Prologue

2.4K 55 6
                                    

Prologue: The Girl Who Have So Many Crush

---DEANNE'S-POV---

Ngayong araw ang isa sa pinakamasayang araw para sa ate Desiree ko. Natupad na rin ang pangarap niya na makasal sa pinakamamahal niyang si Jasper.

Bakit hindi ko nga ba siya kinu-kuya? Kasi crush ko siya. Hindi ko kinu-kuya ang mga crush at naging crush ko. Parehas kami ni ate na may crush sa kaniya. Kaso nga lang, nung nalaman kong may girlfriend na siya, tumigil na 'ko.

Samantalang si Ate ay pinaglaban pa rin ang 'pagmamahal' niya. I have seen all of the things she had done just to make him notice her. Kaya't laking tuwa ko nang mapansin na rin siya nito sa wakas.

Artista kasi si Jasper. Kaya mabilis na nahumaling ang ate sa kaniya. Araw-araw mo ba namang nakikita sa TV, sinong hindi magkakagusto dun? At napakagwapo rin naman kasi ni Jas.

"Uy, Ate! Bakit ganyan 'yung mukha mo?" tanong ko sa kaniya.

Para kasi siyang ewan. Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Nahihilo ang hair stylist niya sa sobrang gulo niya.

Seryoso? Ngayon pa siya tinamaan ng kabaliwan niya kung kailan ikakasal na siya. Sira talaga..

Frustrated itong tumingin sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Sa tingin mo darating siya?"

Ano ba namang klaseng tanong 'yan?

"Malamang, ate. Kasal niyo kaya ngayon."

"E pa'no kung bigla niya 'kong takbuhan? Ta's balikan niya si Charisse?"

Ano ba 'tong imagination ni ate? Napaka-high e.

Charisse is the former girlfriend of Jasper. Artista rin kagaya niya. Siya 'yung dahilan kung bakit inayawan ko na lang si Jasper.

Huminga ako nang malalim bago magsalita. Baka kasi masapak ko siya nang wala sa oras e. Napaka-oa ng bride na 'to.

"Naniniwala ka bang mahal ka niya?" tumango lang ito bilang tugon.

"Then stop thinking too much. You believe that he loves you, so also believe that he won't run away from you. Give a little trust on him, okay?" Oh, English 'yun! Pak pak genern!

Lumamlam ang mata nito at umayos na.

"Hay salamat," rinig kong bulong ng bakla na nag-aayos sa kaniya. Mukhang pati siya, nai-stress na rin sa ate ko.

•••—————•••

Nagsimula na ang pinaka-iintay ng lahat. Ang paglakad ni ate Desiree papuntang altar. Everyone is all smiles and I, as a proud sister, sobra ako kung makangiti. This is the best day for my sister.

You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips

I started the song. Oo, ako. Ako lang naman ang kakanta habang palakad na ito sa isle. Pak 'di ba?

You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy

Napatingin sa akin ang aking kapatid. She mouthed 'thank you' while I'm singing the chorus. I just winked at her as a respond. Alangan namang mag-'you're welcome' pa 'ko, e sa nakanta nga 'ko.

Nakarating na din ito sa isle, sa wakas. Napansin ko lang a? Ang haba ng linakaran niya. Sakto 'yung ending nung kanta sa pagtapak nito sa harap. Ang haba, 'da va?

"Bago magsimula ang seremonyas, may tumututol ba sa kasalang ito?" tanong ni Father.

Napatingin sa akin sila Dean, Derick at Derise. They eyed me like saying 'don't you dare, cousin'. Ouch a? Hindi naman ako tututol, ang o-oa nila. Duh! Hindi naman ako evil sister 'no! Ang harsh sa 'kin ng mga pinsan ko. Susumbong ko sila kay Tito Drake.

Too Much Crush✔Where stories live. Discover now