Kabanata 2

1.5K 40 16
                                    

Kabanata 2: The Plan

---DEANNE'S-POV---

Nagde-date kami ngayon ni Jacob. Nakangiti ito sa akin nang malawak at parang automatic na napapangiti na rin ako.

"Cake?" pag-ooffer nito sa akin habang hawak ang isang tinidor na may nakalagay na maliit na hiwa ng cake.

Tumango ako rito at ngumanga. Sinubo nito sa akin iyon. Parang sinilaban ang pwet ko nang gawin niya 'yun. Ang sarap talaga kiligin hano? Ang ganda sa pakiramdam.

Sumeryoso ang mukha nito at binaba ang hawak na tinidor.

"Deanne," he said seriously and held my hands. Napalunok ako sa ginawa niya. Eto na ba 'yun?

"Hmm?"

"I've been wanted to tell you this for a while. Deandra Amethyst Hernandez, I---"

"Gising na, Deandra!"

Pucha!

Napadilat ako at nanlilisik ang mga mata na tumingin kay Derise. Ayun na e! Mag-a 'I love you' na siya e. Bwisit!

"Why are you so damn early today!?" galit na sabi ko sa kaniya.

"E kasi, couz, 'di ba nga sabay-sabay daw tayong magbe-breakfast ngayon? Malamang gigisingin kita nang maaga," eksplenasyon niya pa.

Argh! Nakakainis! Sayang! Ayun na e. Malapit na, josko! Ngayon niya pa 'ko ginising.

"Oh sunod ka na a?" saad nito at akmang lalabas na.

Pero bago siya lumabas ay may iniwan muna siyang kataga na nakapagpainit ng ulo ko.

"Couz, next time mag-lock ka ng pinto. Kadiri kang tingnan sa umaga e. Para kang may hinahalikan sa ere. Kaderder," diring-diri niyang saad at mabilis na tumakbo paalis.

"Derise Althea Bertulfo!" buong lakas kong sigaw.

Pero dun sa sinabi niya, humahalik ako sa ere? Kadiri nga. Argh! Nakakahiya! Andami kong kahihiyan agad, e umaga palang naman. Bad trip!

Bumangon na ako at tamad na tamad pumasok sa comfort room. I badly need a shower. Para naman mabawas-bawasan 'yung init ng ulo ko at makalimutan ko rin kahit onti 'yung kahihiyan kong 'yun.

•••—————•••

"Are we some sort of having a court trial? Bakit ganyan 'yang mga mukha niyo?" alanganin kong sabi.

Kanina pa kasi tahimik ang lahat. Ang mga ingay lang ng kubyertos ang naririnig ko. At pansin ko lang a? Parang may gusto gyerahin 'yung mga parents ko. Bad trip din 'yung umaga nila gaya ko?

They sighed and looked at me. May nangyari ba? Bakit ganyan 'yung mga mukha nila? Wait... nagluluksa ba sila dahil malapit na ang kasal ni Song Joong Ki?

I giggled on that thought. Charot!

Imposible. Ako lang naman ang may gusto sa kaniya sa pamilya namin e. Maka-BTS kasi sila. Tsk. Mas type ko pa rin ang Infinite. Lalo na si myungsoo / L. I giggled and felt my stomach churning just by thinking of him. Super pogi nun.

Pero pogi rin naman 'yung nasa EXO, lalo na si Kai--

"Deandra," biglang sabi ni Mommy.

Anu ba 'yan! Nagku-kwento pa 'ko tungkol sa mga crush ko e. Pero sige na nga.

"Yes, Mom?"

"Your Ate and you are going to Cavite."

Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya? Paano na 'yung mga asawa ko? Si Myungsoo? Si Edward Cullen? Or worst, si Jacob Black? Natawa na lamang ako sa mga kalokohan ko.

Too Much Crush✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora