Chapter 5

495K 7.6K 397
  • Dedicated kay RM :)
                                    

 

Inaaway niya ako sa twitter dahil dito e :P Hahahaha. Paggising mo na talaga basahin ‘to, RM :P Ang tanong, natutulog ka ba kasi? :D Hahahaha. Pero nakatulog din ako kaya late na ‘to >_<

 

Vote. Comment. Fan. Thanks!

 

 

------------

 

 

“What’s with the face, MM?” tumabi sa akin si Lance. Nakatingin lang ako sa mga model na kung magpose sa harap ni Mikael, kulang nalang tanggalin na ‘yung maliit na saplot natumatakip sakanila para maipakita na ang tinatago nila, samantalang ako… naka-short shorts at suot ang white shirt ni Mikael. Tss. Legs nalang ganun? Like duh? Sa legs ko pa lang, walang wala na sila e.

“Nothing.” sagot ko. Naiinis lang ako. Iba kasi ang tingin nung mga babae kay Mikael! Hello! Walang damit si Mikael! Nakaparada sa mata ng madla ang katawan ng boyfriend ko! Lakas ng loob sabihan na pinagnanasaan ako ng mga tao dito… sa tingin niya, siya hindi?! Kitang-kita ng mga babaeng ‘yun ‘yung abs ni Mikael ko. Dapat for my eyes only lang ‘yan e! Dapat pala kinuha ko ng damit si Mikael sa kwarto e. Pero naiinis ako kaya ayoko talagang kumilos.

“Baka naman mamatay na sila Samuelle sa titig mo niyan?” bulong ni Lance. I looked at him. “Tigilan mo ‘ko.” I rolled my eyes. Naiinis na nga ako, sige pa ang kulit sa akin!

“Don’t frown, MM… nawawala ang ganda mo.” Hinawakan niya ang pisngi ko at pilit akong pinapangiti.

“Kahit hindi ako nakangiti, maganda ako.” I rolled my eyes. Bumalik ang tingin ko kina Samuelle. Konti nalang, magtatawag na ako ng tropa ni Dyesebel para lamunin ng lamang-dagat ‘tong mga babaeng ‘to e. Kainis!

“I know… but you’re more beautiful when you’re smiling, Mikaela.” Napalingon naman ako kay Lance. Biglang sumeryoso?

“Problema mo?” I asked him. Lumingon naman siya sa akin and smiled. “Nothing.” He shrugged.

Binalik ko nalang ang tingin ko kina Mikael. Ang gwapo niya talaga kahit sa malayo. Ang gwapo niya kahit naka-kunot ang noo. Ang gwapo niya kahit galit na siya. Nakikita ko ‘yung ibang nandito sa beach na humihinto sa paglalakad para manuod sa photoshoot tapos tititig kay Mikael tapos kikiligin. Pagawa na kaya ako ng couple shirt? ‘yung sakanya nakalagay MIKAELA MICHELLE’S tapos sa akin KERKO MIKAEL’S para alam nilang may nagmamay-ari na sa aming dalawa? ALL CAPS para damang-dama at para ‘yung mga nangangarap kay Mikael ko, magsitigil na!

“Baka naman matunaw na si Kerko niyan?” pang-aasar na naman ni Lance.

“Don’t you have a girl to f-uck kaya ako ng ako ang kinukulit mo?” tinitigan ko siya ng masama. Nakaka-asar kasi! Nagmomoment ako biglang mang-iinis!

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon