang gamit. Pati mga lamesa at upuan ay itim maliban nalang sa white board na nasa harap.

Parang nasa isang Haunted House lang ako at nag paparanormal activity.



Well, classroom pa rin naman ito dito sa Highschool campus kaya lang tanging mga Anonymous members lang ang pwedeng makapasok dito.



Kung nagtataka kayo't bakit ako pumasok eh isa ako sa mga Ex-members ng Anonymous dati.

Napansin ko sa pinaka dulo ng upuan malapit sa bintana na medyo nakabukas ng konti ay may naka-upong babae na silver ang buhok.



Kung hindi ako nagkakamali siya si Snowe Eirika Fleil isa sa mga myembro ng Anonymous. Di ko naman close ang lahat ng present members dito lalo na yang si Snowe.



Lumapit ako sa kanya. "Nakita mo ba si Al?" Tanong ko. Lumingon siya sakin pero hindi niya ako sinagot at ibinalik na naman ang tingin niya sa bintana.

Special Academy-Uncovering Secrets (SEASON 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon