Chapter 18

424K 6.3K 562
                                    

 

 Guys, naaalala niyo 'yung song ni Kerko sa birthday nila ni Mika? Click the external link po. Soundcloud ni Kerko :D Nakikiusap po si Mika na huwag hanapin ang kanya, okay? Hahaha. Isang tao pa lang ang nakapagpakanta sakanya. Magpasalamat nalang tayo't hindi bumagyo nung kumanta siya, okay? :D Hahahaha.

---------

Kanina pa kami nasa loob ng conference room at wala ni isa man lang sa amin ang nagsasalita dala na rin ng takot dahil kanina pa seryoso  at walang kibo si Mikael. Mula ng malaman niya ang project na ‘to, naging seryoso na siya. Like what I said, kung gaano ka-sweet siya minsan, ganun naman siya nakakatakot kapag seryosong seryosong seryoso siya.

Nakatingin lang ako sa kamay kong nasa may lamesa. Katabi ko si Mikael and he’s tapping the table with his fountain pen. Lahat kami naghihintay ng sasabihin niya after sabihin ni Dale ang plano ng company. Kahit ako, nagulat na hindi niya pala alam… worst, kasama ako sa mga nagdesisyon agad.

Nag-angat ako ng tingin at nagkatinginan kami ni Dale. Sinasabihan niya akong kausapin si Mikael pero umiiling ako. Nilingon ko ang mga kasama naming model at executives pero lahat sila, sinesenyasan akong kausapin ‘yung katabi ko.

“I don’t want to.” I mouthed. Ayokong masigawan! Ilang araw na kaming okay, tapos ako na naman ang gagawa ng way para mag-away kami? Ano ako, sira? Mahal ko pa buhay ko and ‘buhay ko’ means si Mikael. Kidding aside, mahal ko pa nga buhay ko. Sila nalang kung gusto nila.

“Dali na!” Dale mouthed.

“Ikaw nalang!” I mouthed back. Sasapakin ko ‘talaga ‘to kapag nakalapit sa akin e. Kakasama k okay Cielo these past few days, nagiging sadista na din ako e.

“So, walang magsasalita sa inyo?”

Five words lang pero dama mo na ang pinaghalo-halong iritasyon at galit sa boses niya. Pati mga executives, hindi kumikibo. Kung meron mang ayaw na ayaw si Mikael, bukod sa akin… ‘yun ‘yung pangungunahan siya. Well, kahit naman sino, ayaw mapangunahan e.

Dale clears his throat. “Kerko kasi kinausap naman kami ng maayos nung company. I talked to Mika and she—“

“Who the hell gave you the permission to decide for her,” nilingon niya ako, “for them.”

Tinignan ko si Dale. Bakit ako agad ang namemention? Pwedeng si Samuelle muna? Kainis ‘tong lalaking ‘to. Pasalamat siya, crowded na sa Timbuktu e.

“Kerko it’s for charity.” Pangangatwiran ni Dale. Kaya din naman ako pumayag, kasi nga it’s for charity. It’s a way of giving back although may sarili naman kaming tinutulungan na charity, I never got the chance to help in my own way. Oo, nagbibigay sila Mommy and Daddy, pero sila ‘yun. Ako, never pa. Kung sakali… it’ll be my first time to do it.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon