8

46 5 0
                                    

Nasa hallway na kami ni Taehyung, walang tao dito. Yes! "So kailan mo ako gustong sagutin?" tanong nya. Lumapit ako sa tenga nya, "Uhm... Secret" bulong ko sa kanya. "HUHUHUHU neomuhae! neomuhae!" sabi nya habang naga-aegyo. Cute nya! Pinakita nya yung box smile nya and nakakainlove omg. "Joke lang anuba!" sabi ko sa kanya. Sobra naman nyang excited na maging kami.

TAEHYUNG POV~~

Nakakainis si y/n kasi pinaasa nya ako na sasagutin na daw nya ako. Maasar nga sya ng kaunti minsan. Kaso kapag nagalit si y/n di ka nya papansinin talaga eh.

END OF POV~~

*Laterrrr*

"Enjoy your 1-week vacation! See you soon!" sabi ni Ma'am. Yay!! "So saan nyo gusto pumunta nila Jimin?" tanong ko kay Taehyung. "Saan ba maganda?" tanong nya. "Uhmm sa Jeju Island? or gusto nyo pumunta tayong ibang bansa?" sabi nya. "Hala! ibang bansa? Di ko pa kaya!" sabi ko sa kanya. "Then Jeju Island tayo, treat ko kasi birthday ko naman na next week!" sabi nya.

"Bukas! Magbobook na ako mamaya paguwi ko, sabihin mo na kay Jimin mamaya ah!" sabi ko. Narinig ko si Taehyung sumigaw ng 'oo' habang papatakbo ako palabas ng school para umuwi. Nakita ni Taehyung si Jimin na palabas ng school at agad nya itong tinawag.

"Jimin! wala ka namang plano bukas noh?" tanong ni Taehyung. "Bakit? Aalis tayo?" tanong ni Jimin. "Sa Jeju Island for 1-week vacay, tayo ni y/n.. treat ko kasi malapit na birthday ko, next week na!"sabi ni Taehyung.

*click* *click* *click*

Ano kaya magandang upuan? Tabi kami ni Taehyung? Ay si Jimin pa pala hehe. Kinuha kong upuan ay 23-D,E,F para tabi-tabi kami. Syempre kami ni Taehyung magkatabi. Kawawa naman si Jimin, patangkad muna sya hehe. (No offense mga Jimin stans :) )
Pero may itsura si Jimin, nagtataka nga ako kung bakit wala pa syang girlfriend sa school. Bukas na flight namin ng 10am at sana payagan si Taehyung ng mama nya kasi ako pinayagan na pati si Jimin.

TAEHYUNG POV~~

"Ma... please 1 week lang naman po ito ehh" sabi ko kay mama. "Sino-sino ba ha?! Kasama nanaman si y/n?!? Alam mo naman na-" sabi ni mama pero pinutol ko iyon ng hindi ko na matiis galit ko at napataas na ako ng boses. "Yun nanaman Ma?!??! Hindi pa ba kayo nakakamove on dun?!? Ilang taon na nakalipas! Bakit ba ayaw na ayaw nyo kay y/n?! Paano kung sinabi ko na mahal ko sya?!" sigaw ko.

"ANO?! ilalayo na talaga kita sa mamamatay tao na yan!" sabi ni mama. Hindi ko na kinaya galit ko at umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagimpake para bukas. Sana sagutin na ako ni y/n ngayong week. Ipro-prove ko sa kanya na worth-it ako para sa kanya. Kasi hindi ko kaya ng isang araw na wala sya.

END OF POV~~

*next day*

Maaga akong gumising para maghanda at pumunta ng airport. Pagdating ko sa airport, si Taehyung at Jimin nandun na, nakapila na sa loob. Sobrang tagal ko ba? Nagiisip kasi ako kung ano ireregalo ko kay Taehyung. Aha! may idea na ako. "Good morning!!" sabi namin sabay-sabay.
Habang nag checheck-in kami, si Taehyung tingin ng tingin sa akin habang ako yung nakikipagusap sa desk.

*laterzz*

Nakasakay na kami sa airplane, ako yung nasa window, si Taehyung sa gitna, at si Jimin yung sa tabi ng daanan. Third wheel talaga si Jimin haha. Dibale, tutulungan ko sya kapag nahanap na nya labs nya. Ideal girl nya kasi hindi gaano katangkad, koreana din at maikli yung buhok. Fluent din sa english na kaya syang turuan. Pero di nya naman matataya na kung kailan sya maiinlove diba? After 4 hours from Seoul, naka land na kami.

"So. May magsusundo ba sa atin dito?" tanong ko. "Oo, yung tita ko, papunta na daw sya" sabi ni Taehyung. After 30 mins, nandito na tita ni Taehyung. "Tae yan na ba??" tanong ko kay Taehyung. "Oo!" sabi ni Taehyung. Nagpark sa harap namin yung magandang kotse na gray. Ang ganda ng tita ni Taehyung ah. "Hi Tata!" sigaw ng tita ni Taehyung. Wow.. Tata pala tawag ng tita nya sa kanya... heheh cute. "Ay tita, ito pala si y/n at Jimin" sabi ni Taehyung.

