Kabanata 7

882 26 2
                                    

Kabanata 7: Another Humiliation

---DEANNE'S-POV---

Lunch time na. Sandra invited me to join her. Kaya here I am, sitting on the chair, waiting for her to come back. Nagpresinta kasi siya na siya na daw ang kukuha ng order namin.

Kumalabog ang mesa kaya't napatigil ako sa pag-iisip. I saw a handsome man with blond hair smiling at me, while the other one with brown hair is waving at me. At 'yung pinakakinaiinisan ko ay galit na galit kung makatingin.

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siguro ako patay. Tsk, tsk, tsk. RIP sa life ko 'pag gano'n. Buti na lang hindi.

Bumalik ang tingin ko sa dalawa niyang kasama. Ang ga-gwapo e. Ngumiti ako nang matamis sa kanila at saka bumalik ng tingin dun sa unggoy.

"Ang ingay mo," parang patay kong saad at binigyan siya ng bored look. Ang aga pa pero sinisira niya na 'yung lunch ko. Pag talaga 'di ako nakapagpigil, baka masapak ko na siya.

Nagtagis bagang ito ngunit hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik ang tingin ko sa counter kung saan malapit na sa pila si Sandra.

"You b*tch," rinig kong sabi niya at bigla akong nakaramdam ng lamig.

"Awe," everyone react.

"Bagay lang sa kaniya 'yan."

He poured me a drink. He poured it in my head... Tinapunan niya ako ng malamig na tubig. He... He f*cking did that!

Uminit ang dugo ko at saktong nakarating na si Sandra. Mabilis kong kinuha ang pasta, at bago pa siya makailag, tumama na sa mukha niya ang pasta.

A crack was heard. May nabasag na baso. Probably because they're shock from what I did. Kahit 'yung dalawa niyang kaibigan ay nawala na ang mga ngisi sa labi.

"You can't just humiliate people just because they did something wrong. Wait for karma to happen to them at malas mo lang dahil ako ang pinahiya mo sa araw na 'to," galit kong sabi at hinablot ang burger na nasa tray ni Sandra.

Nakanganga ito at kung hindi lang ako nasa ganitong sitwasyon ngayon. I might be probably laughing my ass out now. She (Sandra) looks epic but cute.

"Buy another one. Babayaran na lang kita bukas. Thank you, Sandra!" nagawa ko pang ngumiti sa harap niya.

Naramdaman ko ang pagsakit ng mata ko. Malapit na. Malapit ng tumulo ang luha ko.

Lumambot ang ekspresiyon ni Sandra. "Deanne," sabi nito.

Ngumiti lang ako nang mapait sa kaniya bago umalis. I need some fresh air. Baka hindi ko na kayanin. I need to burst out my frustrations.

Nakarating ako sa garden. Parang gubat ito na in-arrange. Ang ganda ng pagkakaayos. Nakaka-relax ang ambiance. Nawawala ang bigat sa dibdib ko.

Pumwesto ako sa may sapa. I saw my reflection. And in just an instant, the memories came in.

Mabilis na nagtubig ang mata ko. I cried so much. It's my first time to be humiliated like this. Ang sikip pala sa dibdib na kahit ang lamig ng ibinuhos niya sa akin, hindi pa rin makapagrelax ang nerves ko.

Gusto kong magwala, sigawan siya at suntukin pero hindi ko magawa, because I have never hurt a guy before, physically. Kaya kong magsi-sigaw nang buong lakas pero hindi ko pa kaya manakit. Should I buy a punching bag tomorrow? Baka sakaling magawa ko na next time.

A reflection of a guy show up in the water. Muntik na akong malaglag sa tubig dahil sa gulat. Akala ko lamang lupa or engkanto ang nakita ko. Kinabahan ako dun ah?

Too Much Crush✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon