-LUMI's POV-
Aaminin ko, habang lumilipas ang panahon, nakakalimutan ko na si Lian. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi..
wala na akong makitang dahilan para kapitan pa sya. Sya mismo ang nawala bigla na parang bula. Ginawa ko lahat ng paraan para lang mahanap sya pero wala akong napala.
Ginawa ko lahat ng effort para lang makita ko sya, pero wala.
"Alam mo, parang hindi naman kayo magboyfriend ni Seji. Kasi.. ako ang lagi mong kasama, hindi ba nagseselos yun sakin?" natanong ko nung minsang kumakain kami sa mcdo.
Napatigil sya sa kinakain nya nung tanungin ko yun.
"Hindi magseselos yun." sabi na lang nya at kumain ulit.
"Umamin ka. Kayo ba talaga?"
This time, nabilaukan na sya.
"Magdahan-dahan kasi sa pagkain naman." at lumipat ako sa katabi nyang upuan at hinimas yung likod nya.
"Nakakagulat kasi yung mga tanungan mo ngayon."
"At anong kagulat-gulat dun? Aber?"
"Kumain ka na nga lang." aba talagang hindi sinagot yung tanong ko.
Bumalik ako sa upuan ko kanina at tinitigan sya.
"Aish~ bakit ba nakatingin ka sakin? Naman yan! Kumain na!" pagsusungit nya.
Hindi pa din ako natinag. Tinitigan ko pa din sya.
"Fine. Aamin na ko. Hin-hindi talaga kami ni Seji." o-kay, im confused.
"Ano? E sino yung sinasabihan mong mahal mo nung nakita ko kayo ni Seji?"
"Wala yun. Ang tagal-tagal na nun, Lumi. Natatandaan mo pa din?"
"Aba, Orange. Hindi ba bigdeal yon? Nag-a-i love you ka sa wala? Ano maglolokohan na lang tayo dito?" nakakapikon. Tsk!
"Tama na yan."
Sumeryoso na sya. Bakit ba? Ano bang problema? Bakit hindi nya masabi sakin?
"Orange, ano bang pumipigil sayo at hindi mo masabi sakin. Sakin na bestfriend mo!"
"Lumi, please. Ayokong magsisi."
"Why? Tell me."
Bumuntong-hininga sya ng malalim. Pumikit sya. At pagdilat nya. Tinignan nya ko sa mata.
"Because...
i like you."
A/N:
Ayan~ aminan naaaaaa~
-Yuja♥
140724
![](https://img.wattpad.com/cover/15373101-288-k414226.jpg)
YOU ARE READING
Best Friends
Teen FictionBestfriend? Yan ang taong kapag kailangan mo ng karamay andyan lagi. Pinapagaan ang loob mo, pinapayuhan ka, pinapagalitan ka kapag may ginawa kang hindi maganda at higit sa lahat hindi ka iiwan. Paano na lang kung ma-fall ka sa taong tinatawag mong...