"So ikaw pala si y/n..... hmm maganda ka pala...kaya pala nainlov-" pinutol ni Taehyung yung sinasabi ng tita nya. "Inlove? sino? Taehyung?" tanong ko. "Ah wala yun" sabi ni Taehyung. "Thank you po sa compliment Tita---" tanong ko. "Ay, Ako nga pala si Tita Yoona" sabi ni Tita. "Hello po Tita Yoona!" sabi ni Jimin. Buhay pa pala si Jimin, akala ko naiwan sa Seoul. HAHAHAH.

"So.. let's go?" tanong ni Tita. Tumango kami at pumasok sa loob ng kotse. "Saan nyo gusto kumain?" tanong ni Tita. "Doon na lang po kami kakain sa resort" sabi ni Taehyung. Habang nagdridrive si Tita, kinekwento nya mga cute moments ni Taehyung at si Jimin nakatulog na.

"Alam mo ba y/n, si Taehyung mahilig yan lumibot sa bahay ko na walang damit!" sabi ni Tita. "Huh?! Hala tita naman ehhh" sabi ni Taehyung. "Dont worry y/n, 3 years old palang sya nun" sabi ni Tita. Marami pang kwinento si Tita tungkol kay Taehyung. Nakarating na kami sa resort namin at nagpaalam na kami sa tita ni Taehyung. "Bye po Tita!" sabi namin ni Jimin. "Sige po, ingat po kayo" sabi ni Taehyung.

Pagkatapos namin mag check-in sa resort- "So sino magkaroom? kasi 2 bedrooms lang, yung isa single bed; yung pangalawa king size bed- pwede 2 tao" sabi ni Jimin. "Aha! ako nalang sa single bed; kayo ni Taehyung sa king size bed!" suggest ni Jimin. "HUH?" sabi ko. "Ok, agree ako" sabi ni Taehyung. OH NO! Ayaw ko hindi pa ako ready-- joke bata pa kami ahahahahha. "Sige na nga!" sabi ko. Umakyat na kami sa room at WOW ang ganda!

"Wow! Parang ayaw ko nang umalis dito sa kwarto" sabi ko. "Edi waaag" sabi ni Taehyung. Nasa likod ko pala sya. "Bilis magbibihis na ako! Dyan ka muna sa labas. ppalli! (quick!!)" sabi ko. Tinulak ko papalabas si Taehyung ng kwarto. Una kong outfit for the beach is two-piece na mustard color and pangpapatong ko yung mahabang flowy skirt na floral pink, then kapag magswiswimming na ako, sexy time na!

Mashoshookt kaya si Taehyung? Lumabas ako sa kwarto at si Jimin nakabihis na, suot nya yung black na swimming shorts. Grabe abs ni Jimin! Tignan ko lang kung walang tutulala sa kanya mamaya sa beach. Si Taehyung biglang lumabas galing sa bathroom. Wow. Ang hot nya sa suot nya. Suot nya yung orange na swimming shorts at- may abs din pala sya?! Di ako na-inform ah!

Nakita ko naman nakatulala si Taehyung sa akin. "So.. y/n??" sabi ni Taehyung. "Ay sorry hehe bagay sayo yan ah" sabi ko sa kanya. "Ikaw din.. bagay din sayo yan" sabi ni Taehyung. "Tara na!!" sabi naman ni Jimin. Bumaba na kami sa beach at si Jimin biglang tumakbo papalayo sa amin. Kaming dalawa nalang ni Taehyung. Moment ata nya ito? "So... kailan mo nga pala ako sasagutin?" tanong ni Taehyung. "Di ko pa alam eh" sabi ko. Pero gustong gusto ko na syang sagutin.. pinapahirapan ko lang hahaha. Magswiswimming na ako at hinubad ko na yung mahabang skirt ko at si Taehyung parang napatigil yung mundo nya. Ganun ba talaga ako ka-epekto kay Taehyung?

Finally! Sunset na! Saan na kaya pumunta si Jimin? Baka nasa pool na lang or bumalik na ata ng room. Ang ganda ng sunset! I can spend this lovely moment with my special one! Di ko mapigil ang pag- ngiti ko. "Ang ganda naman ng view ko" sabi ni Taehyung. Tinignan ko sya at nakatingin sya sa akin. "Yiee. ewan ko sayo" sabi ko sa kanya. Birthday na pala ni Taehyung ngayong week... why not sagutin ko na sya?

TAEHYUNG POV~~

"EHH kailan mo nga ako sasagutin? Ano forever na lang ba kita liliga-" naputol ako sa sinasabi ko kasi.. "Oo na" sabi ni y/n. Nagpanic ako. "HUH?!? Anong oo?!? payag ka na?!?" sigaw ko. Buti na lang kaming dalawa lang ni y/n dito. "Oo nga." sabi ni y/n. Napatalon ako sa saya. Niyakap ko si y/n at hinalikan ko sya sa labi.

for whom is your heart? ; kthWhere stories live. Discover now