Chapter 19

112 1 0
                                    

-SEJI's POV-

"Hi Lumi." sabay kaway ni Orange sa screen ng laptop nya.

Kakahiwalay lang kahapon, skype agad?

Andito na kami sa korea ngayon. At nandito rin kami sa sala ng bahay nila. Pagdating namin kahapon, wala yung papa nya. Baka daw na-assign na naman sa probinsya dito. Kaya hindi ko pa nami-meet ang papa nya. Kaya eto ko ngayon, feel at home. At si Orange, ayun busy sa laptop nya at kausap ang pinakamamahal nya. Tss.

"O, wala kayong agenda ni Seji ngayon? San pala sya nakatira? Malapit lang dyan sa inyo?"

"Hindi ko ba nasabi sayo? Dito ko sa bahay pinatuloy si Seji. Para hindi na sya gumastos sa titirhan nya, panlibre na lang nya sakin yun. Haha." sabay tingin at ngiti sakin ng nakakaloko.

"Andyan sya?"

"Oo. Andito sa harap ko. Magsalita ka naman, Sej."

Psh. Hindi kami ganun ka-close para makipagkwentuhan sa kanya.

"Yow." sabi ko na lang. Sabi sa inyo e. Hindi kami close.

"Naririnig nya ko, Ponkan?"

"Oo. Nakaspeaker ako e."

"Hoy, Rivera! Alagaan mo 'to ah? Wag kayong magpapagabi kakagala. Delikado." sermon nya kahit hindi nya ko nakikita. Si Orange naman, ayun. Nakangiti, kinikilig yata. Psh. Cheesy. Tsk!

Ang ginawa naman ni Orange, hinarap sakin yung laptop, kaya ayun nakita ko nung kaibigan nya.

"Aba. Ang ganda ng pagkakaupo natin dyan p're ah?"

Hindi ko na lang sya pinansin. Ininom ko lang yung juice ko.

"Wala kang sasabihin, Seji?" tanong nya pa. Problema nya ba? Kung makapangdikta e. Alam ko gagawin ko, hindi na ko bata. Tsk!

"Seji."

"Tsk! Ang ingay. Lalabas muna ko, Orange. Ang ingay nyang tatay mo."

"Aba talagangㅡ Hoy Rivera!" nadinig ko pang sabi nya bago ko makalabas ng pinto. Ewan ko sa kanya. Bahala sya sa buhay nya. Nakakarindi sya, para syang babae.

Hmm~ ang sarap ng hangin. Ang lamig. Nakakawala ng pagod. Pa-winter na kasi kaya malamig na ang panahon.

Saan naman kaya pwedeng pumunta? Wala naman akong alam na lugar dito. Bakit kasi nag-walk-out pa ko, pwede naman sa kwarto. Haaay~

"Seji!!! Saglit!" si Orange.

"O. Akala ko magkausap kayo?"

"Hayaan mo sya, tatawagan ko na lang yun mamaya. Baka mawala ka dito e. Hindi mo naman alam pasikot-sikot dito."

"Nakakaasar lang kasi yang kaibigan mo. Kung makapagsalita parang hindi ko pa kayang makapagdesisyon."

Naiinis kasi talaga ko sa kanya. Ewan ko kung dahil talaga sa sinabi nya kanina, o dahil, gusto sya ni Orange. Tsk! Tama na nga.

"Haha. Tama na yan. May naisip ka ng puntahan?" tanongsabay ngiti nya sakin.

Ayan na naman yung ngiti nya na yun. Everytime she smile. She makes me fall for her deeply. Nakakaasar. Pinipilgilan ko na nga pero sya pahulog pa din ng pahulog. Asar.

Kagaya ng ginagawa ko dati. Umiwas ako ng tingin.

"Ahm.. May na-search ako. Isa lang e. Sa Namsan tower."

