Chapter 9

6.5K 191 12
                                    

Chapter 9

"Please, Olivia. Sit down."

Napabuga ng hangin si Marcus, sabay alis sa kamay ng babae sa kanyang balikat. Parang gusto na niyang mapikon dito. Kanina pa niya sinabi ritong hindi niya kailangan ng masahe.

Wala sa loob na inisa-isa niya ang mga blueprint na nakalatag sa mesa niya. Wala naman doon ang kanyang atensiyon.

"You were saying something?" Noon lang niya naalalang may sinasabi nga pala sa kanya ang babae. Magulo ang isip niya. Walang laman iyon kundi si Shelley.

"I said I would drop Rori here later. Naglalambing ang anak mo. Gusto raw magpa-treat sa 'yo. Nakuha siyang cheerleader, remember?"

"Of course. Susunduin ko siya ulit mamaya sa school."

"Great. Hindi na kita aabalahin, mukhang busy ka. I-text mo na lang ako mamaya, susunod ako sa inyong mag-ama."

Tumango na lang siya at lumabas na ito doon. Pinabayaan na niya ang sariling isipin si Shelley.

It had been a week since he last saw her. It was the night when he stepped out of her house and decided to once and for all forget about the two of them. They had come full circle. Ganoon na ganoon din naman ang nangyari noon. Ang kaibahan lang ngayon ay nakita niya mismo kung paano nito pagsalitaan si Rori.

Iniwan niya roon si Nanang Doring at sa tuwinang kukumustahin niya ang lagay ni Shelley ay ito ang kanyang tinatawagan. Ayon sa matanda ay maayos naman daw ang babae, lang ay tila malungkot parati.

Tinanong din siya ng matanda kung bakit daw ba hindi na siya nagtutungo roon. Ang sabi lang niya ay abala siya.

Ang totoo, balak naman niyang bumisita doon pero hindi pa marahil ngayon. Malinaw pa kasi sa isip niya ang nasaksihan niya. At kasabay ng pagkadismaya ay labis na kalungkutan sa nangyari.

Dapat na siguro niyang tanggapin na sadyang wala nang pag-asa. Ang hirap dahil nadarama niyang may pagtingin ito sa kanya, mahal din niya ito, ang kaso ay ang hirap makisama dito ganoong alam niya kugn ano ang tingin nito sa anak niya. Iba ang anak, iba ang babaeng minamahal.

Sa loob ng nakaraang linggo ay araw-araw niyang sinusundo si Rori sa eskuwelahan. He needed to remind himself that she was the reason why he had to stay away from Shelley. Para kasing minsan ay nalilimutan na niya, sa tuwing nais niyang puntahan ang babae sa gitna ng gabi, o tawagan ito.

Hindi rin naman magiging patas kay Shelley kung pipilitin niya itong pakisamahan ang anak niya, kung hindi naman nito magawa. He guessed some people could never like each other. Nakakapanghina lang ngang malaman na sa lahat naman ng tao sa mundo, sina Shelley at Rori pa iyon.

Nang humapon ay umalis na rin siya sa opisina at sinundo ang anak. Naaawa pa rin siya rito minsan kapag naaalala niya ang sinabi rito ni Shelley. Ang paliwanag nito ay naabutan ito ng babae sa nursery na inaayos ang pangalan ng magiging anak nila ni Shelley. Gusto lang daw nitong mas itaas iyon dahil parang mababa. Naabutan ito ni Shelley at hayun na, pinagsalitaan na ito.

Sorry ito nang sorry sa kanya, inaako ang kasalanan. Lalo na siyang naawa rito.

Agad itong humalik sa pisngi niya. "Hi, Dad!"

"Hello, sweetheart. We're gonna have dinner. But first, let me buy you the stuff you need for cheerleading."

"Awesome."

Masaya na rin siya kahit paano na hindi na ito gaya ng dati na ang mga barkada ay mga masasamang impluwensiya. Ang sabi ni Olivia, may ilang buwan na rin daw na hindi tumatawag sa bahay ng mga ito si Anthony, ang nobyo nito noon at kasama noong maaksidente ito.

DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN DOUBT, DELIGHTFUL SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon