Chapter 39

601 11 0
                                    

Zid's POV

"Hey Zeejay, nakausap mo na ba si Claude? Ang tagal na nung hindi nagpaparamdam eh."

Napatingin ako kay John na nakaupo sa sofa namin habang ako ay busy sa kabilang sofa na nagtitipa ng cellphone. Crossed legs and high eyebrow.

"Not yet and yeah, baka nga hindi na humihinga 'yon eh." Simpleng sabi ko sabay balik ng tingin s cellphone ko.

From Flare

What are you talking about? Umayus-ayos ka nga!

Ngumisi ako sa sinabi niya. Agad akong nagtipa ng sagot sa kaniya.

To Flare

Bakit? Masama bang magpredict? Every people has a right to predict, baby.

"Siguro nagseryoso na 'yon. Nakita ko siya noong isang linggo sa Idax eh. May kasama."

"Uhh.. Maybe a fling."

From Flare

Shut up! Wala ka bang klase ngayon at text ka ng text?!

Ngumisi ko sa sinabi niya. Takte, kikiligin na ba ako? Nag-aalala siya! Nagtatanong siya kung may klase ba ako ngayon. Agad kong sinapak sapak ang unan sa katabi ko nang mapagtanto kong may concern siya sa akin.

"Hey hey bro, what's the matter? Why are you punching that pity pillow, huh?" Takang tanong ni John sa akin kaya nakangiti akong lumingon sa kaniya.

Takte, ayun pa lang 'yon ah! Ganito na ako. Paano pa kaya kung talagang mamahalin na niya ako? Darn! This is insane! I can't help but to assume things.

"Ha? Nothing! nothing! Just mind your own freaking business,,a'ryt?" Nakangisi kong sabi sabay taas ng paa ko at ipinatong ko ito sa sofa na kinauupuan ko.                            

Nagtipa ulit ako.

To Flare

Concern ka? Naks, sabi na eh. Talagang may gusto ka sa akin eh. Aminin mo na bago ka maunahan..

Parang gusto ko siyang asarin ngayon. Iniisip ko pa lang ang reaksiyon niya ngayon habang binabasa ito ay kinikilig na ako. Seeing those doll brown eyes and reddish cheek with smoke outside the ears makes me gasped of laughing.

Nagulat ako nang may biglang bumato sa akin. Inis ko itong binalingan. Siraulo 'tong taong 'to oh! Kita niyang nagmomomment ako rito eh nang-eepal. Bakit?! Kapag nagdradrama ba siya eh pinapakialaman ko ba?! Hindi! Tinutulungan ko nga siyang ayusin ang problema niya eh! Tapos ngayon na itong katangi tangi kong kasiyahan eh pinagkakait niya pa?! Asaan ang hustisya? Nasa korte suprema.

"Heck bro. Darn that business. Speaking of that freaking business. I'm having a hard time of teaching your cousin in the world of business. Bro, I don't want to pursue her but she's freaking insisting it! Ako ang nahihirapan aa kaniya!" Aniya sabay kamot ng ulo kaya napailing ako.

"Asawa mo e. Magtiis ka." Sagot ko bago ko siya inirapan at bumaling sa cellphone ko.

Nagreply siya.

From Flare

Assuming! Huwag kang umasa. Hinding hindi na kita sasagutin!

Nahulog ko ng wala sa oras ang cellphone ko sa tiyan ko habang nanlalaki ang nga mata nang mabasa ko 'yon. Takte ka Zeejay! Wrong move. Bawal galitin ang apoy!

To Flare

Sabi ko nga, hindi na ako mangungulit. I love you.

Takte, kinikilig talaga ako. Sa sobrang kilig ko eh sinipa ko 'yong tinapon kong unan sa ere at sa kasamaang palad ay dumapo ito sa nakasimangot na nakapikit na si John.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon