Chapter 1

8K 170 3
                                    


Chapter 1

"I am so in love with him."

"It's obvious."

Ngiting-ngiti si Shelley kay Alexandra, isang kaibigan. Nagtatsaa siya, ito, at si Jaye, isa ring kaibigan nila, sa hardin ni Mrs. Filomino, isang residente ng Sweet Homes na napalapit na ang loob sa kanila. Siyempre pa, ang tinutukoy niya ay ang kanyang boyfriend na si Marcus. Pitong buwan na ang relasyon nila nito. Nagkakilala sila nito sa Sweet Homes na rin. Nauna lang ito sa kanya doon ng isang taon. Ordinaryo lang naman ang love story nila. They dated and now they were a couple.

Marcus was an engineer. He worked for the company his father cofounded with his mother in the early eighties. Isa na ngayon ang kompanya ng mga ito sa nangungunang firms sa bansa.

Naipakilala na niya ito sa mga magulang niya at naipakilala na rin siya nito sa mga magulang nito, sa yaya nito noong bata pa ito na si Nanang Doring, at sa anak nito. Marcus already had a kid although he had never been married. Ang sabi nito, tipikal na istorya daw iyon ng pagkakamali ng isang teenager. Pero isa daw iyong pagkakamaling hindi nito pinagsisisihan dahil mahal na mahal nito ang anak.

Hindi siya natutuwa sa anak nito. Siyempre, hindi niya masabi ritong maldita ang anak nitong fourteen years old. Marcus had her when he was eighteen. Rori ang pangalan ng anak nito.

Hindi man siya natutuwa sa inis na nadarama niya para sa teenager ay hindi naman siya plastic para ikaila iyon sa kanyang sarili. Sinubukan naman niyang maging mabait dito, lang ay sadyang galyita ito. Sabihan ba namang nalaos na siya kaya nag-quit siya sa modeling. Harap-harapan din nitong sinabing mas maganda ang ina nito kaysa sa kanya.

That little brat was her number one enemy. Hindi naman niya ito masyadong pinoproblema dahil nakatira ito sa ina nito. Minsan na niyang nakilala ang ina nito, si Olivia, hindi rin niya gusto ito. Hindi kasi ikinaila ng babae sa kanya na hindi siya nito gusto. Bilang babae ay nahuhulaan niyang sa tinagal-tagal ng panahong hindi ito pinakasalan ni Marcus ay umaasa pa rin ito.

Sorry na lang ito, siya na ang nobya ni Marcus. At mali si Rori, mas maganda siya kaysa sa ina nito.

She used to be a model. Mula pagkabata, iyon ang ibig niyang gawin sa buhay niya. Isinilang yata siyang kikay. She was five when she learned how to put on lipstick. Ang kanyang ina naman kasi ay ini-encourage siya sa gusto niyang gawin noon pa man. Ang kanyang ama naman ay ganoon din.

Lumaki siyang prinsesa, pero hindi naman nangangahulugan na tulad siya ng tipikal na spoiled brat. Her parents taught her the value of money. Iyon ang dahilan kung bakit nang magsimula siyang magnegosyo ay mas nag-enjoy siya kaysa sa pagmomodelo.

She decided to quit modeling and focus on her business. Ang kanyang negosyo ay spa. May sampung branches na siya sa Maynila, isa sa Cebu, at isa sa Davao. Hindi iyon tulad ng mga nagsulputang spa sa ngayon na basta may nagmamasahe ay spa na kung tawagin. Kumpleto siya sa facilities---mula whirlpool, hanggang wet and dry sauna, propesyunal din ang lahat ng empleyado niya.

Sa ngayon, malapit nang magbukas ang pinakamalaking branch niya ng So Pretty Health and Beauty Spa. It was her last business name choice. Mahirap maaprubahan ng DTI ang pangalan. But it was a good thing, people seemed to find the name friendly and sweet. Laman ng spa niya ang mga sikat na artista. Parating nababanggit ang So Pretty sa mga TV shows, pinapasalamatan ng mga artista.

Mas gusto niya ang sistema ng buhay niya ngayon. May pinagkakatiwalaan siyang manager ng negosyo niya, ang pinsan niya, at nakakapag-enjoy siyang maigi sa oras niya. Siyempre, malaking bahagi ng oras niya ay inilalaan niya sa lalaking kung yayayain na siyang magpakasal ay agad siyang ooo.

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now