Chapter 32

96 2 0
                                    

-SEJI's POV-

"Sigurado ka Seji? Hard?"

Tinanguan ko si Soolly. Hindi sya makapaniwala. Kasi hindi naman talaga ko umiinom.

"Sejiㅡ"

"Please? Pagbigyan mo na ko. Kahit ngayon lang."

Tinanguan ako ni Soolly, at kinuha na yung order ko.

Pagkatapos nung nangyari sa rooftop, narinig kong tumakbong papasok ng building sila Orange, at ako naiwan sa taas. Wala akong pakialam kung mabasa ako o ang gamit ko ng ulan. Ngayon ko lang naappreciate ng todo yung ulan.

Umiyak lang ako ng tahimik at dinamdam ang lahat ng sakit na nararamdaman ko habang nagsasalita si Lumi kanina.

Kaya eto ko ngayon sa Butter, basang-basa ang damit habang nakaupo dito sa stool ng side bar.

"Eto na. Hindi tutugtog sila Dylan ngayon. Baka wala kang makasama." sabi ni Soolly habang inaabot sakin ang inorder ko.

"Okay lang. Ayoko rin namang makita nila ko na gan'to ang itchura ko."

"Seji. Pwede ka namang magkwento sakin, diba? Bakit hindi mo ikwento? Kanino ka ba aamin nung nagtanong ka sakin nun?"

Hindi ako kumibo. Naalala ko na naman yung time na humingi ako ng advice sa kanya. Hindi ko sinabi kung sino. At nagadvice sya sakin na..

Sundin mo kung anong sinasabi ng puso at isip mo. Kung nagkasundo sila sa iisang bagay, malay natin. Maganda ang kahantungan.

Sa kasamaang palad, hindi sila nagkasundo. At eto ang naging resulta.

Tinaas ko ang kanang kamay ko at tinapat kay Soolly.

"Soo, i want to be alone, please?" hindi na nagsalita si Soolly. Tumango na lang sya at nagentertain ng ibang costumer.

At ako, inom lang ng inom, baka sakaling mawala kahit konti yung sakit. Magamot ng konti yung sugat gamit 'tong alcohol na 'to.

"Hey! What's happening here? At kelan ka pa natutong uminom?" paglingon ko, si Chad at Byron. Peste. Bakit etong dalawang 'to pa? Ang dadaldal nito!

"Bakit ka basa? Nakalimutan mong maghubad ng damit nung naligo ka?" tumawa sila ng malakas na dalawa.

Tawa pa.

Humupa agad yung saya nila. Buti naman.

"Problem?" umiling lang ako.

"Anong meron at umiinom ka dyan?" this time tumabi na silang dalawa sakin. Sa magkabilang gilid ko, para bang nag-aantay ng sasabihin ko sa kanila.

Pero sad to say, wala akong ikukwento. Kahit pumuti ang mata nila dyan.

"You want to say something?"

"English ba kayo ng english? Masama bang uminom? Kayo din naman umiinom ng wala lang diba?"

"Yes. Pero iba ka. Nagsabi ka sakin dati diba? Hindi mo titikman yan kung walang dahilan. So, what's your reason now?"

F*ck! I really said that? Ang lalawak ng utak! Nakakaasar.

"Magkukwento ka o ako ang magkukwento kay Byron?" banta ni Chad. At ano namang i-kukwento nya? Alam kong wala akong pinagsabihan nito. Wala kahit sino.

"Huuuy~ ang daya! Ano yun? Kayo lang nakakaalam. Magkwento naman kayo."

Tinignan ko si Chad sa kaliwa ko at ngumisi sya.

"Kwento ko na?" baling sakin ni Chad.

"Badtrip naman kayo. Parang wala lang ako dito ah?"

Bwisit. Nablackmail pa ko.

"The clock is ticking, Seji."

Hindi ako nagsasalita. Bahala na sya.

"Ayaw nyang magsalita. Sabihin mo na!"

"Sabihin ko na ba?"

"Sasapakin ko na yang mukha mo, Pascual. Ibibitin kita." natawa na lang si Chad sa tabi ko. Pustahan. Mali yang sasabihin nya. Hindi ako nagpapahalata dati no. Kaya imposible yan.

"He's in love with Orange."

A/N:

Buking! haha.

Here you go. Another one. Enjoy.^^

-Yuja♥

140801

Best FriendsWhere stories live. Discover now