Chapter 5

166 2 0
                                    

--SEJI's P.O.V--

Hindi ko gusto tong nararamdaman ko ah? Lagi akong ginugulo ni Orange. I mean lagi akong ginugulo sa isip netong babaeng to. Oo, si Orange. Yung kaibigan ni Lumi.

Hindi ko naman alam kung bakit. Wala naman syang ginawa para magkaganito ako.

I guess.

Kagaya na lang nung sa bar. Ilang araw na din ang nakalipas. Hindi pa din sya mawala sa isip ko. Hindi na nga ako msyadong nakapanuod ng performance nila Chad nun e. Hindi dahil sa naririndi ako sa mga babaeng maiingay, kundi pasulyap-sulyap ako sa kanya. Na-apply ko nga yung kanta nila sa pag-eemote ko nun. You think im attracted to her? How she react. Her expressions. Her smile. Ugh! It's killin' me! What's happening? Sa sobrang inis, ginulo ko yung buhok ko.

"Huy! Ok ka lang? Narinig mo ba yung sinabi ko?"

"Ha? Pasensya na. Nababadtrip lang ako sa utak ko kung ano-anong mga bagay ang iniisip. Tsk!" kasama ko si Kalvin dito sa rooftop. Kakatapos lang naming mag-enrol. Patapos na kasi ang summer. 2 weeks na lang at mag-uumpisa na naman ang school year.

At kaya kami andito may pinag-mi-meetingan kami. Tungkol dun sa susunod na tuturuan namin. Ang kaso.. hindi ako makapagconcentrate dahil sa kanya! Dahil sa Orange na yun.

"Babae ba? Haha. Ok lang yan. Anu bang ginawa sayo at napapaisip ka ng ganyan?"

"Wala. At sino may sabi sayong babae ang iniisip ko? Kapag nag-iisip babae agad? Wag mo kong itulad sayo."

"Hey there, young boy. Easy. Masyado kang guilty. Wag ka msyadong pahalata kung itatanggi mo. Ok?" nakakaloko tong ngiti nya na to ah? Tsk!

"Shut up! Im not young anymore."

"Then prove it. Ipakita mo saking hindi ka na bata."

Talagang in-emphasis nya yung 'hindi ka na bata'

"Yun lang ba ang paraan para patunayan ko sayong hindi na ko bata? Palibhasa napaka-babaero mo kaya madali sayo yun."

"Pero atleast hindi na ko nasasabihang bata pa. Like you."

"Hindi na sabi ako bata! Nakakapikon ka na ah?!"

"Kung hindi ka bata. Anu ka? Bakla?"

Kumulo ang dugo ko sa sinabi nya. Nakita nyang masama na ang tingin ko sa kanya kaya napa-atras sya.

"Se-Seji, joke lang yun. Highblood ka naman."

Tinawag nya kong bakla tapos joke lang? Lokohan to!

Susuntukin ko na dapat sya ng may humawak sa braso ko.

"Tama na yan! Sa inaasal mo ngaun para ka talagang bata. Kung hindi totoo yun bakit ka guilty at napipikon sa mga sinasabi nya?"

Si Chad. Laging sumusulpot tong lalaking to. Tinabig ko yung kamay nya. Bwisit.

"Nagbibiruan lang kami Chad. Don't worry. Pasensya na sa mga nasabi ko Sej. Alis na ko. May date ako ngaun e. Bye." at umalis na sya.

"Tss."

"Your attitude! Magbago ka nga! Napakasuplado mo na nga napakapikon mo pa!" pumunta sya dito para sermunan lang ako. Tsk.

"Bakit ka ba andito?" nahiga ako sa sahig at ginawang unan ang braso ko. Umupo din sya malapit sakin.

He sighed. "Buti nga andito ka. Kanina pa kita hinahanap."

"Bakit ba? Anu ba yun?"

"Malapit na kasi birthday ni Byron. Hindi ko alam kung anung ireregalo sa kanya."

"Pinuntahan mo ko para lang dun? Nako~ bahala ka!"

"Seji naman e!"

ㅡㅡㅡ

After 2 weeks.

Pasukan na. Haay~ kaklase ko na naman si Kalvin. Hanggat maaari ayokong meron akong kaklase isa man sa kanila. Lalo na si Orange. Buti na lang talaga at hindi kami magkaparehas ng course. Mabuti na yun para maiwasan sya.

Oo. Alam kong dito sa school nag-enrol si Orange. Syempre andito si Lumi e.

At isa pang Oo.Napag-desisyunan kong iwasan sya. Para hindi na lumala 'tong nararamdaman ko. Ayoko nito.

"Hi Seji!" speaking. Kakasabi ko lang e. Kakasabi ko lang.

"Hi." bati ko naman. Binati ko sya baka sabihin nyang suplado ko. Umupo sya sa tabi ko. Nakaupo kasi ako dito sa bench. Hinihintay ko si Kalvin e.

"Wala kang kasama? Ano pala course mo?"

"Hrm. Wala kong kasama."

"Ah. Ganun? Ako din wala e. May pupuntahan daw saglit si Lumi. Ayun. Kaya naiwan ako."

Parang malungkot sya. Dahil ba iniwan sya?

"Babalik din yun mamaya." hindi ako tumitingin sa kanya.

Nagulat ako ng humarang sya sa harapan ko. Ngayon nakatingin na ko sa mata nya.

"Nakakatampo ka. Bakit hindi ka tumitingin sakin?" pout~

*Dugdug Dugdug Dugdug*

Anak ng teteng Orange. Wag kang gumanyan sakin.

Umiwas ako ng tingin. Sabay kuha ng phone sa bulsa ko, kunyari magtetext ako. Nasaan na ba kasi si Kalvin?

"Bakit naman kita titignan?"

"Hmp! Kahit kelan napakasuplado mo."

At umupo sya ulit sa tabi ko. Sinulyapan ko yung mukha nya. Nakapout pa din. Ugh! Bakit ka ba ganyan. Yung puso ko lalabas na dibdib ko kakatibok! Peste!

"Nakakainis. Lagi na lang syang may pinupuntahang iba. Tsk!"

Si Lumi ba yung tinutukoy nya.

"Baka may girlfriend na." at tumingin ako sa kanya. Lalong nalungkot yung muka nya.

"Haha. Ok lang yun. Wala naman ako sa posisyon para pagbawalan syang magka-lovelife e." nakangiti sya. Its a sad smile. Hindi sya marunong magtago ng nararamdaman nya.

Teka.. bakit ba ko andito? Sabi ko iiwasan ko sya e. Tsk!

"Alis na ko. Antayin mo na lang si Lumi. Maaga first subject ko e. Bye." tatayo na sana ko ng bigla nya kong hawakan sa braso. Sabay sabing..

"Wag mo kong iwan."

*Dugdug Dugdug Dugdug*

A/N:

Maygas! Nagbibinata na ang Seji natin. :) Goodluck.

Comment lang. Ndi bawal yun. Para malaman ko naman mga reactions nyo about sa story. :) Ayun lang.

TcGb. Smile. :)

Seji at the right side. :)

-Yuja♥

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon