Chapter 7

5.1K 152 3
                                    


Chapter 7

"What's this?"

"What do you think?"

Pinagtaasan lang ng kilay ni Shelley si Marcus. Ipinatong niya ang bungkos ng bulaklak sa mesa. Nitong nakaraang ilang araw ay hindi niya ito iniimik. Siguro ay napakatahimik ng kabahayan kundi lang kay Nanang Doring na may opinyon sa lahat ng bagay sa mundo.

Ang totoo, nahihiyang na siya sa matanda. Masarap itong mag-alaga sa kanya. At aminado siyang natutuwa siya sa mga kuwento nito tungkol kay Marcus noong bata pa ito. The old lady and she could talk for hours.

"Ilagay mo sa tubig 'yan," utos nito sa kanya.

Tumalima na lang siya. Mahirap mangatwiran pa rito, isa iyong bagay na tinaggap na niya. Sa tuwing maysasabihin kasi siya na sa opinyon nito ay hindi tama, igigiit at igigiit nito ang sariling opinyon. At parati namang lumalabas na tama ito.

Matapos mailagay sa vase ang bulaklak ay iniwan na niya iyon sa kusina. Naroon si Marcus at nagme-merienda. She did not want to see him around the house. Paano naman kasi, unti-unti na naman nitong nabubura ang galit, inis, at frustration niya. Sometimes she would just look at him and she would feel a glow in her heart despite their situation.

Parati nitong sinasabi sa kanya na huwag daw sana siyang parating inis dahil hindi raw iyon makakabuti sa dinadala niya. She knew he was going to be a good father to their kid. At nakita na rin naman niya na isa itong mabuting ama kay Rori. It was her biggest consolation.

Ang mga magulang niya at magulang nito ay parati nilang bisita doon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi na niya iginiit pa ang gusto niya. Isa pa, parang kahit igiit naman niya ay wala rin siyang magagwa. It seemed that Marcus wanted to be with her through out her pregnancy. And for that, she must admit she was thankful.

Kung siya lang kasi mag-isa sa bahay ay tiyak na parati rin siyang malulungkot at wala nang pinakamahusay na kasambahay siyang maisip kaysa kay Nanag Doring.

Minsan ay parang masarap isipin na lahat ng ginagawa ni Marcus na pag-aasikaso sa kanya ay dahil sa mahal siya nito, at maaari namang totoo iyon, pero hindi siya nag-iisa. He also loved Olivia. She heard him tell her that over the phone. At hindi lang miminsang sinundo ito ng babae doon upang mag-golf ang dalawa, o mag-mall. Alam niya dahil sinasabi naman ni Marcus sa kanya.

Hindi pa man nag-iinit ang puwit niya sa sofa ay may kumatok na. Hindi na siya nag-abalang tumayo pa. Hula niya ay si Olivia iyon at sinusundo na naman si Marcus. Si Nanang Doring na ang nagbukas ng pinto. It was not Olivia, it was Ira, the man she used to go out with.

"Ira! How are you doing?"

Mukhang nabigla ito nang makita siya. Napangiwi siya. Kahit takpan niya ang tiyan niya, lilitaw at lilitaw ang laki niyon.

"You're, uh, pregnant."

"Yes. And I am the father. What are you doing here?"

Napalingon siya sa bungad ng komedor. Nakakunot ang noo ni Marcus doon. Inignora niya ito at pinatuloy si Ira. Hindi pa man niya ito naaalok ng maiinom ay agad na itong nagpaalam.

"May project lang ako diyan sa malapit kaya naisipan kong daanan ka. Wow, you didn't mention you're pregnant. Anyway, congratulations. See you. Congratulations, pare," baling nito kay Marcus at umalis na nga.

"Why did you have to be so rude? Umalis tuloy siya agad," irap niya kay Marcus.

Tumawa ito. "He didn't leave because of me. He left because he saw you're pregnant. Why didn't you tell him anyway?"

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now