Kabanata 5

1.1K 30 5
                                    

Kabanata 5: Are You A Gay, Honey?

---RIEL'S-POV---

Put*ang*na! Bwisit na babae 'yun! Sinira niya 'yung skateboard ko. My poor baby J.

"Oy, dude."

"Bakit ba!?" galit kong sigaw. Nangangalabit pa kasi e. Alam nang bad trip ako ngayon.

He moved his hands on the air. "Chill, dude. Hindi naman ako ang nakasira ah!?" giit ni Jiro habang naka-pout. Ambakla ng puts!

"Shut up! At 'wag kang mag-pout! Mukhang bakla! Bakla ka ba?" galit pa rin ang tono.

Nag-f*ck you sign ito sa akin. "Not a chance, dude," asar niyang saad.

Tinawanan lang siya ni Arvin. Tinapik niya ang balikat ng g*go.

"Ayos lang 'yan, dude. May pinagdadaanan kasi itong tropa natin. Namatay si Joshua." Binulong niya ang huli niyang sinabi pero umabot pa rin sa tenga ko.

"Hindi mamamatay si Joshua kung hindi dahil dun sa nerd na 'yun! Papatayin ko talaga 'yun 'pag nakita ko," inis kong sabi at hinimas pa ang katawan ni Joshua.

Nagtawanan naman ang dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin kaya agad din silang tumigil.

Nagpunas pa sila na parang may lumabas na luha sa mata nila dahil sa kakatawa. Mga baliw.

"Dude, bumili ka na lang ng bago at seriously, dude? Pinangalanan mo talaga ng Joshua 'yang skateboard mo? Malala ka na, dude. Sobrang lala," natatawa pa ring sabi ni Arvin.

"Shut up the two of you!" singhal ko sa kanila.

Tumahimik naman sila pero may patago pa rin silang tawa. Bwisit! E sa sabi ni Mom, I should give names to those whom I treasure. P*cha! Hindi na talaga 'ko magpapangalan ng bagay sa susunod.

Na-realize ko na mukha akong timang. Pero ayos lang, pogi pa rin naman ako e.

Pero ipaghihiganti ko pa rin 'yung pagkasira ni Josh--- ibig kong sabihin ng skateboard ko.

Maghintay ka, Ms. Nerd. Makakaganti din ako sa 'yo.

---DEANNE'S-POV---

"So, kamusta naman ang exam?"

Napayuko ako nang kaunti. I tried to hide my smile. Mukha na kasi akong tanga sa sobrang ngiti ko e.

"Kasi, Ate," mababa kong usal.

Tinapik niya ang balikat ko at niyakap ako. "It's okay, sis. Doon ka na lang sa ibang university mag-aral. Ayos lang 'yun."

Napaangat naman ang ulo ko sa kaniyang sinabi. "Huh? Bakit ako pupunta sa ibang university? Nga pala, eto, Ate oh," sabi ko sa kaniya at iniabot ang isang papel kung saan nakasaad ang resulta ng test ko.

Binasa niya ang laman nito at nanlaki ang mga mata pagkatapos. "Is this true? Oh my gosh, Sis! Congrats!" masayang usal nito at niyakap pa akong muli.

Napangiti ako rito at niyakap siya pabalik. Tumatalon-talon pa kami na parang baliw pero ayos lang 'yun. Sino bang hindi matutuwa kung nakapasa ka sa entrance exam? Pa'no pa kaya kung naka-perfect? And yes, na-perfect ko. Ang galing ko manghula!

"Let's celebrate," aniya.

Napatango naman ako rito. Yes! Celebrate means going to the mall! Yehey!

At tama nga ang hinala ko.

We went to the mall and I am so happy. Diretsyo kami ng grocery store para mamili. Nung una, umalma pa si Ate pero napapayag ko rin siya. She expected me to buy new clothes but I didn't. Maiisip ko pa bang mag-shopping, e marami kaming kailangan sa bahay.

Too Much Crush✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon