6

47 6 0
                                    

"Kalimutan na natin iyon lahat.. please." sabi ko. Nakikiusap na ako kasi pagod na ako dahil sa mga sisi sakin na di ko naman talaga kasalanan. "Di ko naman mapipilit mama mo na magustuhan ako diba ?" tanong ko. "Kung ayaw nila maniwala sayo; di na rin ako maniniwala sa kanila" sabi ni Taehyung.

"Wag naman ganun, wag mo na idamay sarili mo dito.. wala ka namang kasalanan" pakiusap ko sakanya. Ayaw ko talaga ma sama si Taehyung dito dahil magulang nya yung lumalaban sa akin. Oo, kapatid ni Taehyung si Hom Nim kaya galit na galit sa akin yung mama nya.

Kahit ilang beses pa ako sugurin ng mama nya, isa lang naman sasabihin ko- wala akong kasalanan. "Lets just forget all of this and start all over again. okay?" tanong nya. "Okayy" sabi ko. "Ay y/n... tungkol pala sa kanina..."sabi ni Taehyung. omg oo nga pala hala nakakahiya. "Ay sorry pala dun sa nangy-" pinutol ako ni Taehyung nang nagulat ako sa sinabi nya.

"Usap tayo bukas ng uwian, dibale cleaners naman tayo.. sa classroom, tayong dalawa lang" sabi ni Taehyung. "Aahh ano y-yun??" sinabi ko nang bumibilis na tibok ng puso ko sa kaba. "u-uhmm. s-sige" sabi ko. "Sige bye!" sabi ni Taehyung at bigla nyang binaba. Ano kaya sasabihin nun? Baka yung tungkol sa inamin ko. O baka mamaya may girlfriend na sya. haha.

*next day*

Pagpasok ko ng school, lahat sila nakatingin sa akin. Wala namang problema sa itsura ko? Ay hindi pala sa akin nakatingin.. kay Irene na may new look- may bangs sya! oo cute sa kanya, pero nevermind. May paguusapan pala kami ni Taehyung mamaya, kinakabahan ako. Dumiretso na ako sa locker ko na nasa pagitan ng locker ni Taehyung at Jimin.

"y/n! good morning! kasmusta pala kahapon?" Nagulat ako nang biglang sinigawan ako ni Jimin at may tinanong. "Ano meron kahapon?" tanong ko. "Kalat na sa buong school ah! Di mo alam?" sabi ni Jimin. "Ang alin?" tanong ko ulit. May naiisip na ako kung ano yung sinasabi nya.

"Yung PAG AMIN MO KAY TAEHhh-" sinigaw talaga ni Jimin, pero tinakpan ko kaagad bibig nya. Aiiissh! nakakainis naman! " ANO?!? PAANO? KAILAN? SINO?ughhh" sabi ko. "Kay Irene nagsimula lahat.. eh alam mo naman, some queenkas are b1tches. Kala mo kung sino sila" sabi ni Jimin.
"Hala paano na yan?!??" tanong ko. Kakausapin pa naman ako ni Taehyung mamaya :((

*BELL*

2nd period na at hindi ako makalingon sa pwesto ni Taehyung. Baka kasi mamaya bigla akong tumingin sa kanya tapos nakatitig pala sya. Hindi ko rin napigil at lumingon din ako. Nakatitig nga sya saakin! Sumenyas siya na "mamayang uwian, usap tayo".

Feeling ko talaga di ako tatagal sa titig nya. 5th period na at maglulunch na. Plano ko na iiwasan ko muna si Taehyung sa ngayon. Pero..."y/n!" nag mamadali akong lumabas ng classroom namin and then tinawag ako ni Taehyung.

Ano gagawin ko? Tatakbo o Makikipagusap? "Ay y/n tungkol pala sa mga kuma--" pinutol ko sinasabi ni Taehyung. "Oo na. Kalat na kalat na sa buong school dahil sa letcheng Irene na iyan." sabi ko.
"Uhmm iwas iwas muna Taehyung.. hindi ko pa kasi kaya yung mga balita" sabi ko.

Naluluha na ako habang palayo pero ayaw ko rin naman iwasan siya, pero napipilitan ako dahil kay Irene. Pwede kasi ako i-bash at i-bully ng grupo nya.

Sila Wendy, Joy, Yeri at Seulgi ang mga kagrupo ni Irene, pero si Irene ang matindi. Matitino sila pero nadadamay sila ni Irene. Baka mas worse pa sa akin tingin ng magulang ni Taehyung kapag na bash ako.

Bumaba ako sa canteen at kumain magisa. Kaunti nalang yung mga nakatingin sa akin. Nang dumating si Jimin at Taehyung, inalis nila tingin nila sa akin. "y/n, sorry daw sabi ni Taehyung" sabi ni Jimin.

Tumingin ako kay Taehyung na nasa likod ni Jimin, nakayuko. Lumipat ako ng upuan, pero sinundan parin nila ako. Nagsi-lipatan kami ng upuan hanggang sa nag bell na. Umakyat kaagad ako sa room. 2 hours nalang, kaya mo to y/n!

"So class, magkakaroon tayo ng Performance Task sa Science at kayo ay magdidisect ng frog this Thursday. Mga partners ay si Wendy, Eun Woo. Eun Ha, Kai. Yuju, Chanyeol. Y/n, Taehyung...."sabi ni Ma'am.

ANO?! magkapartner kami ni Taehyung?!? Hindi pwede! "Your partners are permanent for this school year" sabi ni Ma'am. HALA. HINDI TALAGA PWEDE. "Any questions? Minus 5 kapag tumanggi kayo" sabi ni Ma'am. Can i die? HUHUHU.

So... 3 minutes nalang bago mag uwian. I am ready to run for my life. Pagbell na pagbell, tatayo kaagad ako at tatakbo paalis. Sa tingin ko, alam ni Taehyung plano ko kasi kanina pa nya ako inoobserbahan.

*BELL*
PATAY NA. TAKBO! Pagtayo ko palang, hinawakan na kaagad ni Taehyung kamay ko. Paano yun? Malayo upuan nya pero nandito na kaagad sya sa likod ko. Magic! "Stay." sabi nya.

Ano ako? Aso?! Baka masampal ko siya ngayon. "Upo." sabi nya. Tumanggi ako at nakatayo parin ako. "Kapag di ka umupo, di kita titigilan. Kukulitin kita." sabi nya. Ang cute nya kaya, pero sige.

Finally, I gave in. Umupo na ako at nag buntong hininga sya. "Ok. Yung sasabihin ko sayo ay: Sorry. Aaaaaandd....... aamin na ako sayo.." sabi nya. Ok so kinakabahan na ako- "Gusto din kita" sabi nya. HALAAA PULANGPULA NA AKO. PANO NA IYAN.

___________________________________
So.... Nag update ako mas maaga kasi may free time ako and last day na ng exam namin tom!! yaay so please dont forget to vote! ❤️❤️ xoxo

-xmbaron

for whom is your heart? ; kthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon