Chapter 24

683 12 0
                                    

Flare's POV

Mabilis na umikot pataas ang mga mata ko habang naririnding nakikinig sa kumakantang si Zid.

Okay. To be honest, maganda naman talaga ang boses niya eh pero kumukulo lang talaga ang dugo ko kapag naririnig ko ang boses niya and I don't even know why!

Nasa kotse ako ni Zid ngayon at papunta kami ngayon sa mall. Wala kasi akong maisip na dahilan kung saan ako pupunta kaya sinabi ko na lang sa kaniya na sa mall ako pupunta.

Sayang. Hindi tuloy natuloy ang bestfriend's day namin ni Thea. Nakakainis kasi itong si Zid at ang kaniyang bayaw! Napakakabute. Magsama sila.

"You can count on me like one two three and I'll be there.

And I know when I need it I can count on you like four three two and you'll be there..."

"Tumigil ka nga!" Naiirita kong sabi kaya napatingin siya sa akin habang nakataas ang kilay.

So? Matatakot na ba ako diyan porke't boss ko siya?

"Kotse ko 'to kaya may karapatan ako." Sambit niya sabay tuloy sa kanta niya kaya na-iimbyerna nanaman ako.

"Hindi ka marunong kumanta kaya please lang. I need peace." Sambit ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil bahagya itong sumasakit. Siguro dahil sa klima. Stress na stress pa naman ako this week. Maraming school activities pa naman.

"Woah. May hindi ba marunong kumanta na kasama sa isang boy band?" Panunuya niya kaya umikot nanaman ang mata ko pero deep inside, sinasapak ko na ang sarili ko.

Yeah right Flare. Mayroon bang pangit ang boses na nasa isang boyband?

"By the way. Kailan ilu-lunch ang unang song niyo? May date na ba?" Tanong ko sa kaniya.

Mabilis niya lang akong sinulyapan bago niya itinuon ang kaniyang paningin sa harapan.

"Wala pa pero this November na."

"Really?!"

Agad akong nakaramdam ng excite. Sa wakas, makikita ko na rin ang lahat ng kagrupo ni Zid sa iisang music video. Ang gwapo pa naman ni Shin at Jarred. Sila pa naman ang bias ko sa grupo nila. Ang bait din kasi nila eh.

"Oh my gosh!? Aabangan ko 'yan!" Sabi ko with matching palakpak pa.

Nakita ko ang pangisi niya habang iiling iling kaya tumigil ako sa pagpapalakpak habang unti-unting kumukunot ang noo ko.

"What?" I asked.

"Nothing. Iniisip ko lang kasi na excited kang makita ako doon. Alam mo na? May HD ka kasi sa akin eh. Amin amin din pag may time. Gwapo ko kasi" Nakangisi niyang sabi kaya bumagsak ang magkabilaan kong balikat.

"Tsk tsk tsk. Well? Expected." Ani pa niya.

Napalo ko ang noo ko habang hinahabaan ko pa ang pasensya ko sa kaloob looban ko. Langya, maaga akong mamamatay sa kayabangan ng boss ko. Hindi ko matake. Hindi talaga.

"Wala akong aaminin kasi nga hindi ako magkakagusto sayo. Bakit ba ang kulit kulit mo? Siguro ikaw ang may gusto sa akin noh? Noh? May gusto ka sa akin noh?" Sambit habang nakangiting sinusundot ang tagiliran niya.

"Ay ano ba! Tumigil ka nga. Baka mabunggo tayo oh!" Aniya habang umiilag sa mga sundot ko.

Nakangiti akong tumigil habang nakatingin sa kaniya. "Yieee may gusto ka sa akin eh. Sabi na eh! Ikaw ang mahuhulog sa ating dalawa! Hindi ako naniniwalang hindi ka naattract sa akin! Ha!" Nakangisi kong sabi sa kaniya.

Napaiwas siya ng tingin. "Tss, kung alam mo lang.." Bulong niya pero rinig ko naman.

"Anong kung alam ko lang?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya ang dalawang mapanuri kong mga mata.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon