Chapter 4

1.5K 25 0
                                    

Flare's POV

Maaga akong gumising ngayong araw dahil kailangan kong magpractice para sa sasalihan kong contest.

Napahawak ako sa dibdib ko kasi hindi maipagkakailang kinakabahan talaga ako ng husto. Kasi feeling ko.. hindi ko kaya?

Umiling ako nang ilang beses. "Paranoid ka lang Flare."

Mabilis akong bumangon at inayos ko ang pinaghigaan ko. Pumunta ako sa comfort room ko at doon ko sinimulan ang daily routine ko sa pagligo. Habang naliligo ay iniisip ko na ang kakantahin ko.

Ano nga ba ang kakantahin ko?

Maybe kailangan ko ng tulong ni ate para sa mga ganito. Magaling kasi siyang kumanta and I think alam niya kung anong bagay sa boses ko since nagvovoice lesson na rin siya.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng white Tee shirt na maluwag at shorts na lime green jersey. Ganito ako kapag sa bahay lang.

Kinuha ko ang laptop ko sa study table ko at sumampa ako sa kama. Pagbukas ko ay unang bumungad sa akin ang picture ko habang ang back ground ay ang mga art exhibits na pinuntahan namin kahapon ni kuya Robert. Siya ang kumuha nito at abot langit ang ngiti ko dito.

Hindi ko alam pero parang sobrang saya ko kapag nakakakita ako ng mga arts exhibit. I wish someday, makapagdisplay ako ng isa sa mga gawa ko jan. If I know how to draw. Hindi ko pa kasi natratry. Maybe next time na lang.

Pumunta ako sa Skype at hinanap ang pangalan ni ate ko. Laking tuwa ko kasi nakaopen siya. Pinindot ko kaagad ang call button at bumungad sa akin ang mukha ni ate na nag-babasa. Maybe her notes.

"Good morning ate Finn!" Nakangiti kong bungad sa kaniya. Sinulyapan niya lang ako at ngumiti ng tipid bago siya tumingin sa binabasa niyang notebook.

"Good evening Flare."

"Uhm.. Busy ka ba ate?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng bored na bored.

"Nakikita mo naman diba? Bakit ka ba napatawag?" Medyo naiirita niyang tanong sa akin kaya napatikom ako ng bibig.

Sasabihin ko ba? Medyo mainit kasi ang ulo niya ngayon eh. Hindi na lang siguro? Bukas na lang kaya? Baka naman okay na ang ulo niya kung ganoon diba? Aish.

"Nangungumusta lang po ako ate jan. Ayos lang ba kayo jan?" Tanong ko sa kaniya na inismidan niya lang.

"Yeah we're fine. Anything else?" Tanong niyang sa akin. Sasabihin ko ba?

"Uhm.. Kasi ano.. Uhh... Magpapatulong sana ako sa-----"

"Talk to you tomorrow. Kailangan ko ng matulog. I'm sure hindi naman yan importante at alam kong kaya mo na yan. Goodnight sis. Bye." And with that, she ended our call.

Napabuntong hininga naman ako sa nangyari. Walang nangyari. Hindi ko siya natanong at hindi niya ako nasagot. Pansin ko lang, eversince madisgrasya ako ay cold na ang treatment sa akin ni ate. Ganiyan ba kami bago pa ako mawalan ng ala-ala? I guess yes? Or no? Or maybe? Uhh.

"Bahala na." Isinarado ko na ang laptop ko at nagtungo ako sa baba. Sa mini kitchen ko. Nakatira ako sa isang penthouse na binabayaran ng mga magulang ko. Si kuya Robert ay nakatira sa pamilya niya. Pumapasok lang siya tuwing umaga at gabi. Ang kotseng ginagamit niya ay nandiyan sa labas. Maayos naman sa kaniya ang ganoong set up. Ayaw ko namang may kasama akong lalaki sa bahay at ayaw din ni kuya Robert na mahiwalay sa pamilya niya kaya pumayag na kami sa ganoong set up.

Kumuha ako ng barako na coffee, cause it's my favorite, at tinimpla ito. Kumuha ang ng ingredients ng pancakes sa refrigerator kasi naisipan kong magluto for my breakfast.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon