Chapter 10

959 19 0
                                    

Flare's POV

It's been three days since the 'blackmailing' scene happened. Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ko sa mukhang palakang lalaking 'yon. Kung hindi dahil sa mga pasikot sikot niyang mga salita ay hindi ko masasabi sa kaniya na may gusto ako sa bestfriend niya.

Sa loob ng tatlong araw na yon ay walang ginawa yong palakang 'yon kundi asarin ako. Hindi asar na tatawagin niya ako sa pangalang Claude, kundi sa tuwing makikita namin si Claude ay pinapahiya niya ako. How dare he.

Sukat sabihin ba naman kay Claude na nakita niya akong nangulangot habang nanonood ng T.V?! Sukat maglagay ba naman ng ipis sa paa ko habang nakikipag-usap kay Claude?! Sukat lagyan ba naman niya ng sili yung nuluto kong sopas kay Claude?!

Sabihin niyo sinong hindi magagalit sa pesteng Zid Justine Dela Cruz na 'yan?!

Sa loob ng tatlong araw ay pumupunta ako sa bahay nila para bantayan siya. Nakakainis, hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang bantayan 'yon eh. Malaki na 'yon, utak pugo nga lang. Puro babae ang nasa isip kaya kailangan ko talagang bantayan.

Sabi ni ate Hannate sa akin, kailangan ko daw palayuin si Zid sa mga babae until we get graduated sa senior high, pumayag ako kasi sayang ang sweldo.

Pero hindi ko lubos maisip na ganito pala kahirap magbantay ng isang Zid Justine Dela Cruz. Para akong nagbabantay ng sampong batang matitigas ang ulo at ang sasama ng ugali.

Hindi ko na nga maintindihan kung ano ba talaga ang trabaho ko dito kay Zid eh. Maging personal assistant ba niya bilang artista o body guard dahil sa sobra siyang playboy? Naiisip ko pa lang eh sumasakit na ang ulo ko.

Tulad ngayon.

"Flare, lagyan mo ng sun block ang braso at paa ni Mister Dela Cruz, faster!" Sigaw sa akin ng manager ni Zid, kasalukuyan kasi silang nagpipicturial for their upcoming debut. Ilalabas na kasi sila sa T.V. dahil sa kauna-unahan nilang kanta.

"Yes ma'am."

Agad kong sinunod ang sinabi ni ma'am Clara at dali-dali kong dinaluhan ang mukhang palaka kong amo na prenteng nakaupo sa isang beach bed malapit sa pool. Partida, nakataas na ang mga paa niya. Alam niya yatang lalagyan ko siya ng sun block.

"What are you doing here Flaridad? Miss me?" Malandi niyang tanong na mabilis ko namang inirapan.

"Bobo ka lang ba o wala kang utak? Malamang nilolotionan ka. Alangan namang sinasampay kita. Tsk." Sarkastiko kong sagot.

"Harsh, ano klase kang assistant?"

"Shut the hell up Zid." Sagot ko sa tanong niya at walang sabi-sabi ko siyang nilagyan ng lotion sa braso at paa.

"Ouch! Just be gentle, love." Sambit niya na inirapan ko ulit. Kanina pa siya ganiyan. Ang landi talaga ng palakang 'to.

"I said shut up! Can you please shut up your filthy mouth cause I might punch you straight in your face." Pagbabanta ko sa kaniya na nginisian niya lang.

"Ouch, ang sakit mo naman magsalita.. Pero.... Matatakot na ba ako niyan?" Why can't he just shut up? Ang daldal talaga ng tukmol na 'to. Bumaba ako at marahas kong nilagyan ng lotion ang binti at paa niya. Padabog ko itong ikinalat at napapa-angat ang paa niya dahil nagdudulot ito ng sakit sa kaniya. Good then. "O-ouch! Tama na!" Tumigil na ako.

"What's wrong with you?!" Galit niyang tanong na inirapan ko agad.

"It's none of your business." Sambit ko bago ko siya iniwan doon.

Inilagay ko na ang sun block ng binhing 'yon sa bag ko at mataman siyang tiningnan. Two days na akong nagpupuyat dahil sa photo shoot na 'to at hindi ko mapigilang mapapikit. Inaantok ako.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon