7

44 5 0
                                    

"Pwede bang manligaw?" tanong ni Taehyung. OMG YES. "H-huh?? uhm ano kasi..." sabi ko. Hula ko, pulang pula na mukha ko noh? GRABE SYA. "Paano na mama mo?" tanong ko. "Lets keep it in secret" sabi nya. Di pa nga ako nag yes, may plano na kaagad. "So.. pwede?" tanong nya. "Uhhmm....oo" sabi ko.

Napatalon si Taehyung na parang walang bukas. Di pa kami official pero bakit ang saya saya nya. "Si Irene? baka mahuli nya tayo tapos isumbong ako sa mama mo" sabi ko. "Hindi yan. I can handle this" sabi nya. Dami mong alam Kim Taehyung. "Tara na, hatid na kita" sabi nya.

Umuwi ako ng bahay na masayang masaya.

*next day*

*RIIINGGGG*
Nagising ako at hinanap ko phone ko... WHAT 4am palang?!?? Kanina pa ring ng ring kasi si Taehyung tumatawag. Teka, bakit sya tumatawag?! ang aga-aga palang ah
Sinagot ko at- "ANNYEONG JAGI!~" sigaw nya. Nakatapat yung speakers ng phone ko sa tenga ko. "ARAY!" sigaw ko. "Ay. Sorry jagi.. excited kasi ako makausap ka" sabi nya. "Ay hindi! OKAY LANG" sabi ko.

"Sorry jagiiii~~" malambing na tono ni Taehyung. "Rise and shine!" sabi nya. "HUH? 4 am palang ah! mamaya pa pasok natin ng 7!" sabi ko. "Ay sorry, di kasi ako makapaghintay na marinig ka hehehe" sabi nya. Ang cute ng giggle nya. "Sige na. Matutulog na ulit ako" sabi ko. "Eeeehh! wag! di ko kaya kung wala ka" sabi nya. Awtsu! May biglang nag notification sa akin; si Jimin nag text!

Mochi: Narinig ko na umamin din sayo si Taetae ah
Y/n~: Yes!! and nanliligaw na sya :)
Mochi: Talaga?! Yiee third wheel na ako ;(
Y/n~: Aww ok lang yan. Patangkad ka muna.
Mochi: YAAAHHH! Pag ako tumangkad!
Y/n~: 'Pag' lang!

Binitawan ko yung phone ko at napapikit. "Hello??" sabi ni Taehyung. Ay buhay pa pala sya. *snores* "Ay sige tulog ka muna. i love you" sabi nya. Napadilat ako at napangiti. "i love you too" Gustong ko sabihin sa kanya kaso inend na nya yung call.

Pagpasok ko sa school, sumalubong si Taehyung. "How's a while ago?" tanong nya. "Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya at sinampal ng mahina yung mukha nya. "Owww! Ang sakit!!" sabi nya na may pagka-OA. Naglakad na ako papunta sa classroom nang onti-onting lumalapit kamay ni Taehyung sa kamay ko, buti walang tao sa hallway.

Ngayon, nakaholding hands na kami. Biglang dumaan si Ma'am Cheol Beun, ang discipline office namin. Bigla kong binitawan kamay nya. "Good Morning Ma'am!" sabi ko. Tumango lang si Ma'am. Nasa tapat na kami ng room namin at nandun na silang lahat.

*BELL*

Pagpasok namin sa room, nakatingin sa amin silang lahat. Naiirita ako sa death glare ni Wendy sa akin.
*change topic*
It's Thursday! and magdidisect na kami!
Pumunta kami sa laboratory at sa bawat table, may frog nang nakahiga. "Ew wtf" sabi ni Wendy. Ang daming may mga nasusuka pero ito kami ni Taehyung, naglalandian hahahah. "So let start, first step is.." sabi ni Ma'am.

After 30 minutes, una kaming natapos ni Taehyung. May plus points kasi kapag nauna kayo natapos. Sa saya namin napayakap kami at di namin namalayan na ang lapit pala ng labi namin sa isa't isa. Napatitig si Taehyung sa akin at "Uhmm Tae~ Tae~ may mga tao. "bulong ko. Nasa laboratory pa pala kami, may mga kasama pa kami at may plano na si Taehyung ah! *smirk* Napabitaw si Taehyung sa waist ko at umupo ulit kami. Nakatitig parin sa akin si Taehyung na nasa likod ko pero ako nakaharap sa table, nakikita ko sya sa peripheral vision ko.

"Ok soo..... cr lang ako" sabi ko. Tumakbo ako papuntang cr na pulang pula. "Aishhh.... bakit ka ba pulang pula y/n? wala pang kayo, nanliligaw palang sya (may kayo na, nililigawan ka na nya eh) Malay mo may magustuhan syang iba... wag! think positive!" sabi ko sa sarili ko habang nakitingin sa salamin. Bumalik na ako sa upuan at di ako kinakausap ni Taehyung. Nakikita nya naman ako. Ano nangyari?

