Chapter 4

549K 7.8K 411
                                    

 

FB group on the external link.

 

Vote. Comment. Fan. Thanks! :D

 

 

----------

 

 

“You sleep on the bed. I’ll sleep on the couch.” ‘yan ‘yung sinabi sa akin ni Mikael bago siya pumasok sa banyo para maligo. Almost 1 am na at ngayon lang naming napagdesisyunan magpahinga. Bukas start na ng photoshoot nila. Yes. Nila. Hindi ako kasama. Hindi ako pinayagan ni Mikael na sumali dahil sa paa ko. Sinabi ko namang kaya ko pero ayaw niya pa din pumayag. So wala akong gagawin! Pahamak na paa ‘to. 1 week naman kami dito so baka makasali din ako after 2 days.

Nakaupo lang ako sa kama habang hinihintay siyang lumabas ng banyo. Halos pigil ang hininga ko habang naghihintay na pumihit ang seradura ng pinto nito. Iba pa din pala ang feeling kapag magkasama kayo sa kwarto ng taong mahalaga sa’yo… ng taong gusto mo.

Kulang nalang ay malaglag ako sa kama ng makita kong bumukas ang pinto at lumabas si Mikael. He’s wearing a pj’s and a white shirt. Pinupunasan niya din ang buhok niya gamit ang tuwalyang hawak niya. Swear! He looks so hot doing that! Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Nakikita ko naman ang mga kuya kong ginagawa ‘yan… Yes, they look really hot! Hello, mukhang Greek God ang mga Kuya ko pero si Mikael… mas gwapo siya! He’s beyond being a Greek God.

“Mika… pumasok ka na.” kung hindi pa siya nagsalita, tuluyan na akong nadala ng emosyon. I blinked a couple of time bago ako atubiling tumayo ako at kumuha ng gamit mula sa mga bagahe ko at naglakad papuntang cr. I saw him fires up his laptop. Nakaupo siya sa may couch while the laptop is in the center table.

“Mikael…” huminto ako sa may pinto ng banyo at nilingon siya. “You don’t need to sleep on the couch. Malaki ang kama. We can sleep together…” nakita kong natigilan siya sa sinabi ko, napakunot ang noo niya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, pumasok na ako sa loob at isinarado ang pinto.

Sa tagal kong nasa labas kanina, nagdikitan na sa akin ang sangkaterbang dumi at kailangan, maganda ako dahil nandyan lang si Mikael. I know I’m not perfect. Wala namang taong pefect. And for me, perfect is boring. Wala ka ng gugustuhin pa kasi perfect na nga e.

 I washed myself and made sure I’m all cleaned up. Isang black sleeveless top at white short shorts ang suot ko. Wala akong planong iseduce si Mikael. Kung meron man, eh di sana nag-undies lang ako. Ayoko lang mag-pajama. Sayang ang legs ko. Napatingin ako sa bandang leeg ko. Nagsisimula ng mamula.

“D-amn prawn!” sa dami naman kasi ng pwedeng pagkain na allergic ako… bakit doon pa?! Kailangan ko na maka-inom ng gamot. The last thing that needs to happen is mahirapan ako huminga. I hope umepekto agad ‘yung gamot. Isang hipon lang naman kinain ko. Huwag mag-inarte ang allergy ko. Huwag niya akong ipahamak at naku! Ipauubos ko lahat ng hipon at sugpo sa buong mundo at ipapatapon sa Mars!

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon