2

77 6 0
                                    

Ilang linggo na nakalipas, napapansin ko si Taehyung wala palagi sa mood. Hindi na siya ganon ka-attentive sa klase. Narinig ko isang araw sa phone ni Taehyung, pinapagalitan siya. Napapasok ako ng maaga ngayon sa school dahil maagang pumunta sa trabaho si mama.

Ayaw ko naman magcommute dahil wala ako sa mood. Pagpasok ko sa school, madilim pa. Pakiramdam ko may sumusunod sakin. Baka MULTO?!? H-hindi pwede. "AAAAHHH!!" sigaw ko. May biglang kumalabit sakin sa likod ko. Si Taehyung nandito na. Sinuntok ko yung balikat nya sa asar.

"Owwww" sabi ni Taehyung. "Ewan ko sayo. Akala ko may multo sa likod ko!" sabi ko. Bigla nya ako niyakap. "Aww. Wag ka nang magalit y/n" sabi ni Taehyung. Hinawakan ko yung pisngi ko, ang init! Bigla kong tinakpan mukha ko sa hiya na baka makita nya ako na mukhang kamatis.

Binitawan nya ako at mukhang nalilito sakin. "Grabe ka naman, iyak kaagad toh oh!" sinabi niya na patawa. Hinila nya kamay ko; ngayon exposed na akong kamatis sa kanya.

TAEHYUNG POV~~

Tinakpan ni y/n mukha nya. Bakit kaya? umiiyak ba? Hinila ko tapos nagulat ako. Ampula ni y/n! Nahahawa tuloy ako. Ang cute nyaa!! Nakakagigil, para syang baby. Napansin ko namumula na rin ako. Hindi ko na pinatagal, nagchange topic na ako.

END OF POV~~

"Bakit ang aga mo ngayon?" tanong ni Taehyung. "Ah kasi ayaw ko magcommute; eh maaga papasok si mama sa trabaho, sumabay na ako" sabi ko. "Eh ikaw? bakit ang aga mo?" tanong ko. "Secret na yun." sabi ni Taehyung.

Umikot-ikot kami sa school, 6:45 na. Malapit na magbell. Nagtatawanan kami ni Taehyung ng bigla kami ginulat ni Jimin. "Bakit di nyo ako sinasali dyan?" sabi ni Jimin. Naasar kami ni Taehyung. "Sorry na" patawa na sinabi ni Jimin.

*BELL*
Sabay kami ni Taehyung pumunta ng room. "Bakit nga ang aga mo kanina? may tinatago ka ba? uy ano yun ha??" bigla ko napatanong kay Taehyung.
"Wala yun" sabi ni Taehyung. After 2 hours, Yes! break na!

TAEHYUNG POV~~

Buong klase napapaisip ako sa nangyayari sakin. Ano ba nangyayari sakin? hays. Siguro papasok na ako ng maaga palagi para di ko maabutan away nila mama at papa tungkol sakin. Never mind... Kailangan ko ng kausapin si Jimin tungkol kay y/n.

Kapag nandito si y/n parang nabubuo araw ko palagi. Palagi ako nasa mood. Hindi ko na talaga mapigilan na titigan siya kahit malayuan kami sa room. Sana di nya napapansin yun. Nafafall na ata ako.

Palabas na kami ng room ni y/n. "y/n kausapin ko lang saglit si Jimin. Meet tayo sa canteen, dating pwesto. Wait lang ha!" sabi ko. Tumakbo ako papuntang room nila Jimin. Buti naabutan ko pa sya.

"Jimin! may sasabihin ako sayo. Doon tayo sa rooftop." sabi ko. Nagmamadali kami papunta sa rooftop kasi nagiintay pa si y/n. "Ano yun?" sabi ni Jimin. "Ah kasi... may aaminin ako sayo.. mahal ko na si y/n." sabi ko. Kinakabahan ako sa reaction nya.

"Wow." sabi ni Jimin

for whom is your heart? ; kthWhere stories live. Discover now