"Sa Namsan Tower? Maganda nga view dun. Marerelax ka. Magkakaroon ka ng peace of mind."

Yun lang ba pinunta ko dito? Magkaroon ng peace of mind. Tsk!

"Tara na." at sabay hila nya sakin. Nangiti na lang ako. Yung excitement nya e, parang first time pa lang nya dito.

Nang makarating na kami sa lugar, akala ko nandun na kami. Hindi pa pala, sasakay pa kami ng cable car.

Nagsearch nga ko pero hindi ko naman alam kung ano-ano ang mga activity dun. Wala din akong nakitang mga pictures. Basta pagkasearch ko sa google lumabas yung mga result at yung namsan lang ang natandaan ko.

At kaya pala maganda ang view. Sa mataas na lugar pala yun.

Habang nageenjoy ako sa view habang nasa cable car, napansin kong ang tahimik ni Orange.

"Uy, ok lang? Ang tahimik mo?"

"Ha? Wa-Wala. Ok lang ako."

"Namumutla ka ah? May masakit sayo?"

"Ah. Wala. Malamig lang kaya ko gan'to." at ngumiti sya sakin. Parang may hindi talaga tama.

"Uhm.. Sej, pwedeng pahawak sa braso? Umaalog kasi yung car, baka matumba ko."

I knew it. She's affraid on heights. Bakit hindi na lang nya sabihin.

"Sige. Kapit lang." at ngumiti ako sa kanya. Para marelax naman sya.

Kumapit sya sakin na halos maputol na yung braso ko sa higpit ng pagkakakapit nya. Haha.

Pagdating namin sa taas. Sobrang ganda ng lugar. As in. Ang view, panalo. Kung saan-saan nya pa ko dinala na hindi ko alam. Kumain kami ng ice cream kahit sobrang lamig. Iba trip ne'tong babaeng 'to e. Tapos nagsight seeing din kami.

"So, gusto mo puntahan natin yung mga love locks?"

"Love locks? Sa Paris yun diba?"

"Eum~ pero merun din dito. Baka may i-wiwish ka. O kaya pwede mo ding isulat yung pangalan mo tsaka ng gusto mong babae at i-lock dun."

Kinabahan ako bigla. Isusulat ko yung pangalan ng babaeng gusto ko? E sya nga yun e.

"Talaga? Sige. Puntahan natin."

Ang lapad ng ngiti nya o. Haha.

Pagdating namin dun. May mga nagbebenta nga ng mga padlock na may mga design.

"Bibili tayo?" tanong ko.

"Ayaw mo?" aayaw pa ba ko e may hawak na sya agad. Babayaran na lang. Hindi sya excited no?

"Wala kong sinabi. Akin na, ako na magbabayad."

"No. Treat ko 'to. Relax ka lang dyan." at binayaran na nya yung padlock.

Susulatan daw. At ano naman kayang isusulat ko? Tsk!

"Tapos na ko." bilis ah? Mukang plano na nyang pumunta dito una pa lang. Hindi na nagisip ng isusulat e.

"Bilis naman. Ako nga wala pa."

"Aish~ akala ko may nagugustuhan ka ng babae. Bakit hindi sya yung isulat mo?"

Isusulat ko ba? Tsk! Bakit ba hirap na hirap ako. Pangalan ko na lang isusulat ko nga.

"Wait lang. I-la-lock ko lang 'to. Pero sabay tayong magtatapon ng susi. Ha?"

Umalis na sya. At ako nagsulat na.

"Tapos ka na, Sej? Anong sinulat mo?"

Tinignan nya yung lock ko. Pati ako nagulat sa nakasulat.

SEJI RIVERA★ORANGE DEL RIO

A/N:

Anyare? kala ko pangalan mo ilalagay mo Seji? Bakit nasama pangalan ni Orange? Pangalan mo na din yun? Haha. Dumadamubs! haha.

Yahaa. Updated. :)

-Yuja♥

140710

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon