Chapter 2

4.6K 160 8
                                    


Chapter 2

"Where the heck are you?"

Mangiyak-ngiyak na sa pinaghalong kaba, inis, at tuwa si Shelley nang sa wakas ay sagutin ni Rori ang tawag niya. Kaninang-kanina pa niya ito tinatawagan at ngayon lamang, kung kailan pasado alas-onse na ng gabi, saka ito sumagot. Hindi na siya mapakali mula pa kaninang umalis si Marcus. Umuwi lang ito saglit sa Sweet Homes upang kumuha ng gamit, saka bumalik na muli sa paghahanap sa anak.

"I'm with a friend. Anthony."

"Yes, but where? Please naman, Rori, umuwi ka na. Nag-aalala na ang lahat sa 'yo rito."

"Gusto ko na nga ring umuwi, Tita, kaso nagkaroon kami ng kaunting problema rito. Maaayos din naman namin siguro this week."

"Anong klaseng problema? Kasama mo ba talaga ang boyfriend mo?"

"He's not my boyfriend, Tita, he's just a friend. Nandito kami sa province ng kaibigan niya. Pauwi na sana kami kanina kaso nawala ang money namin. Naholdap kami. Buti nga naitago ko itong cellphone ko. Pera lang ang nakuha sa amin."

"My God, Rori! Tell me where you are, I'm gonna pick you up."

"No. Babalik naman kami basta't maibenta lang namin itong ibang gamit ni Anthony."

"Please come home tomorrow, Rori. If you need money, I'm gonna send you some. Just please come back home. Please?"

"Okay. Send me some money now, okay, Tita?"

"Okay. Promise me you will come back. And please do text your father. Or call him, please, Rori. He's worried sick."

"I promise."

Nakahinga na siya nang maluwag. Kahit gabi na ay nag-online siya. Thank God for online banking. Nakapag-transfer siya ng pera sa bank account nito. Panay ang panalangin niya matapos iyon. Hindi pa rin siya mapakali. Hanggang sa tumawag sa kanya si Marcus. Bakas ang relief sa tinig nito.

"Rori is coming home tomorrow."

"Everything's going to be okay, I already told you."

"I believed you, you know."

"You did not."

"I did, too."

"Are you okay now?"

"Sort of. I'll be staying here until she comes back. I would have to talk to her. How are you doing there?"

"I'm relieved, too." Hindi mo lang alam kung gaano. Sasabihin naman niya rito ang lahat, pero hindi pa niya alam kung kailan. Hindi naman siguro magagalit sa kanya si Marcus kung sakali man, basta't masiguro niyang maayos na si Rori. At iyon na ang huling pagkakataong bibigyan niya ng pera ang dalaga.

"You rest now. I will call you tomorrow, okay, honey?"

"Okay. You get some rest, too. I love you."

"I love you, too, honey."

Kahit paano ay para nang nabunot ang isa niyang tinik. Matagal pa rin bago siya nakatulog. Nang magising siya ay agad hinagip ng kamay niya ang kanyang cellphone. Walang message doon mula kay Marcus o kay Rori. Nagpasya siyang tawagan ang teenager. Unattended ang cellphone nito.

Nang tawagan niya si Marcus ay ganoon na lang ang pagkabigla niya sa ibinalita nito.

"Rori is in the hospital. She met an accident last night."

SHELLEY could not sit still. Nasa ospital siya. Kanina pa nagtatalo ang loob niya kung sasabihin na ba kay Marcus ang lahat pero hindi siya makatiyempo dahil puno ito ng tensiyon.

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISEWhere stories live. Discover now