5

40 4 0
                                    

TAEHYUNG POV~~

"gusto kita" sabi ni y/n. May mga sinabi pa si y/n pero di ako nakikinig kasi nakatulala ako sakanya. Tumingin sa likod ko si y/n, di ko alam kung ano nakita nya. Nang biglaan nya nalang ako hinalikan sa labi. Doon palang ako nagising sa katotohanan. Pulang-pula si y/n. Di na ako makapigil, HINALIKAN KO DIN SYA. Pero this time, sincerely. Narinig ko may tumatakbo papalayo sa amin sa may likod ko.

Paglingon ko, si Irene pala iyon. Nakita nya lahat. Bleh wala akong pake sa kanya. Pagtingin ko naman sa harap ko, si y/n tumakas. "y/n!" sigaw ko.
"saglit lang!!" sigaw ko. Di na sya bumalik. Lagi nalang ako iniiwan, joke! biglang bumalik sa isip ko yung sinabi ni y/n. "gusto kita" gusto nya ako?!? Nagpapanic na ako. Di ko alam kung sino unang pupuntahan, si Jimin ba o si y/n. Di ko na mahanap si y/n sa school, umuwi na ako kasi anong oras na rin pala.

Pagdating ko sa bahay, nagaaway nanaman sila mama at papa. Sa sobrang lakas ng sigawan nila, di na nila namalayan na pumasok na pala ako sa bahay. Habang paakyat ako sa hadgan- "KIM TAEHYUNG BUMABA KA DITO!" sigaw ni mama. Wala naman akong choice kundi bumaba. "may nabalitaan ako galing kay Irene.." sabi ni papa. "May kayo ba ni y/n?" tanong ni mama. Hindi ako makaisip ng maayos sa kaba. "M-Ma... P-Pa.." sinabi ko habang nauutal.

"WAG MO AK-" sabi ni mama. Hindi na nya tinuloy dahil baka may mangyari pang masama. Si mama, nakakatakot sya kapag nagalit. "Alam mo namang ayaw ng mama mo kay y/n dahil nga-" sabi ni papa na may tonong nag aalala. "Ilang beses ko bang sinabi na hindi nga kasalanan ni y/n yung aksidente ni Kim Hom Nim!" sigaw ko dahil galit na galit na ako. "Kung ayaw nyo maniwala kay y/n, di na rin AKO MANINIWALA SA INYO" sabi ko. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.

Dinabog ko yung pinto sa lahat ng makakaya ko. Bakit ba ayaw nila maniwala kay y/n?!?!!

*flashback*

2nd grade, Nasa field trip kami. Nagstop-over lang kami sa may highway. "y/n! laro tayo!" sabi ni Kim Hom Nim. "sige! uhm anong laro?" sabi ni y/n. "Taya-tayaan!" sabay nilang sinabi. "sige ikaw taya!" sabi ni y/n. After ng laro nila, si Hom Nim biglang sumigaw. "TULONG!" sigaw ni Hom Nim. Yun pala nakakapit nalang si Hom Nim sa dulo ng daan, ibig sabihin mahuhulog sya sa bangin!! "HALA HOM NIM SAGLIT LANG! TULONG!!!" sigaw ni y/n.

May matandang papalapit, tinitigan lang ni y/n, kaso di nya makita kasi against the light. Di na naabutan ng matanda kasi nawalan na ng kakapitan si Hom Nim. Paglingon ni y/n, wala na siya. Lahat ng sisi ay na kay y/n.

*end of flashback*

Kinalimutan na namin nila y/n at Jimin ang mga nangyari. Nagbabagong buhay na kami noon pa. Wala naman talagang kasalanan si y/n. Alam ko lahat iyon dahil pinapanood ko sila maglaro. Wala lang akong laban sa magulang ko at hindi ko ma-defend si y/n dahil takot ako. Marami na akong gusto sabihin na katotohanan dahil ngayon may lakas na ako.

END OF POV~~

Ngayon at nakaamin na ako kay Taehyung hindi parin ako nakakahinga ng maluwag. Mas lalo na nahalikan ko na sya! Oh saan ka pa! Umuwi na lang ako kaysa hanapin pa ako ni Taehyung sa school. Pag uwi ko, natataranta ako umakyat sa kwarto ko pero di ko parin matago ngiti ko.

"Oh-oh!! saan ka galing?!" sigaw ni mama. HALA. "h-huh? sa school? ??" sabi ko. "Eh parang may nangyari sayong maganda ah!" sabi ni mama. "Ah wala po ma, wala lang kasing assignment na pinagawa" sabi ko. Um-oo lang si mama at umakyat na ako sa kwarto ko. Paglapag ko ng gamit ko sa kama, tumatawag si Taehyung. Aba! namiss ata ako neto ah.

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko pa kasi nahihiya pa rin ako. Sinagot ko parin,"Hello?" tanong ko. "Ah... Taehyung napatawag ka?" sabi ko. "Ah oo kasi.. natandaan ko nanaman kasi yung aksidente ni Hom Nim, yung kapatid ko" sabi ni Taehyung.

___________________________________
Shoutout kay haena08 sa pagtulong sa akin!! Thank you, 사랑해 ❤️  Next week, di po ako makakaupdate ng bagong chapter kasi exam week na. Dont worry, maguupdate ako kaagad after ng napakadugong linggo.

for whom is your heart? ; kthWhere stories live. Discover now