Chapter 8

5.3K 170 4
                                    


Chapter 8

Lalaki ang baby ni Shelley. Nagpa-ultrasound na sila ni Marcus. Makagaling sa ospital ay tila sabik na sabik itong nagyaya sa mall upang ibili na raw ng gamit ang bata. Pumayag naman siya. Sabik din siyang ibili ng gamit ang sanggol. Pagdating sa bagay na iyon ay magkasundong-magkasundo sila.

Mula crib hanggang baby clothes ay bumili sila. Nang mapagod ay kumain sila sa isang restaurant.

"I want the baby to look exactly like you." Kusa na lang iyong lumabas sa kanyang bibig at bigla ay nag-init ang kanyang mukha.

Ngumisi naman ito. "Why can't you just tell me you think I look gorgeous?"

Inirsapan niya ito bagaman natatawa. Panay ang subo niya ng pasta. Ang sabi sa kanya ng doktor niya kanina ay malaki ang kanyang itinaba. Naisip naman niyang buong buhay niya ay gusto niyang tumaba-taba ng kaunti at sasamantalahin na niya iyon. Madali naman sa kanyang mag-diet kapag nakapanganak na siya.

"I want you to keep some of your love handles after giving birth."

Masyadong mapagmando, pero natuwa naman siya. "I didn't know you like chubby women."

"Well, it's nice to touch a little something extra, too."

"Like I would let you touch me." Ngumisi ito pero hindi naman umimik. Hindi siya nakatiis. Pinitik niya ito sa ilong. "What?"

"Nothing?"

"What is it?"

"It's just that last night, and the night before, someone's been having really, really hot dreams."

Agad nag-init ang kanyang mukha. Ilang gabi na nga siyang nagigising na pawisan sa maiinit na tagpo sa panaginip niya. "Ow?"

"Uh-huh. And that someone always calls my name."

"I do not!"

Ang lakas ng tawa nito. "Sinabi ko bang ikaw? But yes, you do."

"Liar."

"Gusto na nga kitang tabihan, eh."

Inirapan niya ito, lalo nang nag-init ang mukha, sabay wala sa loob na sinabing, "Eh, bakit hindi mo ginawa?"

"'Di bale, mamaya gagawin ko na."

Tatarayan sana niya ito pero hindi na niya makuha pang mainis. Bigla na lang siyang natawa. At nakakatawa namang talaga ang sitwasyon. Para silang naglalaro na hindi niya malaman. She found it hilarious, all of a sudden. May ilang customer sa restaurant ang napatingin sa kanila sa maingay nilang tawanan.

Nang makuha ang bill ay umuwi na rin sila. Silang dalawa pa ang nag-ayos ng isang extra na silid doon na noon pa niya binanggit dito na siyang magiging nursery. She never had that much fun in a while.

Kanina ay bumili siya ng rubber letters ng pangalang "Antonio." Iyon ang napagkasunduan nilang ipangalan sa bata. Ang totoo, pangalan iyon ng kanyang ama at hindi naman ito tumutol sa iyon ang ipangalan sa baby nila. Habang ikinakabit sa dingding iyon ay saka niya napuna na kulang pala sila ng letrang N.

"Didn't you check?"

"Ikaw naman ang pumipili ng kulay kanina, 'di ba?"

"Tsk! Paano 'yan? Antoio lang? Parang 'may toyo.' Ayoko."

Tawa ito nang tawa. "Eh, di bibili bukas."

"Maganda na ngayon, eh. Inaayos na natin. Tara, samahan mo ako kay Alexandra. Baka meron siyang letter N na extra."

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now