TAEHYUNG POV~~

Bumalik na si y/n galing sa cr. Hindi ko muna sya papansinin dahil napapaisip ako kung tatanongin ko na ba sya na maging girlfriend ko, kaso kakasimula ko palang manligaw. *BELL* Bumalik na kami sa room namin at napapansin ko si y/n tinitignan ako kanina pa.

Pupuntahan ko mamaya si Jimin at manghihingi ako ng tips. Tetext ko na sya kasi hindi ako makahintay :)

Tae: Jimin! Kita-kita tayo mamayang lunch
Mochi: Bakit? Kailangan mo ng tips noh?
Tae: oo. paano ba ligawan si y/n?
Mochi: sige. sa rooftop ulit para di tayo mapansin ni y/n
Tae: Hindi ko nga sya pinansin ngayon eh
Mochi: Hala. Baka magtampo yan ;(
Tae: Ako na bahala

Tinago ko yung phone ko sa bulsa at napangiti ako. Malapit na mag lunch at magready ka na y/n dahil papakiligin kita. (hahahahhha)

*BELL*
Pumunta na ako sa rooftop at susunod si Jimin. "Oy Tae!" sigaw ni Jimin. "Bilisan na natin kasi onti nalang oras natin sa break" sabi ko. "Sige. Step 1: Pakiligin mo sya tulad ng malapit yung mga mukha nyo. Step 2: Bilhan mo sya ng mga gusto nya tulad ng food, accessories,etc. And step 3: WAG NA WAG mo syang IIWAN" sabi ni Jimin. "Syempre bakit ko sya iiwan?" sabi ko. "Ewan." sabi ni Jimin. Wow. "Gagawin ko yan lahat ngayong araw" sabi ko.
*Click*
May narinig kaming nagsara ng pinto ng hagdan. Sino yun?!? Baka narinig nya. Ay hindi, hindi ko naman binanggit yung pangalan ni y/n eh. Safe! Yay! Mapapasagot ko na si y/n!

END OF POV~~

Nakita ko si Taehyung papunta sa rooftop. Sinundan ko sya then nandun din si Jimin. Nandito lang ako sa may hagdan, nakasilip lang ako sa pintuan at narinig ko lahat. "And step 3: wag na wag mo syang iiwan" sabi ni Jimin. "Syempre bakit ko sya iiwan" sabi ni Taehyung. "Ewan." sabi ni Jimin.

Sa lito at kilig napatakbo ako pababa at hindi ko namalayan na hindi ko pala nasara yung pinto ng mahina. Dumiretso ako papuntang canteen at kumain na lang ako. Nakita ko sila Jimin at Taehyung may hinahanap. Ako yata. Nang nakita nila ako, dumiretso sila sa upuan ko at umupo. "Hi y/n~ naui jagi~ (My darling~) " sabi ni Taehyung. Napangiti ako habang ngumunguya. Pero nagtatampo parin ako.

"May binili ako sayo..." sabi ni Taehyung. May pinakita sya sa akin na chocolate bar. CADBURY DAIRY MILK!! favorite ko!!! "Thank you!!!" sabi ko. "Bakit nga ba di mo ako pinapansin kanina?" tanong ko. "Secret na yun" sabi nya. Si Jimin pala umalis na. Kaming dalawa nalang ni Taehyung. Normal naman toh para sa amin na kaming dalawa lang pero bakit ganun kinilig na ako ng sobra. Sasagutin ko na talaga sya kapag tinanong na nya ako na maging-- You know... girlfriend hehe.

"Ahh y/n... may tatanong pala ako.." sabi nya. "Ano yun?" sabi ko. May ineexpect na ako... hehe. "Sasagutin mo na ba ako kapag tinanong na kita ngayon na maging girlfriend ko?" tanong nya. UHM ANO SASABIHIN KO?! "Depende. *smirk* " sabi ko. "Anong depende?" tanong ni Taehyung. "Depende kung kailan ko gusto :P" sabi ko na may pang-asar. "Huhuhu" sabi ni Taehyung. "Aw gusto mo now na?" sabi ko. "Talaga?" sabi ni Taehyung. "Uhmm layo muna tayo sa mga tao hehe" sabi ko.

___________________________________

Ano kaya gagawin nila *smirk* joke! Bakit kaya gusto ni y/n na lumayo muna sa mga tao? Sasagutin nya ba or idudump nya si Taehyung. 😆
Abangan lahat nyan sa next chapter ng 'for whom is your heart'

HAHAHAHA SOCO lang :)
Thank you pala sa mga readers na nagaabang sa story ko. Dont forget to vote po!! ❤️ i will do my best to make you kilig kilig to the bones.

ps. ang hot ni taehyung sa photo 😂❤️🤤

  -xmbaron

for whom is your heart? ; kthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora