CPMBG 1.3

68 12 0
                                    

Dedicated to sa lahat ng mga ex. Hoy kayo wag na kayong manggulo pa sa ex niyo. Try niyong maghanap ng iba. Masyado kayong bitter eh. Uso kasi maghanap ng iba. Yung para sa inyo talaga. Mukha kasi kayong tanga na umaasa sa mga taong nakaraan niyo na. At masaya na sa iba. Hayaan niyo na lang sila doon sila masaya. Matuto tayong magparaya. At matuto tayong sumaya sa magiging desisyon nila. At sa ikakasaya nila.


Ex

Bianca

Pagpasok na pagpasok palang namin sa classroom sinalubong na agad kami ng mga classmates namin. Hindi dahil magkasama kami. Dahil may dumating daw.

"Josiah nabalitaan mo na ba na bumalik na daw dito si Stella." Nagulat kaming dalawa ni Josiah. Pero nawala din yung pagkagulat ni Josiah at muling umakbay sa'kin.

"Oh. Ano ngayon?" Mayabang na sabi niya sa mga classmates namin.

"Eh. Diba nga sabi niya kapag bumalik na daw siya. Babalikan ka na rin niya." Nainis ako sa pinag uusapan nila kaya sumingit na ako.

"Hindi naman babalikan niya si Josiah yung tanong dito eh. Ang tanong dito ay kung babalikan ba siya ni Josiah." Nakataas kilay na sabi ko sa mga classmates ko.

"Oo." Sagot ng isang boses babaeng nasa likod ko. Tumingin ako don. At suprise nakita ko si Stella. "Oo babalikan ako ni Josiah. Alam ko naman na hanggang ngayon mahal niya parin ako."

Hahakbang dapat papalapit sa kanya si Josiah para suntukin siya pero pinatigil ko siya.

Hinarap ko si Stella. Wait let me describe her.

Sexy, white skin, beautiful face, 5 footer, wearing her uniform and her skirt 4 inch above the knee. And stilleto shoes.

"You're Trisha right?" Nakangising tanong sa'kin netong mukhang clown na ex netong si Josiah na si Stella. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bakit hindi ko na kailangang sumagot. Sinasayang ko lang yung laway ko sa kanya.

Lumapit siya sa'kin. Kaya napa cross arms ako. Tinignan ko siya mula paa papunta sa mukha niyang mukhang paa.

"Eh ano kung ako yon. May problema?" Nakataas kilay kong tanong.

"Oo kasi nilalandi mo yung boyfriend ko." Sabay lalapit na sana siya kay Josiah. Pero mabilis kong hinawakan yung braso niya paharap sa'kin.

"Correction lang ha ex hindi boyfriend." Sabi ko sabay diin sa pagkahawak sa kamay niya.

"Eh bakit magiging boyfriend ko rin naman ulit siya ah." Nang aasar na sabi sa'kin netong si Stella.

Ngumisi ako.

"Grabe ka naman mag assume ex. Anong akala mo sa kanya isang Laruan na gagamitin mo lang kapag kailangan mo tapos itatapon mo kapag nagsawa ka na. Aba malala ka na. Ang landi mo ex. Sa sobrang landi mo bibigyan na kita ng medal at trophy bilang pinakamalandi sa buong pilipinas. Alam mo Stella hindi na uso yang mga ginagawa mo. Anong akala mo sa reality, fantasy? Sa sobrang hilig mo siguro sa fantasy na may power pati yung ex mo na boyfriend ko ay hihilingin mo na rin." Tsaka ko padabog na binitawan yung kamay niya. Hinila ko na si Josiah para umupo na kami pero bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko paharap sa kanya at tsaka niya ako sinampal ng malakas.

Nga-ngayon lang may sumampal sa'kin. Nanginginig ako. Hindi dahil sa takot. Kundi sa galit. Hinawakan ko yung kaliwa kong pisngi na masakit dahil sa ginawa niyang pagsampal sa'kin.

"Dapat lang sa kanya yan mang aagaw kasi ng boyfriend." Susugudin dapat ni Josiah si Stella pero pinigilan ko siya. Hinarap ko si Stella na nakangisi habang nakatingin sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at hinila papasok ng room. Pinatabi ko muna sila Josiah sabi ko kaya ko na to. Tumabi din yung mga kaklase ko. Hinila ko siya sa may malawak na space sa harap ng black board. Tinulak ko siya ng malakas tumama yung ulo niya sa black board at tumama naman yung balakang niya sa Kahoy. Nangingilipit siya sa sakit. Walang lumapit upang tulungan siya. Ako hindi ko na nakayanan yung galit ko kaya nagagawa ko to.

