Chapter 17

434K 6.6K 393
                                    

Hindi ko po mauupdate lahat ng story. One at a time. Hindi po kasi madaling humanap ng oras magtype. Sadyang naglulumikot sa isip ko ang plot ng UG kaya ito ang inuna ko. Salamat po sa support. I know, malalagpasan din naming ‘to and I have a new guardian angel. Alam ko din na sinusuportahan ako ni Mama from above.

Again, thanks guys.

 

Late ang kaganapan dito. Birthday pa lang ng MikMik. I might post another chapter pero depende sa oras na mananakaw ko para magtype.

 

#UnwantedGirlfriend.

 

----------------

 

“Tulungan mo nalang kasi ako!” tinitigan ko ng masama si Cielo. Kanina pa ako nagpapaturo sakanya tungkol ‘dun sa isang kanta pero ayaw niya talaga akong turuan.

“Ela naman e. Alam naman nating dalawa na ayaw sa’yo ng kanta. Don’t push your luck naman na, sis.” She rolls her eyes.

“You’re hurting my feelings, you know?” I pout. Sa amin kasing magkakaibigan, wala talaga akong katalent-talent. Nung nagpa-ulan si Lord ng talent, puyat ako. Pero nung kagandahan naman, well. Nauna ako sa pila. “Truth hurts.” She giggles.

“Kase naman e! Dali na, Ciel… please?” I used my puppy eyes on her. Although mas matagal kong kilala si Lance compared to Cielo and Maha, kilalang-kilala ko na din ang bruhang ‘to.

“Still a no, princess.” She mocked. Ganyan siya. Kapag nang-iinis, princess ang itatawag sa akin dahil sobrang brat ko daw. Kahiya sakanya. Sadista kasi ‘yan e.

“You’re so mean.” Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kanan ko. Naka-upo si Maha pero may binabasang libro. Bookworm. Hindi naman ako pwedeng magpaturo kay Maha. Kung ako hindi biniyayaan ng talent. Lalo naman ‘yan. Aish!

“Para saan ba kasi ‘yan?” tanong sa akin ni Cielo. “Birthday ni Mikael.” I shrugged. Malapit na kasi ang birthday niya e. I’m planning to sing for him. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko talaga siyang kantahan kahit na alam ko namang walang mangyayaring maganda sa gagawin ko. Pagtatawanan lang ako nun e. Kaya nagpapaturo ako kay Cielo. Compared sa amin ni Maha, si Cielo ang may golden voice.

“When?”

“19.” I frowned. Naka-set na ang lahat sa tulong na din ni Kuya Asul. Good thing is, hindi madaldal si Kuya Asul at hindi ako sinusumbong sa mga kuya ko. ‘yung kakantahin ko nalang ang problema. Hindi ako maka-decide at hindi naman kasi talaga ako kumakanta.

“19?” sabay na tanong ni Maha at Cielo. I nodded. “Yeah, sa 19 na.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon