Chapter 11

137 1 0
                                    

-SEJI's POV-

LUMI..

LUMI..

LUMI..

Paulit-ulit sa pandinig ko yung pangalan na yun.

Bakit ganito? San nanggaling yung sakit na nararamdaman ko? Bakit may ganitong pakiramdam na ko. Peste naman. May tama na yata ko dito. Tsk!

Pagkasabi ni Orange nun. Tumingin ako kay Lumi. Nakatingin sya samin. Sasabihin ko ba? 95% na hindi sumasang-ayon ang puso ko na sabihin sa kanya. Ang hirap.

At ang sakit.

"Seji. Please. Satin lang 'to ah? Ikaw lang nakaka-alam. E kasi.. ilang araw ng wala si Soolly. Pakiramdam ko sasabog na ko kapag wala akong pinagsabihan." nilalaro nya lang ng straw yung yelo sa baso nya.

Bakit kasi sakin mo sinabi? Pwede namang kay Dylan o kaya kay Chad. Bakit sakin pa?

Tumango lang ako.

"Pwedeng magkwento?" hindi pa din sya tumitingin sakin, patuloy lang sya sa paglalaro ng yelo.

Hindi ako kumikibo. Mukhang mas matindi pa ang mararamdaman ko ngayon. Dadagdagan nya pa yata yung sakit.

Oo sige. Inaamin ko na. Gusto ko na sya. Gusto ko na si Orange. Saan pa ba pupunta 'tong nararamdaman ko na 'to kundi dun lang din.

Kahit na..

Kahit na may iba sya gusto.

Hindi ako umaasa na magugustuhan nya. Basta masaya sya, masaya na din ako.

Lumang kasabihan ng mga tanga no? Yan ang nagagawa ng taong nagmamahal.

Magpakatanga.

Kahit sobrang nasasaktan ka na, pinipilit mo pa din maging masaya para sa kanya.

Life is so unfair. Bakit kailangan sa taong may mahal ng iba ka maiinlove? Bakit hindi na lang sa taong mahal ka din?

"Seji? Ok ka lang?" while she's snapping her two fingers on my face.

"Oo. Akala ko magku-kwento ka." sige na. Panindigan na ang katangahan.

Humarap sya ulit sa juice na iniinom nya. Nilaro nya ulit yung yelo. Then she release a big sigh.

"Alam mo, Sej. Kaya hindi na ko sumasama sa inyo? Kasi.. pinipilit ko syang kalimutan. Pero.. pero.. hindi ko magawa. Minsan nung tinignan ko sya tinitignan nya yung SN. Pakiramdam ko type nya yung model dun. Sabagay. Wala akong panama dun. Kahit ako nagandahan sa kanya e. Si Lumi pa kaya? Kaya pinipilit kong ipaintindi sa sarili ko na itigil na 'tong kalokohan na 'to. Na bestfriend nya lang ako. Haha. Nakakatawa. hindi ko akalaing mapapsama ako sa mga taong nagsasabing, Bestfriend lang ako."

Hindi ko alam kung paano magrereact sa kwento nya. Dapat ko bang sabihin na..

Oo. Wala kang mapapala dun kaya tigilan mo na.

Hindi ko kaya. Mananahimik na lang ako. Ayokong manggaling sakin yung mga salitang makakasakit sa kanya.

"Dapat ko bang sabihin sa kanya na..."

Bigla syang tumingin sakin at sinabing..

"Mahal kita. Ako ba? Mahal mo?"

"Mahal mo si.. si.. Seji, Ponkan?" nakita ko kung paano lumaki ang mata ni Orange sa gulat ng biglaang pagsulpot ni Lumi sa likod nya. Hindi ko din napansin na lumapit pala sya. Masyado akong nag-focus sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko tinitignan si Lumi. Nakatingin ako kay Orange na sakin nakatingin. Pakiramdam ko dahil sa expression ng mukha nya na yun, humihingi sya ng tulong sa isasagot nya kay Lumi.

Hindi ko sya tutulungan. Bahala sya dyan. Ayokong pagsisihan ko sa bandang huli yung mga masasabi ko kung sakali.

Pero feeling ko aamin na sya. Mabilis syang nahuli ni Lumi e. Kailangan siguro wala na ko dito. Aalis na dapat ako ng biglang hawakan ni Orange ang braso ko, humarap kay Lumi at tsaka nagsalita...

"Oo, Lums. Mahal ko si Seji."

A/N:

Paktay! Gumulo! Akala ko si Lumi??? Haha. Aynako!

Yiiee~ kilig to the bones nyan si Seji.

Ano sa palagay nyo ang chapter? Lame? :)))

Comment&vote. Thanks.

-Yuja♥

140522

Best FriendsWhere stories live. Discover now