Dahan dahan siyang umupo. Mag iindian sit na dapat siya kaso hinawakan ko yung braso niya at tinayo siya ulit.

Hinawakan ko yung chin niya at tinaas para maging magkapantay kami.

Sinampal ko siya gamit ang aking kaliwang kamay.

"Para yan sa pagsasampal mo sa'kin."

Tapos nag palit yung kamay niya. Sinampal ko naman siya gamit ang aking kanan na kamay.

"Para yan sa pagsasabi ng mang aagaw sa'kin."

Sinampal ko ulit siya.

"Para yan sa pang iiwan mo kay Travs."

Sinampal ko na naman siya.

"Para yan sa pagbabalik mo."

I slap her face again.

"Para yan sa kagustuhan mong bawiin ang akin na."

Slap again.

"Para yan sa'yo. Dahil nakuha mo na yung titolo bilang pinaka unang nakasampal sa'kin."

Sinampal ko ulit siya.

"Para yan sa mga pinag gagawa mo hindi lang kay Travs hindi lang sa'kin pati na rin sa lahat ng taong inaapi mo."

Sinubukan niyang umayos ng tayo. At sasampalin niya sana ako. Pero nahawakan ko yung kamay niyang tatama dapat sa mukha ko.

"Don't you ever try to slap me. Wala kang karapatan para sampalin ako. Wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo ako kilala. Hindo porque ex kanya babalikan ka niya. Tandaan mo kapag ex na.. hindi na dapat binabalikan pa. Kasi kung babalikan mo siya ang tanong babalilan ka ba nya. Wag mo akong sasampalin dahil hindi kita sinabihan na gawin mo yon. At wag mo akong kakalabanin dahil hindi mo alam kung anong paghahantungan non. Hindi mental hindi hospital hindi park hindi restaurant hindi mall hindi bahay nyo kundi sa impyerno. Hindi mo ako kilala Stella. You don't know me, Stella. Wag mo kong pagsabihan ng mga salitang alam mong ikaw yung tinutukoy. Malandi? Ikaw kaya yon. Mang aagaw? mas lalong ikaw ton. Sa sobrang kapal ng make up mo nag mumukha ka ng clown. Alam mo tawag don hindi kaputihan kundi kalandian. Tapos ako pa talaga ang sinabihan mo ng mang aagaw. Dahan dahan ka sa pananalita mo. Dahil mali mali yung mga sinasabi mo. Pag ako hindi kita matansya. Naku asahan mong uuwi ka sa bahay nyong pulang pula yung mukha sa pagsasampal ko at nakasuot ka ng wig. Kung magsalita ex akala mo hindi sarili mo yung sinasabi mo. Hindi ko inaasahan na sa sobrang dami kong pwedeng maging ka kumpetensya sa buhay ni Travs ikaw pa. Ikaw pa na alam ko nung una pa lang na may nanalo na. Ikaw pa na alam kong hkndi magiging sa kanya at ikaw pa na ex nalang na hindi na dapat kinakausap at pinapansin pa." Tapos sasampalin ko na dapat siya ulit. Kaso may yumakap sa'kin sa likod. Hinigpitan pa ni Travs yung pagkakayakap sa'kin.

"Pabayaan mo na lang sila wifey. Mga walang kwentang kausap lang yang mga yan. Baka masaktan ka lang. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag makikita ulit kitang masasaktan. Please wifey pabayaan mo na sila. Pabayaan mo na si Stella. Hindi na siya yung present ko. Wala na rin siya kahit sa history at past ko." Tapos hinarap niya ako sa kanya. Pinunasan ko yung mga luha niya. Eto na naman siya. Ayoko talagang nakikita siyang ganito. Parang gusto kong manampal.

Niyakap ko siya.

"Oo." Sabay hila sa kanya papunta sa upuan namin at umupo. Si Stella ayun nakanganga pa rin habang umiiyak na nakaupo sa harap ng black board.

----------------

Sorry sa late update.

Pati sorry narin sa short update. Marami pa po kasi akong gagawin eh.

Hello bashers and perfectionist kinakamusta ko ulit kayo.

Namiss ko kayo.

CPMBG, HPMPG, HBLHB (Boy & Girl #1) Where stories live. Discover now