Chapter 18

754 13 0
                                    

Flare's POV

Buong byahe ay nakasimangot ako. Gustong gusto ko siyang sapakin at suntukin pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi kahit bugbugin ko man ang katabi ko, boss ko pa rin siya.

Pero hindi ko talaga mapigilang mainis sa tuwing inaalala ko 'yong walang kwentang usapan namin kanina.

Paano ba naman kasi, nang tanungin ko siya kung bakit niya sinira 'yong pinto ko at kung paano niya nasira iyon. Sukat ang isagot ba naman sa akin, "it's your fault. Pinaghantay mo ako. Pagbalik mo dito maayos na 'yan." Tapos mag-rereact pa sana ako eh hinila na ako palabas.

Gusto ko sana siyang sigawan ng sigawan kaso maraming dumadaan sa hallway ng building kaya hindi ko na tinuloy ang balak ko bagkus ay yumuko na lang ako.

Balak ko na sana siyang tatalakan noong nasa elevator na kami kaso may pumasok na mga tao kaya hindi ko ulit nagawa at ang kumag na katabi ko ngayon ay ngumingisi noong time na 'yon. Sinong hindi maaasar?!

"Itigil mo nga 'yang kakanguso mo." Aniya na inismidan ko kaagad.

Pero sinunod ko pa rin siya. Mamaya hindi pa ako swelduhan ng tatlong buwan. Baka mamatay na ako sa gutom. Gayong hindi pa naman mangpaparamdam ang mga magulang ko.

"Saan po ba tayo pupunta? Sir?" Talagang diniinan ko pa ang salitang 'sir'. Baka matauhan siya na maging mabait siyang amo.

"Sa mall. Magshoshopping ako." Mabilis niyang sagot kaya napalingon ako ng wala sa oras sa kaniya habang nakaawang ang aking bibig.

"Ano?! Ikaw?! Magshoshopping?!" Magulat-gulat kong tanong. Parang alam ko na kung ano ang magiging papel ko sa araw na 'to.

"Aray, nakakabingi ka ah. Hinaan mo nga 'yang boses mo." Iritado niyang sabi sabay masahe sa tainga niya. Ako naman ay napairap sa kaartehan niya. Ang arte talaga.

"Tsk oo na nga." Labas sa ilong kung sabi habang nakatingin sa labas.

"Kailangan ko na kasing bumili ng bagong gamit. Alam mo naman na titira na ako kasama ng mga pangit kong mga kagrupo sa iisang bubong. Gusto kasing may sarili akong mga gamit sa penthouse namin kaya sasamahan mo ako." Hindi ko tinatanong. Gustong gusto ko siyang barahin sa totoo lang!

"So? Anong pakialam ko?" Hindi ko talaga kayang barahin ang lalaking 'to.

Unang una sa lahat, ginambala niya ang araw ko tapos sinira niya ang pintuan ng unit ko then ito?! Magiging alalay ako ng kumag na 'to?! Sinong hindi maiiniis?!

Pero trabaho mo 'yon Flare..

Sabi ng konsensya ko. Napahinga ako ng malalim. Right, trabaho ko nga palang magpaalipin sa lalaking kasama ko ngayon. Hindi lang kasi matanggap ng sistema ko na magiging alalay ako ng taong kinakainisan ko.

Pero isipin mo ang mga bagay na itinulong niya sayo..

Payo ng konsensya ko. Biglang pumasok sa utak ko 'yong nangyari kahapon. Parang may bumara sa lalamunan ko sa tuwing iniisip ko na siya ang nagligtas sa akin sa kahihiyan.

Hay. Wala ka ng choice Flare. Tanggapin mo ng personal assistant slash bodyguard ka na ng lalaking kasama mo.

"Of course, ikaw ang magbibitbit ng mga bibilhin ko. Alangan namang ako? Kaya nga kita sinama diba?" Defensive niyang sagot at sa totoo lang, gusto ko na siyang iripan pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Pilit kong kinumbinsi na mahabang mahaba pa ang pasensya ko sa lalaking kasama ko ngayon. Napapikit ako sa inis. Fine. Be a good personal assistant slash bodyguard Flare.

"Opo. Sorry po. Sir." Labas sa ilong kong sabi. Halos masuka ako sa mga salitang nanggaling sa bibig ko. Sinabi ko ba talaga 'yon?

Nakaawang na labi ang tumumbad sa akin habang nanlalaki ang mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon