Chapter 6

5.1K 162 1
                                    

Chapter 6

"Tickle, tickle."

"Ano ba?!" singhal ni Shelley kay Marcus. Kagabi pa niya ito hindi pinagpapapansin. Ni hindi niya ito sinabayan sa pagkain. Last night she couldn't look at his face.

Wala naman itong sinabi sa kanya matapos nitong mauwi sa konklusyon na nagwawala lang ang hormones niya. Sinabi nito iyon sa kanya kagabi. Kinabukasan daw ay malamang na mas mabuti na ang pakiramdam niya. He left her alone. Kahit sa pagtulog ay hindi nito inalis ang bolster pillow na isiniksik niya sa pagitan nila.

Pero ngayon ay ginising siya nito sa pagkiliti sa talampakan niya. Hindi pa rin siya natutuwa rito.

"Baby, stop playing with your mom's hormones," ngiting-ngiting sabi nitong hinaplos ang kanyang tiyan.

Tinampal niya ang kamay nito. "Shut up. I don't want to see your face. Why don't you just leave this house?!"

Natigilan ito. Maging siya ay hindi agad nakaimik.

"What's wrong, Shelley?"

"M-maybe this is not a good idea, after all."

"What is?"

"Us living together."

Matagal bago ito nakapagsalita. "What happened, Shelley? Why the sudden change of heart?"

"Think about it. Me and Rori will never get along. Before I got pregnant we were not okay. This baby would not change all that." Mas mabuti pang iyon na lang ang sabihin niya rito. Ni ayaw na niyang maisip kung paano tatakbo ang usapan nla kapag sinabi niya rito ang pinag-usapan nila ni Olivia. Mamumukha lang siyang kawawa.

Ginawa naman kasi siya nitong kawawa. Sa mga mata tuloy ngayon ni Olivia ay ganoon siya. Oh, she hated him so much.

Hindi na ito nagsalita pa. Nagtungo na ito sa banyo at nang lumabas ay nakaligo na. Tahimik pa rin itong nagbihis. Nakamasid lang siya rito, walang ideya kung hahakutin na nito ang damit o ano.

"I will be back later. Ano'ng gusto mong pasalubong?"

"Marcus---"

"I have decided to forget about what you said. We're going to have a baby and I know you need my emotional support. Let's leave at that for now."

Nakaawang lang ang mga labi niya hanggang sa makaalis na ito doon. She was so mad she could not move. Kailangan niya ng emotional support? Sira pala talaga ang ulo nito! Ano siya, bata?

Wala itong karapatang manduhan ang buhay niya. Sino ito para magsabing pabayaan na lang muna sila sa ganoon ang lahat sa ngayon? She was going to show him! If she wanted him out of her house, she was going to throw him out! There was nothing he could do to stop her!

Inempake na niya ang mga damit nito. Unang bagahe pa lang nito ang nailalabas niya sa lawn ay may dumating nang isang sasakyan. Mula doon ay umibis si Nanang Doring, ang yaya ni Marcus noon na hanggang ngayon ay naninilbihan sa mga ito.

"Shelley."

"Nanang Doring. Ano po'ng ginagawa n'yo rito?" Hindi pa man niya tapos ang katanungan ay sinenyasan na nito ang driver na umalis.

"Ikaw ang ano'ng ginagawa diyan, anak? Bag tila iyan ni Marcus?" Agad itong lumapit, maliksi ang bawat hakbang.

Malaking babae ito, puti na ang lahat ng buhok, pero ang mukha ay kaunting-kaunti pa lang ang linya. Binitbit nito ang bagahe papasok ng bahay.

"Nanang, hindi na po dito uuwi si Marcus mamaya."

"At bakit?" Pinakatitigan siya nito.

Kumbakit naman para siyang napahiya rito. "B-bahay ko po ito."

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now