Kabanata 8

877 28 4
                                    

Kabanata 8: First Application, First Work

---DEANNE'S-POV---

Naging tampulan ako ng asar sa buong linggo. Nakakapagod nga e. Buti ba kung asar lang 'yung ginagawa nila, e pati panti-trip ginagawa nila. They are acting childish and they kept on making traps for me.

One time, may muntik na sumapol sa akin ng pasta kagaya nung ginawa ko kay unggoy. Nakaiwas ako noong oras na 'yun pero hindi dahil magaling akong umilag, sadyang nalaglag lang talaga 'yung ballpen ko nung mga panahon na 'yun. Gulat na gulat nga ako nang makitang punong-puno ng pasta ang mukha nung sumunod sa akin.

At ang mas nakakatawa... si unggoy 'yung nasa likod ko. Balak niya yatang gumanti pero napuntang muli sa kaniya ang kamalasan. Napatawa nga ako noon e. Kahit 'yung mga kaibigan niya natawa.

Mas lalong uminit ang dugo niya sa akin. Kung hindi niya ako sisinghalan, iirapan niya ako na parang bakla, o kaya naman, sobrang cold niya na daig pa ang winter. Hindi ko na nga lang siya pinapansin. Hindi nga lang maiwasan na mapatingin sa gawi niya. Kasama kasi niya si Arvin my labs e.

Inaasar niya ako kung minsan. Iniisip niya na baka daw may crush ako sa kaniya dahil nahuhuli niya akong tumingin. Pero inii-snob ko lang siya at nilalampasan. Kaya ang ending... bwisit na bwisit siya sa akin.

Papasok na ako sa school nang may mapansin akong cafe. Dahil 20/20 vision ako, nakita ko ang signage nila na nagha-hire sila ngayon ng waitress. Mabilis akong bumaba at pumunta roon.

Kumatok muna ako nang mahina sa counter. Tumingin naman kaagad ang isa sa staff at ngumiti.

"What can I do for you, ma'am?" magalang niyang usal.

Ngumiti ako pabalik rito. "I saw the signage in the front. May I ask? Nakakuha na ba kayo? Balak ko sanang mag-aaply."

"Hindi pa, miss. Tara, sama ka sa 'kin. I'll take you to our manager."

Tumango naman ako rito at sumunod. Yes! Jackpot 'to! May work na 'ko. Yehey!!

I almost jump out of joy, but I realized that I'm not yet accepted for the job. Advance feelings lang.

"Ma'am, she's a new applicant," sabi ni Ms. Staff kay Ms. Manager.

Tumango lang ang babae at pinaalis ang staff. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya. Parang masungit e. Ang lamig pa ng aircon. Kinakabahan ako lalo.

"So you're still a student?"

"Yes po. I'm a grade 12 student," sagot ko rito.

"And you aren't gonna tell me more? Your course or track? You know... to give some exposure?"

Napalunok ako. Mapasubo yata ako sa english-an ah. Buti na lang may dala 'kong tissue sa bag. Girl scout yata 'to 'no!

"I don't think I should. I mean, whatever I may be taking up isn't important for this job. Because I believe that your attitude, behavior and your efficiency is the only needed. Aanhin ko naman po ang track ko para rito kung kaya ko naman pong magawa ito nang wala iyon. I mean, I treasure my studies. Kaya nga ako mag-aapply dito para may maipantustos ako. But somewhat for me, it's not necessary to tell," litanya ko. Did I say the right thing? Baka hindi e! Paktay ako for sure.

Napatingin ako sa mata niya. Still no change of reaction. But after some seconds, her lips formed a smile. Is that a good thing?

Napa-slow clap ito. Am I great, or is it a sarcastic? Hindi na 'ko makaisip nang matino dahil sa kaba.

"Very well said, Ms... What's your name?"

"Deanne po."

"Very well said, Deanne. You're hired," nakangiti nitong sabi.

Too Much Crush✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon